"Miss ang ganda mo naman, pwede bang umakyat ng ligaw? Hahaha." tatawa-tawa pa siya nung inabot sakin ang mga hawak niya. "Di joke lang, Daks. Ma--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita kasi niyakap ko na siya ng mahigpit. "Baby, hindi ako sanay na ikaw ang gumagawa nito eh."

"Well masanay ka na kasi lagi ko na 'tong gagawin. Haha. Yayain sana kitang mag-date eh."

Ano ba yan, Daks. Mas lalo lang akong nahuhulog sayo eh. Kahit ni isa sa mga naging girlfriends ko noon, hindi nag-effort nang ganito sakin. Ikaw pa lang.

"Sa isang kondisyon, baby." siyempre, ayoko magsuot ng dress sa date namin ni Daks. Di talaga ako sanay saka kanina pa ko nangangati.

"Oo na. Magbihis ka na dun. Baka mamaya makita ka pa ni Torres at mainlove pa yun sayo." kumalas siya sa yakap ko at nahiga sa kama.

"Ayon, umamin din." Sabi ko na nga ba eh, nagseselos 'to kay Thomas. Haha. As if naman may dapat siya ipagselos dun.

"Anong pinagsasabi mo?" painosente pa kunwari. Mapagtripan nga. Haha.

"Meron akong idea,daks. Dito na lang kaya tayo?" pumaibabaw ako sa kanya at itinukod ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo niya. "Alam mo yun. Mas makakapag solo tayo dito. Walang istorbo."

Napalunok siya nang unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. "A-Anong ginagawa mo?"

"Eh di yung lagi nating ginagawa pag tayo lang dalawa." bulong ko sa tenga niya.

"H-Hoy Victonara! U-Umayos ka nga! Wala akong alam sa pinagsasabi mo!" Namumula na talaga yung mukha niya.

Natawa na lang ako. "Hahaha. Binibiro lang kita, baby."

"Nakakainis ka!  Kinabahan ako, alam mo ba yun?" Hinampas-hampas pa niya ang braso ko. "Tapos tignan mo nga sarili mo.."

"Ha?" Ano bang meron sakin?

"Tignan mo nga ayos mo, tapos nandiyan ka pa sa ibabaw ko. Ikaw pala yung aggressive sating dalawa eh! Hahaha."

Agad akong bumangon. Psh, nakalimutan kong naka-dress pala ako. Itutuloy ko pa naman sana yun kahit nagbibiro lang ako.

Tatawa-tawang bumangon si Daks. "Magbihis ka na nga dun. Wag mo na kong akitin kasi effective! Hahaha."

"Wala akong kiss?" hirit ko pa.

"Hmm.. mamaya pagkatapos mo magbihis. Dalian mo, may date pa tayo."

Hindi na ako nagreklamo pa at agad na tumakbo papuntang banyo at dali-daling nagbihis at naghilamos. Finally, nahubad ko na rin yung dress at nakuha ang make-up. Paglabas ko ng C.R , nakaupo pa rin si Mika sa kama habang nakatingin sa labas ng bintana.

Tinabihan ko siya at niyakap. "Mukhang malalim ang iniisip ng baby ko ah."

Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya sakin. "Sabihin na natin sa pamilya ko, daks. Ayoko nang maglihim sa kanila eh."

Hindi ko alam kung dapat ba kong masiyahan o kabahan sa desisyon niya. Hindi kasi kami sigurado kung anong magiging reksiyon ng pamilya niya sa relasyon namin. Paano kung hindi nila matanggap? Paano kung paghiwalayin nila kami? Kapag nangyari yun, hindi ko talaga kakayanin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Mika. "Baby, sigurado ka ba diyan? Pwede naman tayong maghintay.."

"Sigurado na ko, daks. Gusto kitang ipakilala sa kanila bilang girlfriend ko. Ang unfair naman kasi na kailangan mo pang magpanggap sa harap nila samantalang kilala na ako ng pamilya mo."

"Baby, ayos lang naman sakin eh. Kaya ko naman. Natatakot ako na pag sinabi natin sa kanila .." hindi ko na napigilang maluha. Ayokong mawala si Mika. Buti sana kung ako lang ang masasaktan, eh pati siya.

"Wag kang matakot, daks. Hindi naman ako papayag na maghiwalay tayo eh." hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa pisngi niya. "Ako ang bahala. Magtiwala ka lang sakin. Sa ATIN."

"I love you, Ye." niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you too, Vic."

Ilang minuto rin kaming magkayakap na dalawa. Kahit papano nabawasan ang takot ko dahil sa mga sinabi ni Mika.

"Ay muntik ko nang makalimutan." basag ni Daks sa katahimikan. "May date pa tayo, daks."

Kumalas na kami sa yakap naming dalawa.

"Saan ba yung date natin, baby?" tanong ko.

"Secret. Basta sumama ka na lang sakin. Ako muna ang bahala sa lahat ngayon, daks." hinila niya ako patayo.

Palabas na kami ng kwarto nang may maalala ako. "Asan na yung kiss ko?"

"Ay buti pinaalala mo.Haha." pinulupot ni Daks ang braso niya sa batok ko kaya napahawak na rin ako sa waist niya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha namin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

Hmm.. Matutuloy pa kaya ang date namin sa lagay na 'to?

THANKS FOR READING !

KaRa One-Shots (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon