Chapter 10

30 1 0
                                    

Chapter 10

Alex POV

Dalawang araw kong pinag-planuhan ang gagawin ko kung paano malalaman ang sikreto tungkol kay Paulo. Kung pinag-babawalan akong lumapit kay Paulo, eh di kay Stacey?

Hindi ko alam pero parang may something kay Paulo na hindi ko alam. Isang bagay na di ko dapat malaman. Bagay na dapat kong malaman as soon as possible. Nangako ako kay kuya na di na ako lalapit dito. Ngunit gusto kong suwayin ito. Lalo na't parang pati si Blue ay alam ang tungkol dito.

Alam kong hindi dahil sa papagalitan ako ni kuya kaya nagsinungaling si Blue. At may kutob akong si Paulo ang dahilan. Alam kong may itinatago sila sa akin. At iyon ang kailangan kong alamin.

Maaga akong nagising ngayon. Excited akong pumasok. At syempre, para makasabay na din si kuya. Maaga kasi parati iyon nagigising.
Agad akong naligo at nag-toothbrush. Pagkatapos ay sinuot ang uniform ko. Nagsuklay lang ako at nagpulbo pagkatapos ay bumaba na ako.

Saktong pagbaba ko ay pababa na din si kuya. Nakabihis na din ito.

"Good Morning kuya."bati ko dito.

"Morning din bunso."bati din nito sakin. "Buti maaga ka nagising ngayon? Nakakapanibago ah."pang-aasar pa nito.

"Tsk. Baka kasi di na naman kita makasabay kuya. Sawa na akong mag-commute."

"Sawa ka na agad? Masanay ka na. Dahil mawawala na iyang kotse ko." Bigla siyang nalungkot sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

Ngunit sa halip na sagutin ako ay dumiretso siya kusina upang mag-almusal kaya sumunod nalang ako.

"Mamay saan po pala si papa?"tanong ko kay Mamay habang nag-hahain ito ng pagkain. Nakakapanibago dahil walang bumati na papa ko ngayong umaga. Lagi kasing nasa sala si papa at nagkakape kapag umaga. Ngayon ko lang siya di nadatnan doon.

"Maagang umalis ang papa mo. Ang sabi niya may importante lang daw siyang aasikasuhin."

"Ah ganon po ba?"

"Oo. Kumain na kayo at ng makapasok na kayo."sabi ni Mamay.

Di na din ako nagsalita at kumain nalang din. Si kuya naman ay mukhang walang ganang kumain. Nagkape lang ito kaya naman ganon nalang ang gulat ko ng tumayo ito at akmang aalis na.

"Aalis ka na kuya?"gulat na tanong ko dito.

"Sorry nakalimutan ko kumakain ka pa pala. Sige hintayin nalang kita."sagot nito at umupo ulit.

Ano kayang iniisip niya? May problema kaya siya? Binilisan ko nalang ang pagkain para makaalis na kami agad.

"Kuya alis na po tayo. Tapos na po ako."sabi ko dito. Pero mukhang di ako naririnig nito. Nakatitig lang ito sa di kalayuan.

"Kuya?"tawag ko uli dito. Pero di padin ako naririnig. Hinawakan ko ang balikat niya at inalog siya. "Kuya ok ka lang?"

"H-ha?"

"Sabi ko kung ok ka lang. Kanina pa kasi kita tinatawag mukhang di mo ako naririnig eh. May problema ba?"

"Ha? W-wala."nauutal na sagot nito. "Tara na ba?"tanong nito. Kanina pa nga ako nag-aayang umalis na, eh.

"Opo."

Agad naman siyang tumayo at naglakad na palabas. Nagpaalam muna ako kay Mamay at sumunod na dito.


Nakarating kami sa H.U ng walang imikan. Ano kayang problema ni kuya? Nagulat nalang ako ng bigla itong magsalita.

"Mag-taxi ka nalang mamaya ah? Oh kaya mag-jeep. Hindi na kasi kita maisasabay mamaya. Kukunin na itong kotse."

The NBSB GirlWhere stories live. Discover now