Zelena's Secret

422 9 3
                                    

Zelena's Secret

PROLOGUE

Nagising ako na hindi makahinga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero hindi ako makagalaw. Saka ko lang naalala na nasa loob pala ako ng kahoy na kabaong.
Napaiyak ako at pinikit na lang ang aking mga mata. Ito na yata ang katapusan ng buhay ko.
Pero, mali ang inakala ko. Unti-unti nang nawawala ang hininga ko nang biglang may nagbukas ng kabaong at inalalayan akong lumabas.

Habol-habol ang aking hininga nang magwika ang taong tumulong sa akin, "Tutulungan kita."

Napatingin ako sa kanya. Isa siyang lalake. Lalo akong napaiyak dahil naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng mga hayop na 'yon. Pinapangako ko, magbabayad sila.

Sa tahimik na gabi, ako ang pumunit nito gamit ang aking sigaw.

"IBABALIK KO LAHAT NG SAKIT! MAS MADUGO AT MAS BRUTAL!"
Lumapit sa'kin ang taong tumulong sa akin at tinakpan niya ang hubad kong katawan gamit ang kanyang jacket.

"Tutulungan kita. Pangako," at niyakap niya ako.

Magbabayad silang lahat. Silang anim na bumaboy sa akin. Bawat sakit na dinulot nila buhay ang kapalit.

Patay na ako, 'yan ang alam nila.

Pero buhay ako. At 'yan ang magiging sikreto ko.

Ako si Zelena at uumpisahan ko na ang madugong laro na ito.

Zelena's Secret #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon