18

1.1K 35 1
                                    

Bumalik ako sa classroom ng nakabusangot ang mukha at tanging nasa isip lang ay ang sinasabi sakin kanina ni Walter

" Psh! Assistant niya mukha niya!" pabulong na sabi ko

" Ms.President!"

Napalingon ako sa tumawag sakin
Tinaasan ko siya ng kilay ng magkatinginan kami

" Bakit?" wala sa mood kung tanong sakanya

" Haha chill, di naman kita kukulitin e aakitin lang kitang mag recess"

" Hindi ba pang iinis sakin yang pag aakit mo?" tanong ko

" Di naman, treat sana kita kaso wag nalang ayaw mo ata?"

Mygod si Zaynn may gana pa atang artihan ako?

" Fine"

Naglinis-linisan naman siya ng tenga niya at tumingin ulit sakin

" Ha ano? "

"  I said Fine" pag uulit ko

" Talaga? Baka nabibingi lang ako teka wait lang" tapos nilinis-linisan niya ulit yung tenga niya

" Ayaw mo ba? Bahala ka diya––"

" Haha joke lang sige tara na ?" aya niya kaya naman sumunod na ako sakanya

Hanggang sa mapunta nga kami dito sa canteen hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha ni Zaynn

" Sira ulo ka ba?" Tanong ko

" Hindi a?" pag tanggi niya

"Kung ngumiti ka diyan dinaig mo pa yong adik sa kanto sa subrang high?" loko ko sakanya

Ginulo niya ang buhok ko saka ako tinawanan " haha ginawa mo pa akong adik. Masama na bang maging happy?"

" May sinabi ba ako?" Pagtataray ko sakanya

" Sungit mo talaga" Sabi niya

Umismid nalang ako

Tumayo naman siya at saka pumunta sa bilihan utos niyang intayin ko siya kaya nanatili nalang akong nakaupo

" Oy Bes! Nag aano ka diyan?"

Napatingin ako kay A na may dala dalang Tray

" Nakaupo a? Di mo ba kita?"

Lumapit siya sakin at tumabi sa katabi kong pwesto inilagay niya yung tray sa ibabaw ng desk at hinarap ako

" Ano yong nababalitaan kong ASSISTANT KA DAW NI WALTER RODRIGUEZ HA? Totoo ba?"

Kumunot ang nuo ko

"Ha? Kailan pa ako namasukang Assistant ng hinayupak na yon?"

Nagkibit-balikat naman siya " Kalat kaya tapos kaya ka pala nawala kanina kasi magkakasama kayong fans ni Walter pati si Walter kasama mo sa likod ng campus"

Mas lalo kung tinaas ang kilay ko " Dakilang chismosa ka talaga A!" Kasabay nang pag batuk ko sa ulo niya

" Wait bakit solo kang nag recess? Dapat inakit mo a––––––"

" Hey!Althea right? ikaw nanaman? Haha " Umupo sa tabi ko si Zaynn at mukhang close na agad sila

" Zaynn hi?" Naiilang na sabi ni A

Binigay naman sakin ni Zaynn ang mga binili niyang pagkain saakin

" Salamat" Mahina kong sabi

"Ayown saka lang bumait" Loko sakin ni Zaynn

" Tigil-tigilan mo ko,ngayon lang to!" singhal ko sakanya saka inupakan kainin yung hamburger

"Sino yung Poging Author?"

Nagkatinginan kami ni A at saka parehas tumingin kay Zaynn na nakatingin din saamin dahil nag iintay kung anong isasagot namin sakanya

Nabulunan naman ako kaya uminom  ako ng tubig ,pagkatapos kung makainom tumingin ako ng deritsahan kay Zaynn " Bakit mo naitanong?"

" Curious lang? nong isang araw kasi napadaan ako sa may bulletin board tapos ang daming nakalagay at nakadikit na sticky paper na puro nakalagay Poging Author"

Napatango naman kami ni A sakanya

" Akala ko pati ikaw nai-inlove na rin don hahaha" loko ni A kay Zaynn

" Pffft di a? Di ko nga kilala yon e, at saka baka mas gwapo pa ako don" Banat naman nito

Nag thumbs up ako kay Zaynn at ngumiti " Yes tama ka diyan! Mas gwapo ka talaga don kasi yung tinutukoy nilang Poging Author sus di naman talaga GWAPO yon "

" Pst bes pinagsasasabi mo ba?" siniko pa ako ni A at pabulong niyang tinanong yan

Tiningnan ko lang si A at nagpatuloy magsalita " Ang totoo niyan may panot yun sa ulo pffft ang laki nga e natatabunan lang ng makapal niyang mukha este ng buhok" tatawa tawa kong sabi

" We? Meron ba? Haha malas amas non!" natawa na din si Zaynn katulad ko pero si A pailing iling lang

" At saka alam mo ba? Bakla yon kasi ang adik sa Wattpad imbes na basketball ang kinahihiligan,di niya lang maamin  sa mga fans niya kasi you know sikat na siya sa karamihan"

Hahaha LT to!

" HAHAHHAHAH kaya nga dapat basketball kinaadikan niya di pangbabaeng hobbies" sagot sakin ni Zaynn

" Depende naman sa lalaki yon kung ano ang trip nilang gawin e"

Lumingon kami parehas kay A na nakasimangot na

" A nagsasabi lang ng totoo, at saka malay natin bakla talaga yon di niya lang masabi kasi He is famous Author na? Diba Zaynn?"

Zaynn nodded

"Naghahanap lang  yun ng magandang timing para makaamin na siya.Wag kang mag alala aamin din yon" seryosong sabi ni Zaynn kay A kaya napatawa ako

" Grabe kailan kaya balak umamin non? Haha naeexcite ako" Sabi ko pa

Tumayo si A at sinamaan kami ng tingin " Ewan ko sainyo masyado kayong judgemental !" saka siya tuluyang umalis

O-ow nagtampo si A. ¯\_(ツ)_/¯

" Tsk hayaan mo na yon nag aartihan lang yon" sabi ko kay Zaynn na habol tingin kay A habang naglalakad

" Sure?" he asked

I nodded

"Balik sa topic kanina, gwapo ba talaga yung Poging Author na sinasabi nila? Sino ba yon? Nag aaral rin ba dito?"

" Nakita ko na yun dati e, ngumiti pa nga sakin pero nagulat ako kasi bungi pala yon? Tapos dinaig niya pa yung uling sa subrang itim grabe talaga as in.Minsan nga nakita ko yung pumorma nyeta ang badoy promise" seryoso kung sabi

" Ganon? Bakit ang daming adik na adik sakanya?"

Bakit ba curious na curious to kay Walter? Baka siya naman ang bading?
LOL!

" Siguro dahil sa mga pangbaklang story niya kaya alam mo na? Don nagsimula kung bakit ang dami niya nang taga hanga" Wala sa mood kung pagkakasabi sakanya

" E ikaw? Di ka ba humahanga sakanya?"

Umiling ako " NO WAY! NEVER! I hate wattpad never akong nagbasa niyan sa buong buhay ko" paliwanag ko

"Kaya pala.Siguro si Althea subrang adik sa wattpad kaya nagalit kasi ayaw niyang sinasabihan natin ng masama yong Poging Author kanina?"

" Well baka nga " Nasabi ko nalang.

My Wattpader BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon