Chapter III

517 11 7
                                    

Araw ng Biyernes. Breaktime!

"Beb bilisan niyo, ang haba na naman ng pila" tumakbo si Jen at pumila.

Nasa pilahan na kami ng biglang sumulpot ang grupo ni Gino. As usual siningitan na naman nila kami. Lagi na lang!!Mga member yata ito ng  SINGIT GANG!!!

"Hoy Gino nauna kami sa inyo dito, bakit kayo sumisingit?" sinigawan ni Jen si Gino. Wala itong sinasanto men!!

"Hoy mga mangkukulam ang babagal niyo kasi kaya naunahan  kayo. Hahhahaha" tawanan sila ng mga kaibigan niyang putakte!!

"Anu ba yan, huwag ganyan. Pumila naman kayo ng maayos" sabi ni Tina

"Bakit ba ang dami niyong dada, buti pa itong goddess of beauty niyong kaibigan hindi nagrereklamo. Hahahahahaha" pang-inis ni Gino sakin. Sabay head to foot pa!! Kulang na lang ipa focus ako sa camera ng makita ang pagiging goddess of beauty ko!! Yan tayo GINO eh!!

"Aba, makapanlait itong kutong lupang ito" sinuntok ni Jen si Gino sa likod.

"Aray nu bang problema mo ha tibo ka?" at itinaas ang kanyang kamay na parang susuntukin din si Jen.

Nagkagulo sa cafeteria ng nag-away si Gino at Jen. Tinginan lahat ng estudyante at nagsisigawan. May nagvideo dahil magiging viral daw ito! Alam niyo naman mga estudyante mga ganito ang trip sa buhay!! Kung hindi SELFIE, video ng mga kaganapan!!! PUSH!!!

"Wooohhhhh kay Jen ako. Isang Linggong allowance pusta ko. Go Jen" ang kantiyaw ng isang estudyante.

"Tama na Jen" inawat ko si Jen. Isa pa kasi itong si Gino eh, mga dakilang kontrabida sa buhay ko.

"Kaya ko ito Annie. Sumosobra na mga ito eh."ang galit na galit na si Jen. "Anu ha? Kahit lalaki ka hindi kita uurungan. Bakla?" ang sigang hamon ni Jen- kay Gino. Pinipigilan na namin siya, hinawakan na namin sa bulbol. Chos!! Sa magkabilang braso dahil palaban talaga ito!!

"Gino, tama na. Hindi ko kayo pinapansin kahit na palagi niyo akong binubully. Huwag mo idamay ang mga kaibigan ko" sumigaw na ako.

"Wow mga pare, lumalaban si goddess of beauty. Hahahaha" lait pa Gino. Palakpak pa siya!! anu ito! Nasa studio tayo? May audience impact?

"Tama na sagad na sagad na pasensiya ko sa inyo" itinulak ko si Gino.

 Nagulat si Gino sa ginawa ko. Akala niya siguro masisindak niya ako.

"Eh sira pala itong si pangit eh. Akala mo hindi ako pumapatol sa babae" ng akmang sasapakin ako ni Gino nabigla siya ng may humarang sa kamay niya.

My Crazy Love with Ms. PangetWhere stories live. Discover now