32

930 31 0
                                    

" Urgh! Nakakainissssss!"

Umiling ako " No . Hindi pa siya perfect!"

Hinagis ko ang kutsarang gamit ko "Amp! Ang tabang!"

Umupo ako at napatakip nalamang sa buong mukha habang maraming chocolates na nagkalat sa mga kamay ko

Tumayo ako at nagtry ulit gumawa ng cookies.I like and I love cookies at gusto kong gawan si Walter ng pang dessert niya mamaya, tapos na kasi akong magluto ng spaghetti,Shanghai,Chicken,Hotdogs at kung ano ano pa.
But this fucking cookies? Argh! Ang hirap esakto ng lasa.

Unang tikim sa unang gawa

" Pwe! Pait pwe!"

Second taste

" Ano ba yan? Bat ang alat? Wala naman akong nilagay na asinnnnn!"

Umiling ulit ako

So ito na ang third taste para sa huli kong gawa , nang matikman ko na to, dahan dahan nalang akong napaupo at para nalang akong tangang bigla nalang lumuha

" Wahhhhh bat ganon? Di ko magawa ang perfect taste para sa cookies?"


Walter POV

" Aalis kana?" napatingin naman ako sa kamay ni Thessaly na mabilis na pumulupot sa'king braso

"Iniintay na ako sa bahay ni Briana ,Thessaly"

Marahas niyang binitawan ang braso ko at sumimangot pero agad din naman ulit siyang pumulupot ulit sa braso ko

" Hayaan mo muna siya, dito ka muna please "

Nakatingin lang ako sakanya

" Please? " pag uulit niya

Inalis ko ang braso niyang nakahawak saakin " Pero si Briana nag aantay sakin?" 

Inalalayan niya akong umupo sa gilid ng kama niya " Just 5 minutes Walter.5 minutes please?"

Tumingin ako sa relo ko at alas-nuwebe na.Gabi na pala?  Sabi ko pa naman kay Briana na mabilis lang ako

Huminga ako ng malalim " Fine"

Wala na akong magawa kundi tumingin lang ng tumingin sa relo ko
Yung 5 minutes na sinasabi niya ayon lumampas na hanggang sa mag 10 na.

Tumayo ako dahan dahan at kinumutan ng makapal na kumot si Thessaly.Kailangan ko na talagang umuwi

Pinaharurot ko ng mabilis ang aking sasakyan papauwi sa bahay, mabuti nalang pagdating ko hindi nakalock ang pinto pero yung gate may kandado na kaya nag-akyat nalang ako ,pagkapasok ko walang Briana na bumungad saakin

Pumunta ako sa kwarto niya pero wala siya,umakyat pa ako sa third floor pero wala pa rin siya don

" Nasan siya?"

Hanggang sa makarinig nalang ako ng nabasag na baso or kung ano man yon galing sa kusina,kaya agad akong pumunta roon. Agad na sumilay saakin ang tulog na si Briana sa may lamesa habang nakaupo

" Hey?" Inuga-uga ko pa siya

" Pst nandito na ako" bulong ko sakanya

" Pst oy wag ka ditong matulog"

Inuga-uga ko pa siya hanggang sa magmulat na siya ng mata, pikit mata niya akong tiningnan ng paulit ulit.Natatawa pa ako sa mukha niya dahil sa dami nitong chocolates na nasa mukha.

Ang sweet ng amoy niya .


Briana POV

He's here but I dont care! Hmp! Pinag intay niya ako ng ilang oras then now bigla bigla nalang siyang dadating? The heck! Subrang ang dali lang talaga niya psh! Pumikit ulit ako at hindi siya pinansin

Bahala siya diyan

Inuga-uga niya ulit ako dahilan para mas lalo akong mainis sakanya

" Don ka sa kwarto mo matulog Briana"

He call me my name not tsang.Much better.

Akala niya siguro tulog na ulit ako kaya naramdaman kong inayos niya ang mga hibla ng buhok ko at inilagay sa tagiliran ng aking tainga.

" Oy!" Pangungulit niya sakin

Hindi ako kumibo, hanggang sa di na nga ako nakakibo ng maramdaman ko ang dila niyang humihimod-hibod sa buong mukha ko

Holy crap!

Para akong istatwa na di na nakagalaw pa sa kinauupuan ko,ni magmulat ng mata ay di ko nagawa. Ramdam ko padin ang dila niyang dumidikit sa mukha ko kaya don na ako nagmulat ng tingin sakanya dahilan para mapatigil siya

"Tinatanggal ko lang yong chocolates" tapos lumayo siya ng kaunti saakin

Lalong uminit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

" Na-nakakadiri k-ka!" sabay hampas ko sa dibdib niya.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay binuksan niya ang may mga takip na niluto ko kanina para sa dinner namin.

" Maghilamos ka muna sa Cr tapos dinner na tayo"

" H-ha?"

" Ano,gusto mo bang pati paghihilamos ako narin gumawa sayo?"

Tumayo ako at umiling. Ngumisi lang naman siya saakin tapos ako'y dumeritso na sa Cr. Pagkabalik ko sa dining area nakita ko siyang lumalamon na

Nakita niya akong nakatitig lang sakanya " Oh dito kana, kain kana din"

" No thanks.Busog pa a—"

Hinigit niya ako bigla sa tabi niya at sinubuan ng shanghai sa bibig

" Sarap sarap ng luto mo e ,kain kana din" Sabi niya pa

" T-talaga?"

He nodded sabay subo ng mga pagkain na nasa harapan niya.Napansin kong napatigin siya sa isang may takip kung saan nasa loob non yung mga failed cookies na ni bake ko kanina

" Ano kaya to?"

Bubuksan na sana niya ng pigilan ko siya kaya magkahawak kamay kami ng kamay ngayon, nasa ibabaw ang kamay ko habang ang kamay niya ay nasa ilalim.

He look at me " Hmm?" sabi niya

" W-wala yan." Kinakabahan kong sabi

" We?"

Inalis niya ang kamay ko at tuloy niyang binuksan iyun hanggang sa makita niya na nga ang mga cookies
na lahat ay may kagat

" Ano yan? Pakain sa daga?"

Napa-pout ako. Grabe naman sa pakain sa daga? Pinaghirapan ko kaya yan!(╥﹏╥)

Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko at pinaharap sakanya na ngayon ay kinakain niya na ang isang cookies. Panguya-nguya pa siya habang nakangiti na nakatingin sakin

" Hmmm sarap a? "

Napaluha ako. ohshit! Masyado na akong madrama sa harap niya kaya pinahid ko kaagad ang luha ko.

"Alam kong nasasamaan ka ng lasa diyan .Iluwa muna" Malungkot na sabi ko

Inilahad ko ang kamay ko para don niya iluwa ang cookies na kinakain niya

Tumingin siya don na naguguluhan " Ano yan?" he asked

" Luwa mo yan dito.Ang sama sama ng lasa niyan e" Utos ko sakanya

Nginuya,nilumod niya ang cookies at pagkatapos tumingin siya saaking palad. Hinawakan niya ito at hinalikan ng madiin

Omygod.

I gulp

After he kissed my hand he gaze at me then he smile

Shitt!

Yung ngiti niyang kakaiba.Nakakainlo—no!

" Thanks sa foods"

My Wattpader Boyfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن