#4 Courting Mika Reyes

5.2K 92 15
                                    

This is dedicated to my first reader ^_^ haha.

*Guys yung setting pala ng mga One shots ko ay BEFORE ng UAAP SEASON 76, nagkamali lang ako dun sa #1 and #2 ko na one-shot. Naayos ko naman. hehe.

Connected po ang story na ito sa One-shot  #1 , #2 and #3 :)

Enjoy Reading !

Mika's POV

"Daks, anong ginagawa mo?"

Nagulat ako paggising ko nang makita si Vic na nagta-type sa netbook ko habang nakalatag naman sa study table ang mga sinusulat ko kanina.

Hay. Nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. Tapos na nga ang finals pero meron namang pahabol si prof na mga research papers. Buti nga natapos ko yun kanina, kailangan ko na lang i-type yung mga sinulat ko, ayusin ang format pagkatapos ay ipasa bukas.

"Matulog ka na lang diyan, daks.Alam kong pagod ka na. Gigisingin na lang kita pag luto na ang hapunan." nginitian lang ako ni Vic saka binalik ang atensyon niya sa tina-type niya.

Bumangon ako mula sa kama saka nilapitan siya. Teka, research papers ko yan ah!

"Uy bakit ikaw gumagawa niyan?" Kukunin ko sana ang mga papel na sinulatan ko pero naunahan niya ko at inilayo yun sakin.

"Magpahinga ka na lang diyan, daks. Ako na bahala rito."

"Anong ikaw na ang bahala? Eh ako dapat gumagawa niyan eh." Sinubukan kong agawin sa kanya yung mga papel but,again, nailayo niya ang mga yun sakin.

"Pagod ka na , daks. Nakatulog ka na nga diyan kanina oh. Magpahinga ka na lang kasi, ilang gabi ka nang puyat." seryosong sabi niya sakin. Bakas rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Siguro kung ibang sitwasyon 'to mapapasunod niya ko. Eh sa mga simple niyang ganyan sakin, kinikilig na ko tapos lalo siyang nagiging gwapo pag seryoso.Anubeyen! Pero ngayon di na ako magpapadala sa kanya. " Ayoko. Ako gagawa niyan kaya umalis ka na diyan sa harapan ng netbook ko. Tapusin mo na lang kasi yung mga natitira mong projects."

"Sabi ko naman sayo natapos ko na lahat. Isang buwan pa nga akong naging busy before nung finals dba?"

Naalala ko na naman yung isang buwan na yun. Lagi siyang may ginagawa tapos di ko na siya nakakausap, grabe lang ang lungkot ko nun. Ayts, ano ba yan, dapat ko na yun kalimutan. Umamin na si daks sakin kung bakit niya ginawa yun. Nahuhulog na pala siya sakin nung time na yun kaya siya lumayo kasi ayaw niya masira friendahip namin. Sus, akala naman niya iiwasan ko siya pag nalaman kong mahal niya ko? Kinikilig pa rin kaya ako hanggang ngayon sa confession niya. Haha.

In fact, 2 weeks na siyang nanliligaw sakin. Ang sweet nga niya eh, hinahatid niya ako sa class ko tapos susunduin tuwing lunch , hinihintay niya rin ako sa labas ng classroom ng last subject ko everyday kahit na mas nauna yung dismissal niya para daw sabay na kami umuwi sa dorm. Siyempre, di rin mawawala yung mga libre.Haha.Swerte ko no?

These past few days tinutulungan pa niya ako sa pag-aaral at sa mga projects ko. Tulad na lang ngayon. Minsan nagugulat na lang ako, nagawa na niya yung gawain na nakatoka sakin sa dorm.Nahihiya na nga ako sa kanya eh. Ang dami na niyang ginagawa para sakin.

"Nakakainis ka na daks!" sabi ko at napaupo na lang sa kama.

"Daks..Uy" Nilapitan niya ko at lumuhod sa harapan ko.

"Naiinis ako sayo, Victonara! Hindi ako nagpaligaw sayo para gawin kang yaya o personal assistant. Lagi na lang ikaw gumagawa ng mga gawain ko.Kaya ko naman lahat ng yun eh!"

KaRa One-Shots (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon