Ang kalokahan ni Nelya (Pang-anim)

11.9K 205 58
                                    

“Okey, lover boy, first thing first,” natauhan naman ako ng nagsalita si Doc Kurt at ngiting ngiti nakatingin kay Andrew tapos ay tumingin sa akin. Napatungo naman ako dahil doon ko na lang napansin na nakatingin pala sa akin ang lahat ng mga tao.

“Bago po ang lahat, mga kapamilya, kung maari po sana ay lumabas po muna kayo ng kwarto. May gagawin lang po kaming series of test sa kanya. Maghintay nalang po muna kayo sa labas. Sasabihin nalang po ng nurse kung saan siyang recovery room ilalagay,” dagdag pa ng doctor.

Hinawakan ako ni Mom na ngiting-ngiti sa akin at naglakad kami palabas ng ICU kasama pa ang iba. Pinaupo ako ni Mom sa couch at saka ko nalang napansin na nasa waiting room na kami. Nawawala ako sa sarili ko at ang tanging laman ng isip ko ay ang pangyayari sa amin ni Andrew kanina.

“Nakita mo ba iyon, Dad? The way he looked at Nelly. He’s inlove. They’re just two people inlove.”

Napatingin ako kay Mom dahil sa sinabi niya at pareho silang ngumiti ni Dad. Inlove? Kami ni Andrew? Sa isa’t isa?

Tumingin nalang ako kay Andres na naglalakad paroo’t parito sa harapan namin at naalala ko na naman ang sinabi niya. They are gay.

Inlove si Andrew sa akin? Paano mangyayari iyon kung bakla siya? Pwera na nga lang kung ang tingin sa akin ni Andrew ay lalake? Hindi naman siguro. Mahaba naman ang buhok at binayayaan naman ako ng higit sa sapat na laman sa dibdib na pwedeng-pwede kapain at hawakan kaya imposibleng lalake ang tingin niya sa akin. Pero, naguguluhan ako, naguguluhan ako sa tingin niya kanina. Alam kong may kakaiba. Pero sinabi ko rin na may kakaiba sa tingin at bangayan namin ni Andres.

“Anong tinitingin-tingin mo?” binati naman ako ng nakakunot ang noong si Andres. Tumingin ako muli sa kanya kahit na sinungitan niya ako at hinahanap ko at pinapakiramdaman ang kakaibang naramdaman ko sa tinginan namin ni Andrew. Ang ‘kakaibang-kakaiba’ sa pagtitinginan namin ni Andrew kanina, pero maduling-duling na ako sa pagtingin kay Andres at sa pang-iirap niya ay wala akong naramdaman gaya ng naramdaman ko kay Andrew.

Iba ang ‘moment’ namin ni Andrew kanina. Ibang-iba na tila ba tumigil ang pag-inog ng mundo at tanging kami lamang ang natitirang nandoon. Walang ganoon pakiramdam sa pagtitig ko kay Andres. At isa pa, ang ilaw, ang liwanag na sinabi ng Inay ko. Dumilim sa buong kwarto at tanging siya lamang ang nasisinagan ng liwanag. Coincidence or Fate?

Pero bakla si Andrew ko. Ang lalaking maaring ‘tama’ para sa akin ay lalaki rin pala ang hanap. Hindi kami talo! Pero naman kahit hindi kami talo iba talaga ang nangyari kanina. Iba. Kahit naman diba bakla ang isang lalake may kakayahan pa rin naman siyang magmahal ng isang babae, diba? Diba?

Subalit hindi ito lamang dapat ang pinoproblema ko. Ito na talaga ‘to. Ang lahat ng kasinungalingan ko ay mabubunyag na. Ipapakulong kaya nila ako? Ilang taon kaya ang sentensya sa akin? Makikita ko pa ba si Andrew pagdating ng panahon at sana lang sa panahon na yon naisipan na niyang magpakalalake.

Naka-ilang pagbuntong hininga ako at pagtingin sa kawalan ang lumipas dahil sa gumugulo sa isip ko ng tinawag na kami ng nurse. Inilipat na ng kwarto si Andrew, ligtas na siya sa panganib.

Nagtungo kami sa kwarto na pinagdalhan kay Andrew at mas lalo akong nahilo at nanghina sa bawat hakbang patungo sa kwarto niya.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon