Chapter 15

2.7K 71 1
                                    


   Akala ni Neraiza di sya kikibuin ng binata ng pumasok sya kina lunesan sa office. Kaya medyo nagulat sya ng binati sya nito ng malambing.
  "Did you had your coffee? "Ang ani nito ng lumabas sa office.
   Nauna kasi itong dumating sa kanya.
Marahil nakita nito sa monitor na naroroon na sya.
   Napatingin sya rito. Pormal ang nakalarawan sa mukha.
  "Not yet. "Aniya na muling ibinalik ang atensyon sa papers na ginagawa. Masyado pang maaga iyon para tumawag ng prospect customers. Tulog pa ang kalimitan sa kanila. Usually seven thirty nagtatawagan ang mga ito. And it's only six fifteen in the morning.
   "Ok. I'm sorry about what I've said the last day. Maybe you feel it's a trap. I won't open about it. I will wait the right time. "Ang ani nito sa malumanay na boses. Napataas tuloy ang mukha nya sabay titig sa mata nito kung totoo nga ang paghingi ito ng depnsa.
  "Am sorry too. I act like you're going to put me in a cage. "Ang mahina nyang wika. Parang di nya nga narinig ang sariling tinig.
   Aaminin nyang naapektuhan talaga sya sa last na pag-uusap nilang dalawa. Nagkaroon sya ng agam agam na baka tuluyan na sya nitong pakawalan na ikinabahala. Pero kung nagyari nya iyon. Baka lukunukin nya ang sariling pride at bawiin ang unang naging pasya.
   Humakbang ito palapit sa mesa nya saka niyuko ang labi nyang bahagyang nakaawang. nAglapat ang labi nilang kapwa uhaw. Di nya ikakaila na namiss nya ito ng dalawang araw.
    Medyo nabitin pa sya ng tapusin nito ang halik.
"I love you.. "ang masuyong ani ito sabay haplos sa pisngi nya.
"I love you too. "Ang napangiting wika nya. Ramdam nya ang pagmamahal nito.
    "For now I'll be contended with our relationship. "Saad nito
Tiningnan nya ito ng buong pagmamahal.
"Don't bother to get coffee in canteen. I already order breakfast. "Anito saka muling pumasok sa loob.
  Para syang nabunutan ng tinik sa dibdib. Masaya syang di nagpatuloy ang naging conflict nila noong nakaraang araw.
  Time past naging masaya silang dalawa sa bawat araw na dumaan. Kontento sa pagmamahal ng bawat isa. Hindi na muli pang inungkat ng binata ang about sa pagsasa nila sa iisang bubong. Di na rin sya nito muling dinala doon. Minsan they can't help to make love in his office.
  Hanggang dumating isang pangyayari na naging dahilan ng pagkamuhi sa kanya ng lalaki.
    Magtatatlong buwan na sila noon ng galit syang pinatawag ng lalaki kay layette.
   Nang mag buzzer kasi ito si layette ang pumasok kasi may ginagawa sya.
Lumabas ang babae na nakayuko ang ulo at tahimik. Di ito nagsalita ng tanungin nya kaya nagtatakang pumasok sya ng sinabi nitong gusto syang makausap ng nobyo.
   "Yes honey..? "Ang nakangiti nyang tanong sa lalaking ng mga oras na iyon ay di maipinta ang mukha.
"Gaano mo ako kamahal Neraiza? "Ang seryoso nitong tanong. Nanunuot ang mga matang nakatitig sa kanya. Nakadama sya ng takot sa matatalim nitong tingin.
"Higit pa sa sarili ko Nigelle "ang sabi nya na may pagtataka sa naging tanong nito.
"Ako lang ba talaga ang lalaki sa buhay mo huh? "Ang muli nitong tanong na bumakas ang ngitngit ng galit sa mata. "Gaanu ka kafaithful sa paglilingkod sa aking kompanya? "Ang sumunod nitong tanong.
"What do you mean? Are you doubting my faithfulness to you?   Can't get  what you're implying nigelle. Can you please tell me straight? "Ang naguguluhan nyang sabi. Di sya makapaniwalang muli sya niyong Pagdududahan sa pangalawang pagkakataon simula ng maging sila.
   "Liar! Don't make me fool Neraiza! "Ang dumagundong nitong wika sabay hagis ng mga larawan sa kanyang harapan. At isang puting papel na galing sa isang banko.
   Natitilihang dinampot nya ang mga iyon. Mga larawan nya iyon kasama si james.
  Tiningnan nya isa isa. May kuhang magkahawak kamay sila.  Magkatabi sa upuan sa isang restaurant. Mas lalo syang nagitla ng tumambad sa kanya ang isang larawan na parang magkahalikan talaga silang dalawa.
  Naaalala nya na ang tagpong magkasama silang dalawa. Ngunit di sila naghalikan gaya ng nasa larawan. Nagbeso beso lamang si James ng accidentally nagkita sila sa isang restaurant. Di nya nman akalain na magkikita sila doon. Kasama nya ng oras na iyon ang kaibigang si warlon kasama ng boyfriend nitong German.
   Last nyang sinipat ang galing sa banko . Bank account nya iyong nakalagay sa papel. Talaan ng perang ideniposit sa account nya. Nanlaki ang mga mata ng sa last deposits nya ay nagkakahalaga ng fifty thousand.
   Paano sya magdedeposit ng ganun kalaking pera eh sinisave nyang cash sa bahay. Minsanan lang sya maghulig sa account na iyon kasi tamad syang magwithdraw sa banko. Malimit syang gumimik kaya di nya inilalagak ang pera sa banko.
  Naalala nyang nakiusap si layette na kung pwede sa account name nya ihulog ang padalang pera ng tito nito overseas. Tiwala nyang ibinigay ang account name at number nya dahil sa mahigpit nitong pakiusap
  "This wasn't true nigelle "ang iiling iling nyang wika.
"Whoever took these pictures must be a good faker. Nagbeso beso lang si James dyan. Di nya ako hinalikan! "Ang wika nya. Napalapit sya sa nobyong walang katinag tinag sa kinauupuan.
   "At di akin ang perang nakadeposit dyan sa account ko! Kay layette yan. "Ang paliwanag nya sa lalaki.
"Nigelle please believe me.  Di ko magagawang lukuhin ka. "Ang wika nya na gumaralgal ang boses. Niyakap nya ang lalaki. Ngunit maagap nitong kinalas ang mga kamay nyang yumakap balikat nito.
  "So inaamin mo na nagkikita at nagkakasama nga kayo ni James? Kelan pa neraiza? Kelan ka pa nag-umpisang makipagkita sa ibang lalaki na di ko nalalaman?! "Ang nangangalit bagang wika nito.
"Saka wag mong idawit ang ibang tao. Dahil di kita paniniwalaan. Paano make a kadeposit si layette sa account mo? "Ang makakuyom nitong wika. Pigil ang galit.
Hinawakan sya nito sa magkabilang bisig at niyugyog.
"Minsan lamang kami nagkita nigelle. Aksidente lang iyon."ang sabi nya na tuluyang nag-unahang maglandas ang mga luha sa pisngi.
"Alam mong ayaw kung pinagloloko ako! Why neraiza? Why?! "Ang galit nitong tanong. Dumiin pa ang mga daliri nito sa bisig nya ngunit di iyon alintana ng dalaga. Mas nag-uumapaw ang sakit na nadarama ng kalooban .
"Nigelle..."ang naghihinang nawika nya. Wala syang masabi. Di nya alam paano ipagtatanggol ang sarili.
"Di pa ba ako sapat sayo neraiza? Or baka mas masarap syang kaulayaw sa kama, tama ba ako? "ang wika nito na bakas ang malisyusong tingin sa kanya.
   Nagpantig ang kanyang tenga sa sinabi nito. Di nya napigil ang sarili, umigkis ang kanyang palad at nasampal ng malakas ang lalaki. Halos tumabingi ang pisngi nito na sinampal nya. Nanginginig nyang naibaba ang kamay. Nabigla sya sa nagawa.
   May puot sa matang sinunggaban sya nito sa magkabilang bisig at idinikit sa wall.
"Bitch! "Anito na kinuyumos sya ng marahas na halik. Nalasahan nya ang sariling dugo na galing sa pag-ibabang labi.
  Nagpumiglas sya ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito kaya wala syang nagawa kundi tuhurin ito. Saka sya nito napakawalan.
   Naghahabol sa hininga na napapatitig sya rito. Bakas ang pagkamuhi sa lalaki. Saka nagmamadaling lumabas at patakbong lumabas ng opisina. Hilam ang mga luhang  Nagkulong sya sa girls comfort room. Doon nya pinalaya ang mga luhang walang humpay na umagos sa mga mata.
    Impit syang napahagulhol naghihinang napaupo sya sa toilet bowl. Bakit sya sya inilagay ni layette sa isang sitwasyong wala syang kinalaman.
    Di sya makapag-isip ng maayos. Di malaman ang gagawin.

MY ARROGANT BOSSWhere stories live. Discover now