Capítulo Cinco

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang babaeng kumausap sayo kanina ay ang iyong nakatatandang kapatid na si Antonia. Sa panahong ito, ikaw muna ang pansamantalang Angelita Anastacio." Patuloy pa nya. So ibig sabihin, ang pangalan ko sa panahong ito ay Angelita? Grabe naman yun. Ang ganda ko, tapos pang matanda yung pangalan huhuhu.
Natawa naman si Sir Luke. At naalala ko na nababasa nga pala nya ang nasa utak ko!

"Nga pala, dapat hindi mo ako tinawag na Sir Luke kanina noong nandito ang iyong Ate Antonia.
Palagi mong tatandaan na magkaiba ang panahong 2018 sa 1891. Kung kaya't magbabago rin ang sa atin"
Napatango tango naman ako at alam kong marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya.

"Sa panahong ito, ako ang iyong Tiyo Lucas. Kapatid ko ang iyong ina"

"At dahil alam ko na wala kang alam na kahit ano sa history, at hindi mo din alam kung anong mga bagay ang meron dito sa panahong ito, kung kaya't sinabi ko na lang sa mga kapatid at magulang mo na nawala ang iyong ala-ala" patuloy pa nya. Buti naman at naisip yon ni Sir Lu.. Oopss! Tiyo Lucas pala.

"Pero nasaan po ngayon ang totoong Angelita?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kasi imposible na magkapalit kami ng kaluluwa, dahil sa panahon na 2018 si Angela ay patay na.

"Ang totoong Angelita, ay patay na"
Lumapit sa akin si Tiyo Lucas, at hinawakan ang aking noo.
Pagkahawak nya sa aking noo ay may isang ala-ala na pumasok sa aking isipan.

"Linggo ngayon at papunta na ang buong pamilya Anastacio sa isang simbahan sa San Alfonso upang dumalo sa misa. Nasa unahang kalesa nakasakay ang mag-asawang Romulo at Josefa, habang sa kasunod naman na kalesa nakasakay ang tatlong magkakapatid, nasa kanang dulo ng bahagi ng kalesa nakaupo si Antonia habang si Angelita naman ay nasa kaliwang bahagi. At ang bunso nilang kapatid ay nasa gitna. Hindi naman nakasama ang isa pang kapatid na lalaki nina Angelita sapagkat abala sya pakikipag pulong sa Gobernador Heneral ng San Alfonso na si Don Mariano Alfonso.
Walang pintuan ang kalesa kung kaya't tanaw na tanaw ni Angelita ang magagandang tanawin. Habang nasa byahe sila, ay nakakita si Almira ng makulay na paru-paro sa tapat ni Angelita. Pinilit na inabot ni Almira yung paru-paro upang hulihin ito. At hindi nya sinasadyang nakabig si Angelita, na naging dahilan ng pagkahulog nito. Nahulog si Angelita at hindi sinasadyang nadaanan sya ng gulong ng kalesang sinasakyan nya. Nabagok ang kanyang ulo at nawalan sya ng malay"

Grabe naman yung nangyari kay Angelita. Tsk. Lagot sa'ken yang Almira na yan. Nang dahil sa kanya kaya nandito ako ngayon sa hospital. Hays!

"Pero ang nangyaring iyon ay nakasulat sa tadhana. Ang lahat ng mangyayari sa iyo sa hinaharap ay alam ko na dahil alam ko ang iyong tadhana" Patuloy pa ni Tiyo Lucas. So alam na nya yung mangyayari sa'ken mamaya? Alam na din nya yung mangyayari sa'ken bukas at sa susunod na linggo, at mga buwan? Grabeeee!

"Naguguluhan po ako Sir Luc... Tiyo Lucas, akala ko po ba ay namatay si Angelita noong Agosto 1892, pero August 1891 pa lang po ngayon diba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Naalala ko yung sinabi nya sa akin na
si Angelita at ang kanyang pamilya ay namatay dahil sa Garote, napagbintangan sila na nagnanakaw ng pera ng pamahalaan.

"Noong nahulog ang totoong Angelita sa kalesang sinasakyan nya ay hindi agad sya namatay. Namatay sya noong dinala sya sa hospital sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Noong binawian sya ng buhay ay sinundo sya ng kanyang anghel at ipinalit ang kaluluwa mo sa katawan nya. Kung kaya't ang akala ng mga tao ay si Angelita ay nawalan lamang ng malay. Pero ang totoo ay ibang kaluluwa na ang nananahan ngayon sa katawan ni Angelita." Tugon nya sa akin at umo-o na lang ako bilang response.
Hindi ko alam, pero magkahalong takot, at excitement ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Dahil sabi ni Tiyo Lucas noong nasa library kami ng school, na ang pamilya Anastacio daw ang pinaka mayaman sa bayan ng San Luis. Na e-excite ako na maranasan ang maging buhay mayaman. Waaaah! Hahaha

"Tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano Angela, sa halip ay ipahinga mo na lang iyan. Dahil bukas ay uuwi na tayo, sinabi ko din sa iyong ama at ina na hindi mo pa sila maalala kung kaya't hindi mo pa gusto na dumalaw sila dito. Bukas ka na lang nila susunduin" patuloy pa ni Tiyo Lucas at lumabas na sa kwarto ko. Ipinikit ko na ang aking mata, at nagsimula nang matulog.

"La condición de la dama está bien. Puedes llevar a la chica a casa"
(The condition of the lady is fine. You can take the girl back home)

Umaga na pala, at nagising ako dahil sa dalawang lalaki na nag-uusap sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong orasan. Tsk! Wala din yung phone ko! Hindi yata ako makaka survive pag ganito! Waaaaahh! I kennat!
Nakita ko naman na lumabas na yung doctor, kaya natulog ulit ako.

Nagising ulit ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, nakabukas na pala yung bintana dito sa room na to. Hindi ko rin namalayan na nakaidlip pala ako nung umalis yung doctor kanina.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa upuan ko. Myghad! Ang pogi nya kyaaaaah! Natutulog sya ngayon at nakaupo sya sa harap ko. Tinitigan kong mabuti yung mukha nya.

Ang ganda ng hugis ng mukha nya, at ang ganda ng kulay ng mata nya, tapos medyo chinito pa sya. Waaahhhh! Matangos din ang kanyang ilong at halatang halata ang ganda ng adams apple nya. Ugh! Maganda rin ang katawan nya at mahahalata mo ito kahit pa sya ay nakasuot ng itim na coat, yung katawan na parang nag g-gym? Ugh!

Lumapit ako sa kanya

"May pogi na pala sa panahong ito. Ugh!" Sabi ko sa kanya. Kasi ang pogi naman talaga e! Sobrang puti nya at mahahalata mo na may lahi talaga syang Kastila.

Bigla akong napatigil nang makita na namulat ang kanyang mata, at tumawa ito.

What the...Narinig nya ba yung sinabi ko? Myghad Angela! Baka kung anong isipin ng lalaking 'to. Tsk!
Sobrang kinakabahan talaga ako, nakakahiya yung ginawa ko

*******************

Reminder: Wag nyo pong kakalimutan na i-vote at magcomment. Salamat! :)

 Salamat! :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon