Chapter X

429 7 0
                                    

Hinahanap ko na naman si James, nakita ko sila sa may ilalim ng puno sa campus kasama sina Dan, Lee, Mark at may kausap silang mga babae. Bumaba ako mula second floor ng building, sinipat-sipat ko kung sino yung mga kasama nilang mga babae. Nakita ko si Cheska, Joanne at Emerald. Bakit nila kasama sina Cheska? Nakita kung ang saya-saya nila, nagtatawanan. Maya-maya pa ay inabutan siya ni James ng sandwich at coke-in-can, ang sweet sweet nila. Hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdman ko, nagseselos ba ako? Tumakbo ako papuntang cr ng di ko na mapigilang lumuha. Nakasalubong ko sina Jen at Tina.

"Beb anung nangyayari sayo?"

Hindi ko sila pinansin bagkus tinakpan ko ang mukha ko at mabilis na tumakbo.

"Beb, puntahan natin" nakita din pala nila sina Cheska at James.

"Beb, huwag na hayaan mo muna natin siya" buntong-hininga na lang si Jen.

Noong nasa cr na ako, binuhos ko lahat ng luha ko. Ang sakit ang sakit sakit. Bakit ba kasi ako nag-assume na gusto din ako ni James, alam kung kahit kailan ay hindi mangyayari iyon. Alam kung ako pa din ang pangit na Annie para sa kanya. Nagkakataon lang siguro na tinutulungan niya ako. Nagkakataon lang. Wala siyang nararamdman para sa akin. Wala. Humagolgol pa ako, bakit hindi ko ba naisip na si Cheska ang gusto niya? Palagi silang magkasama.

"Ang tanga-tanga mo Annie. Sobra!!!!!!" ang inis kung sabi sa sarili ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas, ayokong mahalata nila na umiyak ako. Pinunasan ko ang mga mata ko, pero namumugto pa rin ito. Pumasok na ako sa loob ng classroom, nakita ko sina Jen at Tina na may pinapanood sa cellphone. Breaktime kasi namin.

"Beb ang ganda talaga ng love story nila, promise panoorin mo. Isesend ko mamaya sayo yung link sa fb" masayang nagkwekwneto si Tina. Ewan ko anu yang sinasabi niya. Emo mode ako!!!

"Sige beb, gusto ko din panoorin yan. Kakakilig much ba?"

"Grabeeeehhhhhhhhh"

Napansin ako nina Tina at Jen na nasa classroom na. Tulaley kasalanan bang umibig ng lubusan!!

"Beb,saan ka ba galing? Nagtatakbo ka kanina tinatanung namin saan ka pupunta di ka sumagot"

Ayokong ipahalata sa mga kaibigan ko ang sakit na nararamdman ko, ayokong ipakita na nasasaktan ako sa nakita ko kanina.

"Ahhhh sa cr, napuwing kasi ako kanina beb kaya nagmamdali akong pumunta doon" pagsisinungaling ko.

Nagkatinginan silang dalawa. Buti na lang hindi ako inusisa ni Jen.

My Crazy Love with Ms. PangetWhere stories live. Discover now