Chapter 43 - New Start

Magsimula sa umpisa
                                    

“Gusto niya si Aric.” Simpleng sabi ni Vlad.

-=-

Aric’s POV

“Aric!” napangiwi ako. Bakit ba nila ako lagng tinatawag? Hindi ba nila maintindihan na gusto ko munang mapag-isa. Hinihintay ko pa si Lorelei! Dito ko siya huling nakita. Kaya ala kong dito siya matatagpuan ulit.

“Aric…” napalingon ako kay Tito Kent. Nagulat akong makitang karga niya ang anak naming. “Nangako ka na aalagaan mo ang anak niyo. Ano’n ginagawa mo sa sarili mo?”

Para naman akong nakaramdam ng guilt. Nangako nga ako kay Lorelei na aalagaan ko si Hunter. Pero masakit para sa akin na makita ang anak ko na naging dahilan para mawala ang pinakamamahal ko sa lahat.

Hindi naman sa sinisisi ko ang anak naming, sa katunayan, sa sarili ko ako nagagalit. Sabihin niyo sa akin, napakawalang kwenta ko bang vampira?

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kung ako nga ang masusunod, ilalayo ko muna sayo ang Apo ko. Pero gustong makasama ni Hunter ang ama niya. At h’wag mong ipagkait sakanya ang pagmamahal ng isang Ama lalo na ngayon na kailangan na kailangan niyo ang isa’t-isa.” Tumingin ako kay Hunter. Nagsusumamo ang mga ngiti nito. Inabot niya ang mga kamay niya na parang gusto niyang abutin ko din ‘yon.

“Hahayaan mo na lang bang maramdaman ni Hunter na kasalanan niya kung bakit wala na ang kanyang Ina? Napakabuting tao ni Lorelei kaya mas pinili niyang mabuhay ang anak niyo kesa sa sarili niya. Kaya sana h’wag mong sayangin ang sakripisyo n’ya mailabas lang ng ligtas ang anak niyo.”

I heavily sigh. Lumapit ako sakanila at hinawakan ko ang kamay ng anak ko. Nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi niya. Ngiting Lorelei. Natawa akong naiiyak. Kuha niya nga ang mukha ko pero nasa kanya ang expression ng mukha at mga ngiti ni Lorelei.

Bigla ko na lang siyang kinuha kay Tito Kent at niyakap.

“Baby patawarin mo ang Papa. Sorry talaga!” naiiyak kong sambit. “Pangako hindi na talaga kita pababayaan.” Hinaplos ko ang maliit niyang mukha.

“P-Pa…pa…” sambit niya. Ang sarap sa pala sa pakiramdam. Hindi ko alam kung pa’no ko ipapaliwanag kung gaano kasarap tawagin kang Papa ng anak mo.

“Sasama na po ako, Tito Kent. Mas kailangan ako ngayon ng anak ko. I know Lorelei will understand kung iiwan ko muna siya dito.” Ngumiti naman ng kaunti si Tito.

-=-

1 week later…

Ang lahat ng kalungkutan na nararamdam sa palasyo ay napalitan ng saya imbes na pighati dahil kay baby Hunter. Ewan ko, basta nandyan siya sa paligid, lahat ng kalungkutan at problema ay nawawala. May kung anong mahika kapag tumatawa siya.

“Ang cute cute talaga ng pamangkin ko!!” gigil na sabi ni Avia. Napangiti lang ako sakanya. Nasa labas kami ng palasyo at karga ko si baby. Mas malaki na siya ngayon kumpara noon.

“Say Ti-ta A-via. Say it baby.” Naka-pout na sabi ni Avia.

“Papa.” Mabilis na sagot ni Hunter. Pareho kaming natawa ni Avia. Wala siyang ibang masabi kundi ang tawagin ang lahat ng Papa.

“Ay? Nakakatampo naman. Ayaw mo ba ng Tita? Sige na. say Tita Avia na. sige na, tapos papakitaan kita ng magic ko. Please?” pinagdaop ni Avia ang dalawa niyang kamay at ngumuso. Napailing na lang ako sa kambal ko. Ang kulit-kulit.

“Kumusta na pala si Kier?? Ok lang ba sayo na iwanan siya sakanila?”

“Mamaya luluwas ulit ako para makasama siya. Check up niya ngayon eh. Kasama niya si Granpa.” Sabi ni Avia.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon