Tiana's.
“Iya! Iya!” nainis naman ako dahil sa pagkalabog ni Kuya sa pinto. Kulang nalang ata ay sirain niya. May galit ata sa pinto ko.
“Anong problema mo?” inis kong tanong. “Wala akong problema. Andun sa baba si Zelton. Hinahanap ka. Bumaba kana.” nanlaki naman ang mata ko.
“Anong ginagawa niya dito?”
“Aba, malay ko. Ako ba si Zelton ha?”
Napairap naman ako. “Tss. Bababa na ako.” bago pa umalis si Kuya at sumilip pa siya sakin.
“May uhog ka.”
Tangina, ba’t ‘di ko naramdaman?
—
“Hello Tiana.” ngiting bati niya. Sht, bakit ganyan ang ngiti niya?
“Ayow, wuzzup?” sinuway naman ako ni Mama dahil sa inasta ko. Umalis naman siya dahil kukuha lang daw ng meryenda. 1PM na naman ng hapon.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Ahm, aayain sana kita.” sabi nito na tila nahihiya.
“Sa’n naman?”
“Dun sa birthday ni Zac. Birthday niya kasi ngayon e magkakaroon daw ng party.” napa-ah naman ako. “Ah, okay lang naman sakin. Magpapaalam lang ako.” tatayo na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko.
Yung kuryente, sht.
“‘Wag na. Pinagpaalam na kita.” hindi ko alam pero napangiti ako.
“Anong oras ba yung party?”
“Mamayang 7 PM.”
—
Andito na kami ni Zelton sa bahay ni Zac. Dito raw kasi gaganapin yung party. Marami ring mamahalin na sasakyan ang nakaparada dun sa labas. Sa labas palang ay makikita mo na talagang marami ng tao sa loob.
Hawak-hawak ni Zelton ang kamay ko. At ako naman, kinikilig. Shems!
Naka-suot ako na sky blue na gown. Hindi ko alam kung pa’no i-describe pero ang masasabi ko talaga ay maganda ito. May mga puti-puti pa itong mga designs. Naka-stiletto rin ako at sht, feeling ko matatapilok ako.
Yung buhok ko na hanggang leeg lang na kulay brown ay medyo kulot. Si Zelton naman ay naka-tuxedo. At ang gwapo niya lalo!
Pagpasok namin ay pinagtinginan kami ng iba.
“Sino yung kasama ni Zelton?”
“Yuck. Ang panget niya.”
“Siguro girlfriend niya.”
Ayan ang mga binubulong nila. Muntik na nga akong mapairap dahil don. Tsh, napaka naman nila.
“Wag mo nalang sila pansinin. Inggit lang sila sayo dahil kasama mo ang gwapong si Zelton.” kumindat pa siya sakin. “Heh! Yabang mo!”
Tumawa ito. “But seriously, you look so beautiful tonight.” napangiti naman ako. “Thank you. You look handsome.” kahit medyo madilim dito sa pwesto namin ay nakita ko kung pano siya namula.
“T-thank you rin. Tara na sa loob?” ngumiti nalang ako. Namangha naman ako dahil sa laki ng bahay — este mansyon ni Zac. Pa'no nalang kaya kung mag-isa siya dito nuh? Edi lonely.
Pagpasok naman namin mismo sa loob ng bahay ay nakita naman agad namin yung kabarkada nitong si Zelton. Lumapit kami sa kanila.
“Yo, Z. Ganda ng date mo ah?” ngumisi naman 'tong si Xylem. Of course, kilala ko ang Overload Swaegness no! Big fan!
Medyo namula naman ako dahil sa sinabi nito. Yumuko ng bahagya si Xylem tapos kinuha yung kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
“Ey, I’m Xylem Kaero Velarde. Nice to meet you madame.” ngumiti ito. “Naman hyung,” hinila ako ni Zelton papunta sa likod niya.
“Wag naman. Humanap ka nalang ng iba.” ngumisi si Xylem tapos yung iba naman ay inaasar ni Zelton.
Magsasalita pa sana ito kaso bigla nalang may tumama sa kanyang bag. Nagulat kami. “You asshole! Inaya mo pa akong date tapos may kalandian ka naman palang iba!” sabi nito sabay hampas pa ng bag niya sa kanya.
Todo iwas naman 'tong si Xylem. That what he gets being a playboy.
“Sorry naman baby. Nagpapakilala lang naman ako ah.” rason nito. “Bahala ka sa buhay mo! Maghanap ka ng ibang ka-date mo!” tapos umalis ito. Sinundan naman ni Xylem.
“Grabe talaga yang si Xylem,” umiling itong si Smoke Tyron. “By the way, musta naman Zelton? Tagal nating di nagkita ah.” ngumiti naman si Zelton.
“Okay lang naman ako hyung.” sagot nito.
“Zeltooooooon! Humaygad! Sabi na e kayo magkakatuluyan! Emeeee! I’m kenikeleg!”
—
Zelton’s.
Umepal naman 'tong si Paxzel hyung.
“Grabe. Hindi naman po kami. Nanliligaw palang po siya.” sagot nitong si Tiana. Laglag panga naman 'tong mga pinsan ko.
“What the. Akala ko kayo!” sabi ni Renz hyung na medyo dissapointed.
“Ayan kasi, sobrang assuming.” sabi ni Rexcel hyung na naka-upo lang doon na chill na chill lang.
“Ansakit diba?” ngumisi pa ito at pinikit ang mga mata.
“Pero seryoso, di pa kayo?” di makapaniwalang tanong ni Pazxel hyung.
“Oo nga hyung. Unli lang?” napatawa naman ang lahat.
“Ayoooow pipol! Oh, andito na pala si Zelton with his lovely date, Tiana.” nakita ko naman na nagulat si Tiana dahil sa sinabi ni Zac na kakarating lang na galing kung saan.
“Kilala moko?” di siya makapaniwala. Tinignan ko naman si Zac ng makahulugan. Ngumisi lang siya sakin.
“Oo naman. Lagi ka ba namang kinu-kwento samin ni Zelton. Diba Z?” nagsimula na naman akong asarin nitong mga pinsan ko. “Anla naman.” kainis! Ibuking ba naman daw ako? Anong klase silang pinsan? Tsh.
“Namumula si Tiana oh!” napatingin naman ako kay Tiana na talagang namumula na talaga.
“Bro, happy birthday nga pala. Ito yung regalo ko.” sabi ko sabay bigay nung regalo ko. “Salamat bro. Salamat. Ano ba yan, excited na akong buksan. Pwede na bang buksan?” malaki kasi yung regalo ko kaya siguro naging excited.
“Sige hyung since ikaw naman yung may birthday.” napatawa kami.
Dali-dali naman na tinanggal ni Zac hyung yung regalo ko at ako naman ay pinipigilan yung tawa.
“Omyyyy! Ano ba 'tong regalo mo sakin Zelton?” natatawa talaga ako. “Secret. Bilisan mo na kasi.” mas lalo naman naganahan si Zac.
Pagkabukas nung box at napa-poker face naman siya. “Ano Zac? Anong laman?” tanong ni Smoke.
“Seriously Zelton? Key chain?” sabi nito sabay labas nung key chain na regalo ko sadya. At yung tawa ko kanina pang pinipigilan ay lumabas na. Kahit yung mga pinsan ko nagtawanan narin.
“Paasa ka!”
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Emoji
Genç Kurgu❝Sa'n mo ba nakukuha yang emoji na yan? Bakit wala ako?❞ Mahabang chat, nauwi sa mahabang relasyon. Tiana Maki Reyes x Kim Yerim Zelton Jace Velarde x Jeon Jungkook Velarde Series #1
