Chapter 17

1.8K 44 9
                                    

“Ganyan, ayusin mo nga sabi eh!!! Bahala ka baka mahalata ka niyan!” sigaw ng boses mula sa loob

“Mom, what are they doing?” bulong na tanong ni Maggie

“Sssh anak, I don’t even know!”

Nag-iiba ang nasa isip ni mommy Karla habang nakikinig sa kwarto ng anak, tanghali na pero hindi parin lumabas ang anak pati ang bisitang si Mara.

‘Patay! Baka may ginagawa na silang kakaiba!’ pag-alala ni mommy Karal sa isip

Kasama niya rin ang dalawang babaeng anak na nasa pinto nakikinig mula sa loob.

“Aray! Masakit yun ah! Ayusin mo nga!!”

O_______O

Mas kinabahan si mommy Karla kasi hindi naman nila alam kung ano ang gagawin nganak at ang bisita sa loob.

“Oh sige isa pa ha! Ayusin mo na para hindi ka mahalata!” boses yun ng anak

Kaya mas lalo siyang kinabahan, pinaatras niya ang dalawang bata dahil hindi na siya makatiis. Kailangan na niyang mapigilan ang dalawa sa masamang balak.

Pinihit na niya ang door knob sabay sigaw

ANAK!!! ANONG GINAGA—“

O________O reaksyon ng dalawa ng makita ang mommy Karla na sumigaw sabay pasok sa kwarto.

O________O

Nagulat siya ng makitang nagsasayaw pala ang dalawa, mali siya ng inakala. Nakataas pa ang mga kamay ng dalawa.

“Ma naman!!” si Mara na ang bumasag sa katahimikan at gulat

“Ah eh pasensya na anak ha hehehe!!” nahihiyang paumanhin niya

Kuya what are you doing?” napatingin sila kay Carmella

“Ah hehe we’re practicing our dance steps baby!” sabi ni Mara

“We thought you’re doing something else kuya!” inosenteng sabi ni Maggie

“What something else?” pagtataka ni Mara

Kinabahan bigla si mommy Karla dahil alam niyang sasagot talaga ang mga bata

“That ommppphhh –ummp” tinakpan agad ni mommy Karla ang bibig ni Maggie

Kumunot naman ang mga noo nila Mara at Daniel sa pagtataka.

“Ah hehe wala anak, sige just continue okay? Tatawagin ko lang kayo mamaya para sa tanghalian hehe sige have fun!!” mabilisang sabi ni mommy Karla sabay sarado ng pinto

Nagpatuloy nalang nga ulit sa pag-eensayo sina Mara.

“Mommy why did you do that to us?” reklamo ni Maggie ng makapasok na sila sa kwarto nito

“Anak don’t tell that again to kuya ha!?” utos ng ina

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant