Chapter 25

1.8K 47 26
                                    

Nakarating agad si Daniel sa kung nasaan si Mara, agad siyang pumasok sa malaking bahay na abandonado na. Madilim ang paligid at walang bantay sa labas kaya madaling nakapasok si Daniel

Wala siyang dala na ano mang gamit para pangproteksyon niya. Tanging dala lamang niya ay ang lakas ng loob na mailigtas ang kanyang Mara

Masyadong malaki ang bahay kaya nahirapan si Daniel na hanapin sina Mara, pumasok siya sa unang kwarto pero wala, sa pangalawa pero wala ng

“HAHAHAHHAHAHA!!”

Marinig niya ang echo ng isang tumatawang boses kaya sinundan niya ang boses

Nakita mo ‘to Mara!!” nakatutok kay Mara ang isang baril

“Sa isang iglap lang ay pwede ng mawala ang buhay mo at mapapasakin na talaga si Daniel!!”

“Hindi ka magtatagumpay!!” diing sabi ni Mara

“Oh really? Kahit na nasa panganib ka na ay matapang ka pa rin!!” sigaw ni Kathryn sabay

*PAK*

Sinampal na naman niya si Mara, kanina pa niya sinasampal si Mara at nagkakapasa na siya sa pisngi. May sugat pa siya sa labi dahil sa sinuntok siya ni Kathryn, pero hindi niya magawang lumabas dahil nahihirapan siyang makawala sa pagkakatali sa kanya

“MARA!!!” napalingon silang lahat sa may pinto

“DANIEL!!!” sigaw ni Mara

Susugod sana ang dalawang tauhan ni Kathryn pero pinigilan sila ni Kathryn. Pinahawakan niya si Mara sa kanyang dalawang tauhan habang nakaharap kay Daniel

“Bitiwan mo siya Kathryn!!!” sabi ni Daniel habang papalapit sa kanila

“Bumalik ka muna sakin babe!” sabay lapit naman ni Kathryn

“Bitiwan mo si Mara kung ayaw mong masaktan kita!” diing sabi ni Daniel ng makalapit na si Kathryn sa kanya

Nakarating na rin si Chris sa lugar na sinabi sa kanya ni Daniel kasabay ang mga pulis. Nagtataka siya pero hindi na niya pinansin.

Pumasok agad siya sa loob at hinanap sina Kathryn

“Kiss me Daniel!” sabay pikit ni Kathryn

Nakaisip si Daniel ng paraan kaya lumapit siya kay Kathryn, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Kathryn na may hawak na baril at ng mahawakan na niya ito ay tinulak siya palayo ni Kathryn

“Hindi mo makukuha sakin ang baril!!” sabi ni Kathryn sabay tutok kay Daniel ang baril

“Ma’am wag po yan!!” sabi ng isang lalaki na tauhan niya

“WAG KAYONG MAKIALAM!!” sigaw naman ni Kathryn sa kanila

“Ayaw naming madamay!!” sabi ng dalawang tauhan at agad na tumakbo paalis ng silid

“UMALIS KAYO MGA DUWAG!!” nakangiting sabi ni Kathryn pero may halong galit

“DANIEL UMALIS KA NA!!!” naiiyak na sabi ni Mara habang nakaupo na siya kasi binitawan siya ng dalawang tauhan ni Kathryn

Ngayon lamang niya naramdaman ang sakit sa pagkakasampal at suntok ni Kathryn.

Hindi pisikal ang kanyang sakit na nararamdaman kundi emosyonal, naiisip niya ang kapakanan ng kanyang minamahal

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Where stories live. Discover now