Chapter 14: Unexpected Date

23 0 0
                                    

Chapter 14: Unexpected Date

Papara na sana ako ng jeep ng biglang may humarang dito na isang ferrari at ang ganda. Kulay blue pa ito. My favorite color. Biglang bumukas ang pinto nito at iniluwa si Blue?

Anong ginagawa nito dito?

"Hi Alex"bati nito sa akin sabay ngiti. Ang gwapo nya. At mas lalo pa syang gumwapo sa suot nya ngayong polo shirt.

"Hello"bati ko naman dito. Lumapit naman siya sa akin. Amoy na amoy ko tuloy ang pabango nya ngayon.

Sh*t! Ang bago niya Alexa.

"Uwian nyo na?"tanong nito.

"A-ah hindi pa. Kaso umuwi na ako kasi pinatawag kami kanina sa deans office."sagot ko dito. Bigla namang kumunot ang noo nito ng sabihin ko ito.

"Bakit daw?"

"A-ahm mahabang kwento."sagot ko dito. Ayaw kong sabihin na dahil iyon kay Paulo. Baka makarating pa sa kuya ko at magalit na naman ito sa akin.

"Okay lang kung ayaw mong sabihin."sagot naman nito at muling ngumiti.  "A-ahm Alex?"sabi nito na parang nagdadalawang-isip pa kung sasabihin nito ang gusto nyang sabihin.

"Yes?"sagot ko naman.

"A-ah p-pwede ba kitang yayaing k-kumain sa labas?"nauutal na tanong nito. Napayuko naman siya at mukhang nahihiya sa kaniyang tinanong.

"H-ha? S-sige."sagot ko dito. Sa totoo lang ayoko pa din namang umuwi. Ayoko pang makita si kuya. At gusto ko munang makapag-labas ng sama ng loob.

"T-talaga?"tuwang sagot nito.

"Oo naman. Nagugutom din ako eh. Saan ba tayo?"sagot ko dito.

"Sa lugar kung saan una tayong magkasamang kumain."ani nito na may halong excitement sa boses. Ako rin naman ay natuwa. Gusto ko ulit bumalik doon.

Pinagbuksan naman niya ako pinto ng sasakyan  at agad akong pumasok.

Ghaaaad! Hindi ko akalaing makakasakay ako sa isang Ferrari!

"Hindi ko akalain na makakasakay ako sa isang 2017 488 GTB Coupe"sabi ko dito. Grabe ang ganda.

Hindi ko talaga akalain na makakasakay ako sa ganitong sasakyan. Well thanks to the person sitting next to me, nakasakay na ako.

Nabasa ko ang features ng sasakyan na to. And the price? Huwag nyo ng alamin.

"So you like cars, huh?"tanong niya.

"Ahm yes?"

"Bakit parang may pagdadalawang-isip ka pa?"

"Well it's because mas gusto ko ang libro instead of cars?"sagot ko naman dito. Pero basically, kumbaga sa percentage, pareho sila. 50/50

"Oh i see. So, can you tell me some of the features ng sasakyang to'?"he asked.

"Seryoso ko?" Sabi ko i like cars bot not really eh.

Tumango naman sya in response.

"Well, ang alam ko lang naman is that it has a twin-turbo 3.9-liter V-8 located just behind the driver's seat, generates a sonorous wail and ferocious acceleration all the way to 8000 rpm, where it makes 661 hp and a seven-speed dual-clutch automatic is the sole transmissi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang hininto ang sasakyan.

With that expression if his face, i can see that he is shock.

"Woah!" He exclaimed. "Seriously?" He uttered. Gusto ko ng matawa sa expression ng mukha niya.

He looks cute though.

"I did'nt expect that. You really like cars, huh?" He said then started driving.

"Well,not..really." I humbly answered.

"Yeah, very humble."he answered. "Magkapatid nga kayo ni Marco."

Nginitian ko nalang ito at di na umimik. Kasi si kuya? Humble? Weh? Well, ayokong sabihin sakanya na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya dahil baka sabihin niya lang ito kay kuya. Ayoko ng madagdagan pa ang kasalanan ko sakanya. Hays, kuya.

Tumingin ako kay Blue at nakatutok naman ito sa pagdi-drive. Gwapo siya, oo, pero di ko siya type. At mas lalong wala sa isip ko ang mga ganyang bagay.

Bigla akong nag-iwas ng tingin ng lumingon ito sa gawi ko. Baka mamaya isipin niya tinititigan ko siya. Napansin kong ngumiti ito ng bahagya.

"M-may gusto sana akong tanungin sayo."ani nito.

"Ano yun?"

"Uhm kaso huwag nalang kasi mukhang alam ko din naman yung sagot." Eh? Ano kaya yun? Pano pag hindi pala yung iniisip niya ang sagot? Hala siya! Kakaiba din! Ay bahala siya.

"Sige. Ikaw bahala."sagot ko dito pagkatapos ay di na umimik.

"Haha. Ang cute mo magtampo." Luh! Cute? Tampo? Ako nagtatampo?

"Hindi naman ako nagtatampo ah!"pagpipigil ko ng inis dito.

"Haha. Okay. Sabi mo eh."sagot nito pero mukhang di siya kumbinsido. Ay bahala na nga lang siya sa buhay niya! Basta! Hindi ako nagtatampo!

Inihilig ko nalang ang ulo ko at saka pumikit at nagkunwaring matutulog. Pero bago ko pa mapikit ang mata ko ay tumigil ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas ay nasa harap na pala kami ng kainan nila Tita Eva, ang Ciudad de Evangelista.

Agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko at aktong lalabas na sana ako ng pigilan ako ni Blue.

"Wait. Let me."sabi nito at bumaba ng sasakyan pagkatapos ay umikot papunta sa kabila para pagbuksan ako ng pinto. Wow ha! May pag ganun! Anong meron?

"T-thank you."sabi ko nalang dito. Pagkatapos ay inalalayan ako nito papasok. Ano bang meron? Bakit ganito siya sakin ngayon? Hindi ako sanay.

Nasa bungad palang kami ay kita ko na si Ate Eva na nakangiti. Mukhang expected na niya ang pagdating namin. Siguro ay sinabi na ni Blue sakanya.

Pagkalapit namin dito ay agad namang nag-bless si Blue at ganon din ako.

"Magkaibigan lang ba talaga kayo ija?"tanong nito sakin. Anong ibig niyang sabihin?

"Naku Manang Eva opo. Magkaibigan lang po talaga kami ni Alex. Diba Alex?"sabi nito sabay baling sakin.

"A-ah opo. Magkaibigan po kami."sagot ko dito. At bakit ako nauutal?

"Aysus! Baka magkaIBIGAN!"pagdidiin nito. Wait lang ha. Hindi ako makarelate ah. Ano bang akala niya? Na may something samin ni Blue? Of course not! Nagyaya lang itong kumain at sumama naman ako dahil ayoko pang umuwi samin! Kasi ayoko pang makita si kuya! Masama ba yun?

Teka lang! Bakit parang ang defensive ko naman? Arggggghhh!! Kasi naman eh!

"Alex, iha. Okay ka lang?"batid sa mukha nito na parang inaal kung anong iniisip ko.

"A-ah opo. N-nagugutom lang po ako." Good Alex. Kailan ka pa natutong magsinungaling?

"Oh ano pang hinihintay niyo? Blue anak alalayan mo na itong si Alex at kumain na kayo. Masamang ginugutom ang date."sabi ni Manang Eva sabay kindat samin ni Blue. Teka lang! Tama ba ang narinig ko? Date? As in DATE? Kelan pa naging date 'to?

Okay. Tama nga Alex. Date ito. Ano bang tawag kapag ang  isang babae at lalake ay magkasamang kumakain sa labas? Hindi ba date ang tawag dun? Arrrghhhh! Hindi nga kasi ito date! Magkaiba yun!

Tinignan ko si Blue na nauuna ng maglakad pagkatapos ay lumingon ito sakin ng nakangiti at kumindat sa akin.

*lunok

So, this is really a date huh?

The NBSB GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora