SFHA #5

652 20 1
                                    

Tila kabaligtaran ata ang hiling ko bago ako bumaba ng bus. Hindi na ako ulit pinansin ni Owdei, minsan nag-uusap kami pero hindi ganun katagal. Hay naku Indri! Asa-asa ka kasi! Ako na lang kaya ang gumawa ng paraan para mapansin ako ni Owdei? Paano kung magtapat ako sa kanya? Magiging maayos ba ang lahat kapag ginawa ko yun? Hay! Andami naman tanong sa utak ko!

Nung isang araw nadaanan ko sa isang Covinience Store ang isang book na ang title 'How to get your Crush' attention?' Gusto kong kunin yun ang kaso kasama ko that time sina Cheryzze at Gennilyn kaya di ko kinuha dahil panuguradong magtatanong lang sila. Kung kaya bilhin ko yung librong yun? Baka makatulong pa sa'kin yun!

"Indri, Si Loewy oh... hihihi" bulong sa'kin ni Gennilyn nung dumaan sa harap namin si Loewy.

"Gusto mo tawagin ko?"tanong ko kay Ghen

"Huh? Wag na nakakahiya eh!" sabi n'ya

"Wow alam mo na pala ang salitang yun"sabi ko. Maasar nga itong babaeng 'to

"Loewy!" aba at hindi lumingon ang masungit

"Loewy Bert Mesina!" at hindi pa rin s'ya lumingon

"Indri wag mo na s'yang tawagin hindi ka rin pinapansin eh" sabi ni Ghen. Aba itong lalaking 'to kapag tinawag ko ulit s'ya at hindi pa lumingon ay babatuhin ko s'ya ng killer heels nung isa kong teacher!

"LOEWY!" hinintay ko s'yang lumingon. Hindi s'ya lumingon. Bakit ba ganun andami-daming lumilingon pero si Loewy hindi makuhang lumingon! Pare-pareho ba sila ng pangalan?

"LBM!" at BOOM! Lumingon din s'ya! Bwahahaha!

"LBM?" takang tanong ni Ghen

"Huh? Ah oo! May LBM kasi ako ngayon kaya punta muna akong CR ah! Aray masakit na naman tyan ko" sabi ko at umakto ako na masakit ang tyan. Tumakbo ako papalayo sa dalawang buruhang yun.

"AY SIOPAO!" nagulat ako ng may nang hila sa'kin. Pagharap ko dun sa nanghila sa'kin

"Oh pare kong Loewy! May problema ba?" pa inosente kong tanong sa kanya. Bakit ang bilis n'ya ata at nasundan n'ya agad ako.

"Wag mo nga akong tawagin sa mga ginagawa mong palayaw sa'kin" nakakunot-noong sabi ni Loewy

"Eh ba't nung tinatawag kita sa pangalan mo di ka lumilingon pero nung tinawag kitang L-B-M lumingon ka agad" naka ngisi ako sa kanya. Bwahahaha for the win na naman ako nito! Tinaas n'ya ang kanang kamay n'ya at tila nilalamutak n'ya ang mukha n'ya.

"Pasalamat ka at babae ka" sabi n'ya

"Tengk yow!" sabi ko at tumakbo ako papalayo sa kanya. Medyo nakalayo na ako nang biglang may pumasok na idea sa utak ko.

"AHA! Tama mwahahahahaha!" tumakbo ako pabalik kay Loewy at mabuti na lang at hindi pa s'ya umaalis sa pwesto n'ya kung saan ko s'ya iniwan kanina.

"Bumalik ka?"asar n'yang tanong

"Eto naman ang init ng ulo" he rolled his eyes

"bakla ka ba?" diretso kong tanong ko sa kanya

"W-what!? Sinusubukan mo ba ako? Gusto mo patunayan ko sa'yo?"tanong n'ya at bahagya s'yang lumapit sa'kin

"Mabuti naman kung ganun..... Dahil kung oo, kawawa naman kaibigan ko" pabulong na sabi ko

"May binubulong ka?"tanong n'ya

"WALA!"sabi ko

"Maka-alis na nga" sabi n'ya

"Sandali lang! Chill ka lang d'yan dre!" sabi ko

"Ano bang kailangan mo?" iritang tanong n'ya

"Oyy! Paano mo na laman na may kailangan ako?" tanong ko at ang mukha n'ya -____-

Seeking For His Attention (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon