Chapter VI

495 8 2
                                    

Mas lalo pa akong napahanga kay James sa muling pagliligtas sa akin, simula noon gusto kung palagi ko siyang nakikita. Sinundan ko siya kahit saan man magpunta, sa basketball court, sa cafeteria, sa hallway, dakilang stalker lang ang peg ko!! Hahahahaha!! Slight lang naman!! Sakto lang!!! Hays, ewan ko pero parang nahihibang na ako sa kanya. God, sa buong buhay ko ngayon lang ako nainlove and I can't fight this feeling anymore. What will I do? Is this what they called love? Love begins with one "HELLO?". Love comes when you least expect it? So this is it? This is REALLY it is??

"Tina, pwede malaman kung anong ginagamit mo sa mukha mo. Ang kinis kasi?" tinitigan ko buong mukha ni Tina, pati blackheads niya pero wala. Ako lang talaga madami niyan. Ang kinis kasi ng mukha niya, parang labanos!!! Samantalang ako, gabi!! Huhuhuhu!!! Rough!!!

Tinignan ako ng masama ni Tina, monster look ika nga. Kinapa-kapa ako sa noo, sa leeg, sa braso.

"May lagnat ka ba? Anu yang tanung na iyan?" si Tina naman ang seryoso talaga. Nagtatanung lang naman. Malay ko ba kung CAMERA 360 ang pez niya. EDITED!! Lol. Ako kasi pati photoshop sumuko na!! Hahahahahaha!!

"Naku, naku nagdadalaga na talaga ang ating kaibigan beb. Cosmoder yan beb." cosmoder? Yan kaya gamit ni Jen? Mahal siguro yan. >___<

"Anung cosmoder?"

"Kuskos mo sa pader. Hahahahhaha" at nagtawanan ang dalawa. Ahhh ok bakit ba kasi ako ninja turtles? Pagong!! SLOW!!! XD

"Tsehhhhhh" ang masungit kung sagot. Inirapan ko yung dalawa. Ngayon pa na handa na akong gumanda. Pinagloloko nila ako? Balak ko kasi sumali sa Ms. Talipapa. Malay mo that will be my stepping stone towards Ms. Universe. O__O

"Ihhhhh anu kasi, uhmmmm anu kasi ihhh gusto ko kasi matanggal na ang mga problema ko sa buhay. Ang mga pimples ko. Tignan niyo oh, yung iba nagbubukol na nga. Prang AIM GLOBAL na sila, padami ng padami dahil sa mga recruits. " sabay turo sa mga bulutong ko sa mukha. Dami di ko mabilang!! kahit cosin, tangent, exponent, or any algebraic expression pa gamitin mo syntax error yan dahil sa dami.

"Sige na beb sabihin mo na. Ihhhhhhhh" kinulit ko pa ang dalawa!! Basta kailangan kung malaman ang beauty secrets or regime or whatever you call that one. Basta yung pampaganda nila.

Nagtawanan lang ang aking mga kaibigan. Tila nang-aasar. Dami nila tawa mga LIMA, ANIM, PITO!!! XD

Dumating ang SABADO, hindi ko alam kung anu ang plano ng dalawa pero masasagot na daw ang katanungan ko. AMBUSH INTERVIEW BA ITO? BLIND DATE? MASASAGOT KATANUNGAN KO? EH ANG TANUNG KO, BAKIT AKO HINDI MAGANDA? >____< Nakabihis na ako ng magtext si Tina. Rubber shoes at t-shirt girl naman kasi ako kaya madali lang magbihis. Di gaya ng dalawa nakapek-pek shorts mga yan kasi nga makinis sila. Eh ako dami ko an-an, buni, had-had. IN MAYAMAN TERMS ALLERGY!! Pag mahirap galis aso? XD

"Beb, ready ka na? Mag-eenjoy ka sa gagawin natin ngayon J" text ni Tina

My Crazy Love with Ms. PangetWhere stories live. Discover now