Chapter 2

3.4K 73 3
                                    

“Nakasimangot ka na naman?”

“Nakakainis yung Daniel nayun!!”

“Nagkita na naman ba kayo?”

“Malamang!!”

“Relax Mara, hindi ako si Daniel kaya wag ka sakin magalit”

“Ewan!!”

Tinawanan nalang ni Sam si Mara habang kumakain na nakasimangot. Kumakain sila ngayon ng breakfast kasi hindi nakakain si Mara kaninag umaga.

“Dahan-dahan lang Mara, kawawa ang pagkain. Haha” hinimas nalang ni Sam ang likod ni Mara

Nakakainis talaga siya!!”

Nilalantak ni Mara ang pagkain, galit nag alit at sa pagkain binuhos ang galit.

“Ika nga the more you hate the more you love”

“Yuck!! Never talaga akong magkakagusto sa payatot nayun noh!!” dabog na binitwan ni Mara ang kutsara

“Haha joke lang, ayoko namang magkagusto ka kay Daniel noh. Paano ako?” nag-pout si Sam

“Yan kasi may pa the more you hate the more you love ka pang nalalaman” sumubo naman ng mahinahon si Mara

“Bakit ba hindi mo pa ako sagutin para naman maiwas kita kay Daniel”

“Sam naman! Wag muna ngayon”

“Kailan pa Mara? Halos dalawang taon na akong nanliligaw sayo tapos kulang parin?”

“Sam naman—“

“Mara baka naman naghihintay ako sa wala niyan!” napalakas konti ang boses ni Sam

“What do you mean? You’re tired of me, okay fine! Bahala ka kung titigil ka na!!” nag-ayos na si Mara ng kanyang gamit

“Where are you going?” pag-alala naman ni Sam “Sorry I didn’t mean that”

“Ngayon ka pa magso sorry dahil nagawa mo na? alam mo namang ayaw kong minamadali ako sa mga ganyan Samuel!!” tumayo na si Mara para umalis sa harap ni Sam

“Mara wait! Sorry na!” pigil naman ni Sam sa kanya pero tiningnan niya lamang si Sam ng masama kaya napabitaw ito

Umalis si Mara at naiwang mag-isa si Sam na tiningnan nalang siya palayo sa binata. Ayaw na ayaw ni Mara ang ganong usapan, hindi naman niya masisisi ang sarili dahil hindi niya naman pinilit na manligaw si Sam sa kanya. Siya na mismo ang nagpilit na ligawan si Mara.

Samuel ang tawag niya kay Sam kapag galit na ito at kapag titingnan niya ito ng masama dapat itigil na niya ang pagpupumilit niya. Kaya napabitaw si Sam kanina sa pagpigil niya kay Mara na umalis.

‘Nadagdagan pa tuloy ang inis ko! Mga lalaki nga naman!! >__<’ sa isip ni Mara habang pumunta nalang sa isang canteen at ituloy ang pagkain.

Gutom talaga siya kaya kakain ulit siya.

Bumili na siya ng pagkain at naghanap ng mauupuan. Kaso halos walang bakante ng may makita siyang pamilyar na mukha

Si Kathryn!

“Mara!!” tawag nito sa kanya at kumaway pa

Ngumiti lamang siya at lumapit na sa kanya si Kathryn

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Where stories live. Discover now