Ang kalokahan ni Nelya (Pangalawa)

14.7K 232 73
                                    

“Ma’am!”

Naalipungatan ako dahil sa pag-alog sa akin ng nurse.

“A-anong balita?!” Napatayo ako bigla sa upuan ko at agad tumingin sa kwartong pinagdalhan ng Andrew ko.

“Tapos na po siyang operahan ng mga Doctor. Ngayon po ay nasa ICU po siya. Pwede niyo na po siyang makita.”

“Talaga?” Napatakbo ako ng di oras pero bigla din akong napatigil ng maalala ko ang kabaliwan ng reaksyon ko. “Saan nga pala ang ICU?”

Ngumiti ang nurse sa akin at sinamahan niya ako sa ICU. Pinasuot pa niya ako ng gown at mask at pinaalalahanan huwag muna siyang hawakan dahil maselan pa ang kalagayan niya ngayon.

Pumasok kami sa loob ng kwarto niya sa ICU at nahabag naman ako sa itsura ng Andrew ko. May maliit na benda sa kaliwang parte ng ulo niya habang walang saplot ang upper torso niya kundi benda  rin lamang. Tsk! Kahit na puro benda ang katawan niya hindi ko maitatangging alaga niya ang katawan niya dahil parang nililok sa ganda ang korte ng dibdib niya at ang abs niya.

Napakagat nalang ako sa labi sa aking nakita.

“Ginawa po nilang lahat Ma’am. Kahit po ganyan ang itsura ng mister niyo pasasaan pa at gagaling din siya.” Napatungo nalang ako sa sinabi ng nurse. Nahiya ako bigla dahil puro kalaswaan ang nasa isip ko habang kinocomfort ako ng nurse.

“Salamat naman kung ganoon. Salamat!” Napagdaop ko pa ang aking palad sa aking dibdib dahil na rin sa gratefulness ko.

“Kakausapin po kayo ng doctor tungkol sa kalagayan ng asawa niyo maya maya. Pwede niyo po muna siyang tignan pero please huwag niyo po siyang hahawakan. Sampung minuto lang po, Ma’am”

Tumango ako at iniwan na ako ng nurse. Lumapit ako sa may gilid ng kama niya at pinagmasdan ang mukha niya na may kaunting bangas sa pisngi. Huwag naman sanang maging permanente ang peklat niya doon. Pero kahit na sugatan ang mukha niya hindi talaga matatawaran ang kagwapuhan niya. Ang gwapo niya kahit wala siyang malay, ang gwapo niya kahit naghihingalo at gaano pa kaya siya kagwapo kung buhay na buhay.

“Hi, Andrew.” mahina kong sabi habang titig na titig sa maamo niyang mukha. “I miss you.” Namiss na agad talaga kita Andrew, swear! Namiss kong makita ang pagngiti mo sa akin na makahulugan, ang pagtingin mo ng malagkit at ang paghawak mo ng may malisya. Hala! Ayan ka na naman Nelly. Puro kalokohan. Pero namimiss ko talaga siya. “Pahinga ka lang dyan at akong mag-aalaga sayo.”

Narinig ko na lang ang pagkatok sa may salamin na dingding. Nakita ko ang nurse na sinesenyasan na akong tapos na ang oras ko. Hindi ko na namalayan ang lumipas na oras dahil sa pagtitig ko sa napakaamo niyang mukha.

Tumingin ako sa kanya sumandali at ngumiti.

“Patay ka sa akin Andrew kapag gumising ka. Marami na akong naiisip na gagawin ko sayo. Humanda ka.” mahina kong sabi kasabay ng pagimpit ko ng tawa ko.

Nakita ko nalang na tila gumalaw at kumurba paitaas ang labi niya.

Hala, narinig ba niya?

Napalunok nalang ako sa reaksyon nakita ko. Hindi ko alam kung ngumiti ba siya dahil narinig niya ang sinabi ko.

*tok! tok!*

Napalingon na lang ako sa pagkatok muli sa akin ng nurse. Sinesenyasan na niya akong lumabas na ng ICU.

Lumabas ako ng ICU na nakatingin pa rin sa kanya. Gusto kong bumalik at sabihin sa kanya na joke lang yon. Pero hayaan mo na nga. Okay lang din kung totohanan na.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon