SFHA #10

609 18 1
                                    

Indriana Daquiz Point of View

Kahit ayaw kong pumasok dahil sa nangyari kanina sa kwarto ko ay wala akong magawa. Kailangan pumasok ko dahil patay ako kay papa kapag nalaman n'yang umabsent ako dahil sa walang kwentang bagay! TT___TT waaaaah! Sana s'ya na lang ang 'wag pumasok! Pe-pero.... kahit hindi s'ya pumasok magkikita at magkikita pa rin kami dahil sila ang bagong may-ari nung bahay nila Baby Yumi!

Kahit na maaga akong nagising kanina ay nalate pa rin ako dahil sa sobrang lutang ng isip ko, nalagpasan ko tuloy yung bus station na pagbababaan ko kaya ayun nag taxi na lang ako kahit mahal ang bayad TT__TT. Parang ang malas ko ata ngayong araw na 'to! Kasalanan nung lalaking yun eh!

"Hoy buruha!"

"Ay kulay pink!" bigla ko na lang nasabi yung nasa isip ko.

"Hahaha! Anong kulay pink?" tanong ni Joyce

"Aaah yung hello kitty yun! Oo tama! Si hello kitty nga ha-ha-ha" sabi ko

"Huhuhuhuhu TT__TT" napatingin kami ni Joyce kay Peachy na bigla na lang lumitaw na parang kabute.

"Oh anong itsura yan?" tanong ko kasi ba naman parang ma-iiyak na s'ya eh

"Huhuhuhuhu pink? Hello kitty? Huhuhuh"

"Oo yun nga yun" sabi ko

"Waaaaaaaaaah Ayoko ko ng pink at hello kitty! Waaaah" bigla na lang s'ya tumakbo papalayo sa amin. Naiwan kaming dalawa ni Joyce na nagtataka.

"Anyare dun?" tanong ni Joyce

"Ewan ko? Iniyakan n'ya yung kulay pink at hello kitty? Weird"

"Baka naman may phobia sa kulay pink at hello kitty?"

"Huh? May ganun ba?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang s'ya.

"I-google mo na lang mamaya" sabi n'ya. Naglakad kami papuntang classroom ng makasalubong namin ang iba pa naming kasama

"Good morning guys!" bati ni Neo

"Good morning!"

"Tara na pasok na tayo" aya ni Allen.

Padating namin ng classroom, parang gusto ko tuloy umuwi ng bahay at magkulong na lang sa bahay. (ᗒᗣᗕ)՞ Waaaaah! Parang hindi ako makagalaw, parang nanigas tuloy ako sa kinatatayuan ko

"Ms. Daquiz wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Sir. Perez

"So-sorry sir" at nag na ako papunta sa pwesto nang biglang nagsalita si Carl John, classmate namin.

"Oh Indri, anong trip mo at para kang robot kung maglakad!?" bigla tuloy natawa ang buong klase. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang ako papuntang pwesto ko. Habang papalapit ako nang papalapit sa pwesto ko, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Parang wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanya! ლ(ٱ٥ٱლ). Umupo na ako sa pwesto ko.

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon