Chapter Twenty Nine.

Começar do início
                                    

Natawa s'ya bigla. Nilingon n'ya ako at tinapunan ng nakangiting mga mata.

"Napaka-honest mo talaga," sabi n'ya saka mas ngumiti.

Inirapan ko na lamang s'ya at saka yumuko. Tinitigan ko ang mga kamay kong nakapatong sa ibabaw ng tuhod ko. Maya maya pa ay tumulo na naman ang luha ko. Nakakainis talaga, parang kusa na lamang itong bumabagsak.

"Iiyak mo lang. Ayos lang 'yan," ani Nathan.

Yumugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak. Nagsisimula na akong humikbi at ang sakit sa dibdib ko ay mas lalong nag-uumapaw lalo na nang maalala na naman iyong nangyari kanina.

"Listen to him," biglang sabi ni Nathan.

Gustong gusto kong pakinggan s'ya. Gusto kong malaman kung ano ang totoong nangyari pero at the same time, ayokong makinig. Ayokong makinig kasi hindi rin naman ako maniniwala. Kasi paniniwalaan ko rin naman kung anong gusto kong paniwalaan. Napapagod na ako sa relasyon naming dalawa. Palagi na lang may babaeng hahadlang. Palagi na lang may pumapagitang babae! Nakakainis, pagod na pagod na pagod na ako!

"Kung napapagod ka na, pwede mo naman nang ihinto. Siguro, hindi talaga kayo para sa isa't isa."

Siguro nga, hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro nga, pinagtagpo lang kami pero hindi kami ang itinakda. Baduy mang pakinggan, pero iyon kasi ang totoo.

"Tama ka, siguro nga hanggang dito lang talaga kami. Kahit na gaano namin kamahal ang isa't isa. Hindi yata talaga kami ang itinadhana."

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at saka tumingala sa langit. Ang ganda ganda ng mga bituwin at ang payapa masyado. Hindi katulad ng nararamdaman ko ngayon...

"Ihahatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na ng mama mo."

Tumayo si Nathan sa swing at naglakad palapit sa akin. Nakapamulsa s'ya at ibinaba ang tingin sa akin.

"Halika na, tumayo ka na d'yan. Ang kilala kong Jamila, matapang!"

Napangiti na lamang ako at saka tumango. Tama s'ya, ako si Jamila, isang matapang na babaeng walang sinusukuan. Pero sa tingin ko, ito lang ang dapat kong sukuan... Ang relasyon naming dalawa ni Uno.

Nag-jeep kami pauwi sa bahay. Gusto ko sana s'yang tanggihan na ihatid ako pero hindi ko magawa dahil s'ya na ang nagbayad sa pamasahe ko. Bukod doon ay gusto ko rin ng kasama dahil nahihiya na ako kapag umiiyak ako sa jeep. Atleast kapag may kasama ako, mahihiya naman akong umiyak.

"Salamat sa paghatid. Nakakahiya na sa'yo, inistorbo na nga kita sa pag-tulog, eh."

Natawa s'ya pero hindi ko nakikita ang ekspresyon n'ya dahil sa daanan ako nakatingin.

"Lubos lubusin mo na, nahihiya ka pa ba?"

Nagtawanan na lang kaming dalawa. Oo nga naman, bakit nga ba nahihiya pa ako sa kaniya?

Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng bahay namin. Nakabusangot na mukha ni Uno kaagad ang tumambad sa akin. Nakaupo s'ya sa bangko na nasa tapat ng bahay namin at mukhang matagal na s'yang nakaupo roon. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay agad ko s'yang iniwasan at nilingon ko si Nathan.

"Salamat sa paghatid, ingat pag uwi!"

Nginitian ako ni Nathan at saka tumango. Tumalikod na s'ya at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin.

"Pinalitan mo na kaagad ako?" matabang na tanong ni Uno.

Hindi ko s'ya pinansin. Dire-diretso akong lumapit sa gate ng bahay namin at binuksan iyon gamit ang dala kong susi pero bago ko pa man iyon nabuksan ay nahuli na ni Uno ang braso ko.

"Mag usap tayo, Jamila. Mali naman kasi 'yong nakita mo..."

Hinila ko pabalik ang braso ko saka s'ya tiningnan. Mali yata iyong desisyon kong tingnan s'ya dahil para akong matutunaw sa mga mata n'ya kaya iniwasan kong tingnan ang mga mata n'ya.

"Hindi talaga tayo pwede, Uno. Pasensya na, pero siguro hanggang dito na lang tayo."

Nag-igting ang mga panga ni Uno. Lalayo na sana ako sa kanya pero agad na hinuli n'yang muli ang braso ko.

"H-hindi lang tayo nagkakaunawaan, mahal. M-mali nga kasi 'yong nakita mo-"

"Walang nangyari sa inyo. Mahal mo ako, Uno. Alam ko 'yan, nararamdaman kong mahal mo ako. Pero hindi mo ba napapansin na sa tuwing masaya na tayo at ayos na ang lahat, palaging may babaeng sisingit sa relasyon nating dalawa?"

Lumungkot pa lalo ang mga mata ni Uno. Nanginginig ang labi n'ya habang tinititigan ako.

"Kasi Uno, hindi talaga tayo bagay. May ibang babae siguro talagang para sa'yo. At kung tayo nga talaga ang para sa isa't isa, tadhana ang gagawa ng paraan para mapalapit pa tayo. Pero hindi, eh. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para paghiwalayin tayo kaya tama na, Uno."

Hinila ko pabalik ang braso ko at diretsong pumasok sa loob ng bahay namin. Doon ko lang naibuga ang hiningang kanina ko pa pilit pinipigilan. Pati na rin ang mga luha kong kanina pa malapit magsitakasan.

Tama 'yan, Jamila. Matapang ka, pag ibig lang 'yan. Hindi 'yan nakakamatay.

I tried to convinced myself but it didn't work. Kasi para na akong mamamatay sa sobrang sakit. Ang sakit sakit.

Tangina.

***

Patapos na po ito. Ito yata ang pinakamaiksing naisulat ko 😂

Undeniable FeelingsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora