Chapter 14

1.9K 45 8
                                    

Hindi makalimutan ni Mara ang kanyang unang halik. Unang halik kay Daniel nung nakaraan araw.

Dalawang araw na niyang iniwasan si Daniel kahit na nasa katawan siya nito. Alam niyang hindi niya maiiwasan si Daniel dahil sa harap ng salamin ay DANIEL ang nakikita niya.

Ganun din si Daniel, kahit lasing siya nung araw na iyon ay hindi niya matatangging alam niyang hinalikan niya si Mara. At pilit niya ding lumapit kay Mara pero iniwasan siya nito.

Ngayon ay papuntang school si Daniel, hindi siya nahatid ni Sam dahil umayaw siya. Ayaw niya talaga kay Sam para kay Mara.

‘Mas madami pang lalaki diyan na bagay na bagay kay Mara hindi tulad ni Sam!’ tanging dahilan ni Daniel

Nakarating na si Daniel sa klase niya o klase ni Mara. Mejo nahihirapan siya kasi hindi ito ang field na gusto niya pero naaagapan naman kasi kapag nagkikita sila ni Mara ay nagpapalitan sila ng mga assignments man o activity.

Dahil sa maaga si Daniel ay nagsoundtrip nalang siya. Yung simpleng headset lang meron siya hindi tulad nung kanya na malaki. Nakakabored din yung mga music ni Mara dahil halos lahat mellow.

“Hays!” buntong-hininga ni Daniel

Napapikit nalang siya ng maramdaman niyang may pumasok. Dumilat siya ng makita niya ang isang babaeng nakatayo sa harap niya.

“Mara” si Kathryn pala kaya napatayo siya sabay tanggal sa tenga ang headset

“Bakit?” napanggap siyang mataray

“HA.HA nakatatawa Mara!” sabay cross-arms “I know your secrets!” sabay tingin sa kaharap form head to foot

“Secrets? What do you mean!?”

“I know you like Daniel!! Kaya nung nakasama mo siya sa isang subject sumaya ka! Because it’s your chance to take him away from ME!!!” napasigaw na si Kathryn

“Hindi ko alam ang sinsabi mo Kathryn!” sabay hawak sa dalawang braso ni Kathryn

“LET ME GO!!! Napaka plastic mo!!” napabitaw naman si Daniel

“Kathryn naman! Ikaw lang ang mahal ni Daniel!” ngunit hinawakan siya ulit sa braso

Magsasalita sana si Kathryn pero natigilan siya dahil nakita niya ang kilos ni Daniel kay Mara. Nakita niya ang kilos ni Daniel kapag mag-aaway sila kay Mara. Kasi kapag mag-aaway sila, hahawakan siya ni Daniel sa braso tapos pipiglas siya kaya bibitaw si Daniel, ngunit hahawak na naman ito sa braso at sasabihin ‘ikaw lang ang mahal ko’.

Tapos kapag tumigil na siya sa pagsasalita ay sasabihin sa kanya ni Daniel na

“Naniniwala ka na ngayon sakin Kathryn?” mas nagulat siya sa narinig, tugma sa sasabihin ni Daniel sa kanya

‘Nagkataon lang ba o ---“ sa isip ni Kathryn

Pero hindi parin siya naniniwala at nanaig sa kanya ang galit

“HAHAHAH see pati kilos ng BOYFRIEND ko ginaya mo na!!!”

“Kathryn hindi ko ginagaya si Daniel” mahinahong sabi ni Daniel

“Tama na ang kaplastikan mo Mara, it’s too late! Ng dahil sayio nawala sakin si Daniel!!” napaluha na si Kathryn

“Sorry Kathryn pero hindi ko naman inagaw sayo si Daniel” naging mahinahon parion siya dahil alam niyang ito ang tama

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Where stories live. Discover now