1

2.9K 102 3
                                    

Briana POV

"Hoy tumulog kana nga gabi na oh!"

pinalo ko sa likod si Althea dahil simula 7 am hanggang ngayon 11 nagbabasa padin siya ng wattpad? tsk! mapapala niya na don? hindi naman nakakain e!

" bakit ba?" bored na tanong niya sakin

" Matulog kana!"

Kung bakit kasi dito pa tumira ang babaitang ito e! oo bff ko siya pero psh! walang silbi naman! Ano pang silbi ng condo niya kung mas gusto niya ditong tumira sa pamamahay ko?

inagaw ko sakanya yong cellphone at saka tinago sa loob ng ano ko.Haha sa basta sa pinakailalim na hindi niya pwedeng hawakan  o kuhain.Kala niya ha?

" ay bastusan bes? Akin na! "

" AYO.KO!"

tapos humiga na ako.

" Pag yan mabaho bukas tsk.Hate you bes! " pasigaw na sabi niya

" Hate you more "

Ramdam ko naman na nahiga na siya kaya pumikit na ako.

Mga ilang oras nagising ako para tanggalin ko iyong cellphone niya sa ano ko,kasi nakikiliti na ako.haha!
bago ko ilagay sa ibabaw ng cabinet yong cp niya tiningnan ko muna iyong nasa screen

" Devil beside me"

binasa ko saglit iyong nasa screen at feeling ko gusto ko ng itapon sa labas ng bintana iyong cellphone niya dahil lang sa pagbabasa ng mga walang kwentang story na to, nagkakaganyan mga tao ngayon.Lalo na itong best friend ko?

kina-umagahan*

" Althea gising na!!!!

"hmmm?"

pinalo palo ko na siya sa ulo sa puwet sa likod pero hindi parin siya gumagalaw para mag asikaso sa pagpasok.malelate nanaman kami neto ng dahil sakanya e!

" GUMISING KANANG LINTIK KA! AYOKO NG MAGKAROON ULIT NG PUNISHMENT NG DAHIL SAYO!"

agad naman siyang bumangon,tumayo at pumunta sa loob ng bathroom.Katatanga muntikan pang madapa dahil antok pa ata.

*School

wala na late again.Late nanaman kami ng dahil sa babaitang ito! lagi nalang!

may mga teacher na nag aantay or nagbabantay sa labas ng gate ng school namin kaya hindi ganoon kadali para makachimpo kaming pumasok sa loob.

"Bes sorry"

" Oy bes pansinin mo na ako"

puro irap lang natatanggap saakin ni Althea kasi ito kami nakaluhod at parang may sinasamba dahil ito daw muna ang ipaparusa saamin nila Sir and Ma'am.

Ang sakit kaya sa tuhod! sila kaya paluhudin ko dito ng isang taon!

"Bes! oy sorry na"
tapos kinakalabit kalabit niya ako sa tagiliran.

as if naman may kiliti ako don -__-

" Bes–––––"

" ANO BA!!" iritang tanong ko sakanya

oo mataray, masungit at moody ako hindi ko nga alam kung paano tumagal kaming mag Best friend ng walang silbi na to e?!

" Sorry na nga" teary eyes na siya.
pero wa-effect padin sakin mga ganyang paawa.psh!

" KUNG HINDI KA KASI LAGING NAGPUPUYAT NG DAHIL SA WATTPAD NA YAN EDI SANA HINDI TAYO LAGING NAKAKATANGGAP NG MGA PUNISHMENT DIBA? GIGIL MO SI AKO HAYS!" sigaw ko sakanya

Gigil na gigil na talaga ako sa babaeng to,sarap niyang ipatapon sa saudi e!

" Sorry na kasi be–––"

" Mr.Rodriguez Late ka nanaman? akala ko ba magbabago kana?"

Napatingin nalang kami  kay Sir Patrick na nakatingin sa late student din na kagaya namin

" Sorry sir"

wala sa mood naglakad iyong lalaki papunta saamin at tumabi sa pwesto ko deritsong lumuhod katulad namin

" wow" narinig kong sabi ni Althea

" wow ka diyan? anong nakaka-wow don!?" mataray na sabi ko sakanya

" Edi wew"

tumingin ako kay Althea na halos lumuwa na ang mata katitig dito sa katabi ko.The hell! mukha siyang tanga!

" Ang gwapo niya talaga" Halos nag e-spark na iyong mga mata ni althea ng sabihin niya yon

Tiningnan ko naman iyong katabi ko

pointed nose
white skin
red lips, ganda lang kasi pang mga Thailand yong shape ng labi niya
matangkad
Hays bakit ko ba tinititigan ang sleeping man na to?!

" Gwapo diyan? panget nga e!"

hinampas naman ako ni althea sa braso kaya napa ouch ako.Aba't magkabati na ba kami para hampas-hampasin niya na ako?

" baka marinig ka" bulong niya saakin

" E maano?" Sabi ko pa

" baka magising"

seryoso? e lagi nga din yang late e.never ko pa nga yang nakikitang maagang pumasok kasi sa kabilang room yong room niya which is pilot section.Edi siya na matalino,ako na ang maganda! psh!

" Shhhh bes naman e.gwapo niya kaya lalo na kapag tulog mukha siyang anghel ,mukha siyang  pang Fictional character sa wattpad hihi"

automatically na napairap ako ng marinig ko iyong word na  WATTPAD

" Ang panget bes,hanap ng bago" Sabi ko sakanya tapos umiling

" Hindi naman e.gwapo oo man.may gf na kaya yan?"

hindi ba nakakaramdam ng sakit sa tuhod ang babaeng to at puro sa lalaking katabi ko ang binubunganga niya?

umayos ako ng luhod at saka nilapitan ng kunti iyong lalaking tulog na Gwapo daw?

" Ito gwapo?"  tinuro ko kay althea, nag nod naman si Althea saakin tapos pulang pula iyong mukha niya " ANG PANGET PANGET KAYA!" sigaw ko kay Althea.

naramdaman ko naman na nagising yong lalaki kaya medyo lumayo na ako.Nakatingin lang saakin yong lalaki ng seryoso

" Mas panget ka po" tapos tumayo siya at lumipat ng ibang pwesto

what the–– halos nakanganga nalang ako ng sinabi niya iyon saakin.Ibang klase ha? sabihang Panget ako ng lalaking yon? buong buhay ko,siya lang nagmumuntanging lalaking nagsabi saakin nang ganyan!

" Nakakainlove din yong boses niya" hinampas ulit ako ni althea sa braso
" Bad ka!  tuloy lumipat ng pwesto"

"Edi lumipat kadin problema ba yon?"

Ngayong araw gusto kung makapatay ng dalwang tao at uunahin ko ang dalawang ito!

My Wattpader BoyfriendWhere stories live. Discover now