#7 You and I

3.9K 77 11
                                    

MARAMING SALAMAT po sa LAHAT ng NAGBABASA at UMAABANG sa mga one-shots ko na 'to. SALAMAT rin po sa mga nag-FOLLOW sakin, sensya na di ko kau mapasalamatan sa personal ha? hehe. Busy kasi ako ngayon kaya di na rin nakakapag-UD.

*Connected po ito sa mga nauna kong one-shots (except #5)

*Sensya po kong may typos o magulo ang format. Cp lang kc gamit ko:)

Ara's POV

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Mika sa ganito. Ang alam ko lang ay pinilit niya ko kaya hindi na ko makatanggi. Lagi naman eh.

"Daks naman eh.."

"Hmmm.."

"Baby .. Tama na please.."

"Wag kang magulo, Victonara."

Napapikit na lang ako habang si Mika naman ay busy sa ginagawa niya sakin.

"Hmm.. Konting blush-on lang.." narinig kong sabi niya saka naramdaman ko na ang brush sa pisngi ko.

Kung pwede lang tumakbo, kanina ko pa ginawa , kaso baka magalit si daks kaya pinilit ko na lang na manatili sa kinauupuan ko kahit gustong gusto ko na talagang maghilamos.

Huminga ako nang malalim. Konting tiis lang Vic, minsan lang naman yan eh. Naku, kung hindi ko lang talaga mahal ang babaeng 'to.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napatulala na lang kay Mika. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kaseryoso sa ginagawa habang kagat-kagat pa ang labi niya. Hindi rin nakatulong na magkalapit ang mukha naming dalawa. Shet, Vic magpigil ka.

"Daks! Tayo ka dali!" hinatak niya ko patayo mula sa kama at pinaharap sa salamin ng closet namin.

Tinignan ko ang reflection ko mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng purple cocktail dress at doll shoes. Shet, ang bakla ko tignan. Kelan ko kaya 'to mahuhubad?

Hindi ko rin maiwasan na tumingin sa reflection ni Mika,  nakatayo kasi siya sa likuran ko habang nakangiti sakin. Nakasuot siya ng three-fourths polo shirt, faded jeans at Vans. Oh dba parang nagpalit lang kaming dalawa?

Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong ang chin niya sa balikat ko. "Daks, mas maganda ka pa sakin oh."

"Psh. Hindi no. Ikaw kaya magsuot nito? Mas bagay sayo." sabi ko para malaman niya na natatampo ako. Hindi ako sanay eh.

"Naku, nagtatampo ang baby ko." pinaharap ako ni Mika sa kanya. "Gusto ko ako naman muna ang mag-aalaga sayo ngayon."

"Bakit? Mukha ba kong may sakit? Saka IKAW ang baby ko."

"Ang cute mo magtampo! Pramis! Hahahaha!" kita mo ang babaeng 'to, pinagtawanan lang ako. "Ay teka lang baby, may kukunin lang ako."

"Saan ka pupunta?" habol ko sa kanya nang palabas na siya ng kwarto.

"Diyan lang sa labas. Babalik din ako agad. Upo ka muna sa diyan sa bed, baby."

"Eh sama na lang ako." wala naman kasing ibang tao dito sa dorm, nagsiuwian ang bullies sa bahay nila kaya walang tatawa o tutukso sakin dahil sa suot ko. Buti na lang talaga.

"Dito ka lang sa kwarto, please? 10 seconds lang akong mawawala. Promise."

At naiwan nga akong nakaupo sa kama. Hay Mika, palagi mo na lang akong napapasunod sayo. Ikaw pa lang ang babaeng minahal ko ng ganito.

"Baby!"

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mika na may hawak na isang bouquet ng bulaklak at box ng chocolates.

KaRa One-Shots (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon