Chapter XIV

467 8 1
                                    

Dahil sa pagkapanalo namin ay nag-outing ang buong seniors after ng inter-hi. Nagcontributions kami for foods, sagot na ni Nico ang transpo, si Mrs. Felix at Ms. Amador naman ang nagbayad sa mga cottages. Super saya kanya-kanyang outfit, may nagdala ng swimsuit, two piece in which hindi ko kaya. Isasangla ko muna ang kaluluwa ko bago ko gawin iyon. Hahahahaha. Sa Agua Bendita resort kami nagpunta. Ang ganda ng place, ang ganda ng beach. Napakatahimik, ang sarap magrelax, ang sarap maligo sa napaka bughaw at linaw na tubig, ang sarap maglakad sa napakaputing buhangin, this is paradise. Namangha kaming lahat sa ganda ng beach.

"Woooooo ang ganda naman dito" tuwang-tuwa ang mga Seniors habang nagseselfie sa bawat sulok.

"Gusto ko ng magswimming" tara bihis na tayo sabi ni Joanne

"Ops mga bata, paala ko lang huwag na huwag kayong lalayo at huwag na huwag kayong pupunta sa malalim pag hindi kayo marunong lumangoy" bilin sa amin ni Ms. MAdor.

"Yes maam"

Hinanap-hanap ko si James, parang hindi ko siya nakikita. Pati na rin si Cheska.

"Hmpppp siguro nag-usap silang hindi sasama kasi may iba silang pupuntahan" bulong ko sa sarili

"Annie, tulungan na kita" ng biglang buhatin ni Nico ang mga gamit ko.

"Ahh sige Nico, salamat"

Naglakad na kami, nilagay na namin ang mga gamit namin sa cottage, excited na ang lahat. Nilabas na ang mga swimsuit, two piece at dali-daling nagbihis.

"Beb, asan na two piece mo" si Jen waaaaaahhh!!

"Ha, naku beb wala shorts lang ako at sando"

"Naku, ang KJ mo naman Annie, akala ko ba mag two-two piece tayo. Wala ka pala eh" tatampo si Jen.

"May extra pa ako dito" nilabas ni Tina ang isa pang set ng two-piece niya. Waaaaaaaahh!! May an-an, buni, had-had, herpes ako!! Puhleaaseee!!!

"Ahhh ihh mga bebs, nakakahiya. Ayoko nga" nagblush ako sa hiya. Ayoko mag two piece. Kasi ayokong makita ng iba ang hubog ng aking mumurahing katawan dapat si James lang. Hahahahha! Landi!

"Sige na Annika, kundi huhubaran ka namin diyan" hinawakan ni Jen ang dalawa kung kamay.

"Beb parang awa niyo na, please huwag na" nagpumiglas ako. Ayoko talaga sorry!!

"Hmpppp sige na nga, magbihis na tayo" simangot ni Jen

"Annie, wait kita sa dagat ha?" tumakbo si Nico at lumusong agad sa dagat. Naka pajama siya jokes naka swimming trunks.

My Crazy Love with Ms. PangetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang