Huling Kabanata

132 6 0
                                    

"Yes po, I promise!"

Kompleto ngayon sa hospital ang lahat ng malalapit na tao sa batang si Princess. Naroon kanyang mga magulang na si Charles at Elizabeth, ang mga kaibigan nitong sila Thea, James, Marco, Stacey, Jian, at Lance, at maging kanyang lola at mga lolo.

"Stay strong lang Princess, ah?"

"Opo, Tita Thea!"

"Kailangang mabilis ang paggaling para makapaglaro na ulit tayo! Hihintayin kita bata!"

"Sure, Ate Jian!"

Nagtawanan nalang ang lahat sa kalokohan ng mga magkakaibigan. Lingid sa kaalaman na nangingilid na ang mga luha sa mata ni Elizabeth samantalang pilit lang tawa na ipinapakita ni Charles. Hindi maiwasang mangamba ng dalawa dahil ngayon na magsisimula ang chemotherapy ng kanilang anak.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na sya sa kanyang therapy.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-usap ang dalawa matapos ang kanilang naging sagutan. Masama parin ang loob ni Elizabeth pero inisip nya na lamang ang kanilang anak kung kayat nilunok nya ang kanyang pride para makausap ang nobyo. Nakaupo silang dalawa ngayon sa isang hilera ng mga upuan sa labas lang room na kung saan nag-a-undergo ng therapy si Princess.

"S-sorry/Sorry"

Nagkasabay sila ng pagsalita kaya nagkatinginan ang dalawa. Bahagyang napangiti ang lalake kaya naman hindi na mapigilan ng babae na mapayakap dito at doon na pinakawalan ang kanina pang nagbabadyang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Huhuhu s-sorry kung pinairal ko ang pagpa-panic."

"Shhh, wag ka ngang umiyak jan. Humiwalay ang lalaki sa pagkakayap saka pinunasan ang mga luha ng nobya. "Ako nga ang dapat mag-sorry kase nasigawan kita, atsaka, hindi magugustuhan ni Princess pag nalaman nyang umiiyak ka ngayon. Kaya tahan na, reyna ko."

"Charles, n-natatakot ako.. Pano kung-"

"Shhh, wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano dahil gagaling ang anak natin. Gagaling sya, okay? Naniniwala ako doon, Elizabeth. Kaya please, sana ikaw din."

"Salamat talaga dahil nandyan ka. Hindi ko to kakayaning mag-isa." napangiti si Charles dahil sa sinabi ng girlfriend kaya naman ay marahan nya itong hinalikan sa noo saka tinitigan ang mamasa-masa pang mukha.

"Kakayanin natin ito para sakanya dahil kailangan nya tayo. I love you."

"I love you."

_

Sa unang buwan ay kitang-kita na ang malaking pagbabago sa hitsura at kalusugan ng bata, epekto ng therapy sakanya. Naglalagas na ang kanyang mga buhok at nagkaroon sya ng maraming pasa sa hindi malamang dahilan. Nawalan narin ng ganang kumain kaya lalong pumapayat, ang kanyang brasot binti ay nagmistula ng patpat. Hindi narin maka-labas pa si Princess dahil sa konting galaw lamang ay nanghihina na, kung minsan pa ay nawawalan ng malay.

Bagaman pinapakita ng bata na sya ay malakas, hindi na matago sa kanyang kalagayan ang katotohanang nahihirapan sya. Ayaw nyang mag-alala ng lubos ang kanyang mga magulang, pinipilit nya nalamang ang kanyang sarili.

Katulad nya ay nagla-lakas-lakasan rin si Elizabeth. Sa harap ng bata ay nakangiti ito at kapag hindi, ay madalas umiiyak. Tatabihan naman ito ni Charles at aaluhin.

'Hinding-hindi tayo susuko. Kakayanin natin ang lahat para sa Princess natin'

Everything will be alright. Magtiwala lang.

'Lakasan mo lang ang loob mo, please. I love you..'

Malakas ang kutob ni Charles na gagaling si Princess kaya imbes na magmukmok ay pinapatawa at pinapalakas nya na lamang ang loob ng nobya at anak. Abala rin ito sa pagtatrabaho. Halos lahat ng mga offer na projects sakanya ay kanyang tinatanggap, makakuha lang ng perang pandagdag sa pagpapagamot ng bata. Kahit pa naturingang mayaman ay hindi maitatanggi na lubhang malaki ang bayad sa mga therapy sessions. Dagdag pa ang kahihiyang nararamdaman nya sya sa ginagawang pagtulong ni Mr. Sy. Unti-unti na kasing nalulugi ang kanilang kompanya dahil sa nagkaroon ito ng malaking utang sa bangko.

The End  जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें