Chapter 13

466 16 2
                                    

Keziah's POV

Kakadating lang namin sa school. Nakakaloka talaga yung kahapon. Ang daming nangyari.

Umiling nalang ako at bumuntong hininga. Lord, please sana maganda ang araw ko ngayon.

"Uy, bes!" tawag sakin ni Jane. Magkasabay kami ngayon, walang Stephen eh. Tss.

"Bakit?"

"Umm, dapat kagabi ko lang sinabi 'to sayo eh!"

"Ano 'yun?"

"Eh, kahapon.. nung papunta na ako sa classroom.." lumapit siya sa akin bago pinagpatuloy ang sinabi niya, ".. may naghahanap sayo."

Napakunot naman ang noo ko, habang tumatango-tango lang siya at nagpout. Napaisip naman ako, sino naman?

"Kilala mo?" tanong ko agad.

Napakamot siya ng batok bago sumagot, "Hindi eh. Pero kamukha nung kambal ni Stephen."

Napalaki ang mata ko, "Kamukha ni Stephen?" pasigaw 'kong sabi.

Tumango naman si Jane. Nasa classroom na pala kami, pumasok na kami tapos umupo na sa mga upuan namin.

Napaisip naman ako ulit. Kamukha ni Stephen.. familiar. Kaya pala mukhang pamilyar sa akin si Stephen.. hindi kaya yung-

"Jonathan!" may sumigaw sa gilid ko. Si Bam pala.

Kakadating lang pala ni mokong. Omg. Naalala ko na naman!

Umiwas ako ng tingin sa kanya, tapos sinulyapan ko siya konti nung nakaupo na siya. Nakatingin siya sa akin habang naka-smirk. Ano nanaman?

"Oh ano bes? Kilala mo?" tanong ni Jane.

Umiling ako, "Bahala na yun. Hindi naman siya importante sa akin."

Nagkibit-balikat si Jane at umayos na kami sa pagkakaupo.

**

"Oh, bes? Sabay na tayo sa Canteen?" alok ni Jane.

Sumenyas ako na umuna na lang siya, "Una ka dun, dadaan lang ako sa locker room."

Tumango siya at kumaway habang lumalakad palayo. Nakita ko na nandun pala si Stephen. Magkasabay siguro sila.

Pumunta ako sa locker ko, pagbukas ko. Tumumbad sa akin ang isang letter, kagaya nung natanggap ko nung isang linggo.

The same sender, same envelope. Ipinagtabi ko muna tapos nilagay ko sa bag ko. Mamaya ko nalang ito, bubuksan. Ano naman meron nito? Nung una, isang letrang 'P'.

Sinirado ko na yung locker ko at pupunta na sana sa Canteen pero hinarangan ako ng mga barkada ni Jonathan.

Nakakunot ang noo, "Ba't kayo nakaharang? Ang lapad ng daan oh!" tapos dumaan sa gilid. Pero hinarangan ako ulit.

Nagpapadyak na ako dito kasi panay harang nila sa akin. Kanina pa ako tumatakas kaso wala! Anim sila at ako isa? Napansin ko naman na dumarami ang mga tao. Okay, anong meron?

Bumuntong hininga ako, "Sandali nga. Kanina pa kayo ah! Ano ba kailangan niyo?"

"Hindi kami ang may kailangan." atlast nagsalita ang isa. Pero nakasmirk sila lahat.

Nakapamewang naman ako, "Kung hindi kayo sino?"

"Ako."

Nilingon ko ang nagsalita. Nalaglag ang panga ko, napahawak sa bewang at umiling.

Agad ko siyang sinugod at pinaghahampas, "Waaaah! Malilintekan ka talaga ng bongga sa akin, Jonathan! Pinaharang-harang mo pa ang mga kaibigan mo?! Gutom ako! Alam mo yun! May pa grand entrance ka pang nalalaman!!" bulyaw ko at patuloy pa rin sa paghahampas.

Umilag naman siya nang may humawak sa magkabilang balikat ko. Pagtingin ko, si Jane pala.

"Hoy bes! Ano meron?" natatarantang tanong niya.

"Siya!" tinuro ko si Jonathan tapos pinandilitan, "Nagpapasosyal ang lolo mo!"

"Huh? Lolo ko?" tinuro ni Jane ang sarili kaya napoker face ako sa kanya. Mukhang nagets na niya kaya ngumiti siya.

May binulong si Jane sa akin, "Nandito yung sinasabi kong naghahanap sa iyo." tapos ngumuso siya sa isang direksyon.

Sinundan ng mata ko, and to my suprise.. si NBS-Guy. Nakacross arms siya habang nakatingin dito sa direksyon namin.

Nabigla nalang ako nung may umakbay sa akin, kumalas si Jane sa akin. Ang umakbay sa akin ay si Jonathan.

"Boss." bulong nito sa tenga ko kaya nagtaka ako.. boss?

"Anong boss?!" pasigaw kong bulong sa kanya.

Tinignan niya ako tapos nag smirk at wink. Okay ano meron?

"Kilala niyo siya?" tinuro ako ni Jonathan.

Nagsitanguan naman ang mga nasa paligid. Kami ni Jane ay walang naintindihan. Nagsenyasan kami kung ano ang nangyayari, parehas kaming walang alam.

"Mabuti." tipid na sabi ni Jonathan.

Nabigla nalang ako nung itinaas niya yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, kaya ang kamay namin ay nasa ere.. na magkahawak.

"Starting now, 9:35 AM in this Locker Room. I officially announce.. Keziah Marie Gomez is my official girlfriend!" sigaw niya habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.

Nagsinghapan naman ang sa paligid, may ibang tumango. May natutuwa, may naiinis naman. Ano nga yung sinabi ni Jonathan?

"Omg, bes! KAYO NA TALAGA?!" tili ni Jane sa gilid kaya napa'duh' ako.

"Um! Jonathan, wait lang. Loading pa itong GIRLFRIEND mo eh." sabi ni Jane sa gilid.

Habang nagpoproseso ang utak ko, nahagip ng mata ko.. si James. Nakasimangot tapos hinawakan ang noo tapos umiling.. at umalis. Bakit?

"Ito na. Boss ang tawagan natin, don't ever argue." ang huling bulong ni Jonathan sa tenga ko.

"Mabuhay ang KezNath~~" paulit-ulit na kinakanta sa room.

Naghiyawan naman ang mga nasa paligid, habang ako pilit na ngumingiti. Nagtilian naman nung tinawag ako ni Jonathan tapos ningitian ko siya ng pilit.

Natulala ako.. ano nga yung nangyari? Ang bilis naman. Sana sinapak ko si Jonathan kanina.. pero hindi ako makagalaw at natulala nalang.

Bakit ba sobra akong apektado sa presensya kanina ni James? Sino ka ba talaga? Natulala talaga ako nung umalis siya.

Habang nagsisiyahan ang lahat, sumagi sa isip ko yung letter na nakuha ko sa locker ko kanina. From: JM/P

Pagbukas ko, bumungad sa akin ang isang letter 'O'  na nasa sticker paper. So ano meaning nito? Yung isa 'P' at ito 'O'?

"What is going on here?" nung narinig ko ang boses ng Professor namin, at hindi lang ako nakarinig.

Nagsibalikan sa mga upuan ang mga kaklase ko, habang ako binabalik sa bag ang letter na nadatnan ko kanina sa locker.

"Congrats to Ms. Gomez and Mr. Ortega, by the way." laglag ang panga ko nung sinabi nun ng Professor namin.

Kaya naghiyawan ang mga kaklase ko, pero agad na sinuway kasi magsisimula na ang class.

Napailing nalang ako habang iniisip ang mga nangyari sa akin, habang tumatagal.. nagiging komplikado.

--

Hello! Dahil malapit na po ang pasukan, maybe matagal pa po ang next update! Sorry for the short update. But hope you enjoyed~!

Do not forget to VOTE and COMMENT :)

Thanks xoxo

Boss = Jonathan. Qnnpuncoehspaja

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying my BossWhere stories live. Discover now