Ang pagbabago sa buhay ni Nelya (Pang-sampu)

9.7K 196 102
                                    

Don’t tell her about us. Tinext ko kay Andrew.  Ano bang sasabihin niya tungkol sa amin? Wala naman katotohanan doon kaya mas maganda na hindi na rin niya malaman sa una pa lang. Atsaka, alam kong maari rin naman matapos ang lahat ng ito at sana nga ay matapos na.

Naghintay na lang ako sa lobby ng hospital kay Mom at hindi na tumuloy para dalawin pa si Jon. Ang dami kong nalaman bukod sa hindi pala lalake si Jon at hindi pala bakla itong si Andrew gaya ng pinagsasabi ng kapatid niya.  Magulo ang isip ko, mabigat ang dibdib ko at para bang nahihirapan akong huminga. Inlove? Maling-mali si Meg. At kung ano man itong nararamdaman ko kay Andrew kailangan pigilan na.

“Mom,” sigaw ko ng makita ko itong naglalakad papunta sa entrance ng ospital. Nilingon niya ako at ngumiti. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

“Nelly, hindi mo alam kung anong nangyari kanina. Itong si Jon talaga hanggang ngayon napakamapaglaro pa rin.” Pailing-iling pang sinabi ni Mom sa akin habang nakangiti.  “Saan ka ba nanggaling? Hindi ka na tumuloy. Nagkita na ba kayo ni Andrew?”

Tumango na lang ako.

“Tara na?” natigilan ako sa pagyakag ni Mom.

“Gu-gusto ko po sanang umuwi ng Cavite ngayon. Nagmamadali po kasi kami ni Andrew ng umalis papunta rito at may mga nakalimutan po akong mga bagay doon.”

Tumingin lang siya sa mukha ko na tila inaalam ang saloobin ko. Ngumiti ako sa kanya. Hindi niya dapat malaman kung ano man gumugulo sa sarili ko. Maya-maya ay tumingin ito sa likuran ko.

“Nelly,” narinig ko ang boses ni Andrew sa may likuran ko at hindi ko magawang lumingon sa kanya. Nag-aalangan ako.

“Maiwan ko muna kayo, ha. Kukunin ko lang ang sasakyan. Hintayin na lang kita sa may harap ha?” kinuha ni Mom ang palad ko at ngumiti sa akin saka tumalikod at naglakad papalayo.

“Gusto kong umuwi ng Cavite” nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang entrance ng ospital at hindi ko siya nililingon sa likuran ko.

“Ano?” hinawakan niya ako sa may siko at pinatigil ako sa paglalakad ko.

“Sige na, Andrew. Uuwi na akong Cavite,” nagmamatigas kong sabi. Gustung-gusto ko na talagang umuwi.

“Ano bang sinasabi mo?” hinawakan nito ang braso ko at mabilis itong humarap sa akin.

“Paulit-ulit naman, Andrew. Bingi lang?” tumingin akong bahagya lang sa kanya sabay irap. “Gusto kong umuwi, Cavite,” inulit ko pa sa kanya.

“Hindi pwede. Wala kang kasama doon.”

“Tawagan mo na lang si Collin. Okey lang sa akin na makasama siya,” giit ko pa.

“Wala si Collin nasa ibang bansa.”

“Eh di ako na lang kasing mag-isa. Ang laki ko na Andrew. Tatlumpung taong gulang na ako at 5 feet six ang tangkad ko. Matagal na akong naninirahan mag-isa at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.” Tumingin ako sa kanya sa pagkakataon iyon dahil sa inis ko.

“Nelly, wala naman sa edad mo o sa tangkad mo ang kaso. Nelly, please, listen to me, please stay in my parent’s house for a while. At least kapag nandoon ka alam kong safe ka at kampante ang loob ko. Please, uuwi tayo sa Cavite kapag naging maganda na ang lagay ni Jon, promise.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Sasama pa rin siya sa akin kahit na nandiyan na si Jon? Imposible. Hindi ako makakapayag.

“Andrew…gusto ko ng matulog sa mabahong kama ko at amoy alimuom kong kwarto, hindi mo ba ‘yon naiintindihan? Hindi ko mahahanap sa iba ang amoy na iyon, Andrew. Kaya please, uuwi na ako.” Sinuntok ko ang dibdib niya at hindi lang siya umalma. Tumingin ako sa mukha niya at nakangiti lang siya na tila nang-aasar.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon