#7 Wrong Spelling is Wrong

14 0 0
                                    

"Co-founder, paki-gm naman 'to oh. Luv u!"

That was the first time I assumed that you liked me. Of course, babae ako at crush kita kaya malamang kikiligin ako. At dahil utu-uto ako sa 'yo, nagpa-load pa ako para lang i-gm sa clan ang message mo that you were going to quit as a founder. Syempre nalungkot ako. Kaya nga ako pumayag na maging co-founder kasi alam kong ikaw ang founder tapos iiwan mo lang ako? No! I won't allow that to happen.

It took almost 2 months bago ko nalaman ulit ang new number mo. At syempre, landian to the max na naman tayo though sa text lang 'yon nagaganap.

It was January when you said that you were going to court me before graduation. I understood why you wanted it to be on that time 'cause I knew that you were respecting me and so, I waited.

Pero dumating ang February, dumadalang na ang text mo sa 'kin at nag-uumpisa na rin akong mag-doubt sa mga sinabi mo. Iniisip ko, totoo ba talaga na liligawan mo ako o isa lang 'yon sa mga joke mo? But still, I waited.

Madalang na akong magpa-load kasi hindi ka rin naman na nag-te-text. Nagkikita tayo sa classroom pero parang hindi tayo magkilala but it was okay for me 'cause I didn't want anybody else to know what we had that time. I kept it as a secret.

Nangangalahati na ang February pero 'di ka pa rin nagpaparamdam sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa no'n so I entertained your bestfriend and your friends. Yes, nakipaglandian ako sa kanila para lang mapansin mo 'ko.

Inuna ko ang bestfriend mo na patay na patay sa 'kin. Natuwa ako kasi pakiramdam ko, hindi naman pala 'ko talo sa 'yo. Everyday rin kaming magka-text at magkatawagan no'n and I found it sweet. So, dumating 'yong araw na dapat sasagutin ko na siya but suddenly, you texted me. And with just a blink of an eye, binasted ko ang bestfriend mo. I didn't know if you had any idea about me and your bestfriend, but I didn't care anymore. Ikaw na ulit ang gusto ko at ikaw lang ang dapat na sagutin ko. 'Yon ang nasa utak ko kasi umaasa 'kong tutuparin mo ang sinabi mo.

I was so happy as you started to text me again everyday and night. Marami na naman tayong napag-uusapan at kung ano-anong kalandian. Nakalimutan ko rin na may nasaktan pala 'kong tao na bestfriend mo nga pala. Masisisi ba nila 'ko? E, ikaw naman talaga ang gusto ko.

No'ng mga oras na nahuhumaling na ulit ako sa 'yo, umaasa na naman ako sa sinabi mo pero sa t'wing magkaka-text tayo, ni isang beses, hindi mo man lang binanggit until one day, I received a very heartbreaking group message from one of your friends saying, "Nagka-girlfriend din sa wakas si Felix! Inuman na!"

Simula no'n, hindi na kita tinext. Para sa'n pa? You already broke it and I didn't want it to happen again so as what I did before, I entertained the two of your friends na may gusto rin sa 'kin. And yes, pinagsabay ko sila at sabay rin silang umiyak nang malamang hindi sila pasok sa standards ko.

Alam kong alam mo ang lahat nang nangyari. You were together when they drank all day just because of me.

You were there when they cried just because of me but I didn't care. I didn't care 'cause my attention was always into you. Though, alam ko namang hindi mo na 'ko papansinin kasi may girlfriend ka na.

After all that happened, nakilala ako sa room bilang manggagamit, manloloko, heartbreaker and whatsoever! Of course, nasaktan ako. Pero anong magagawa ko? Gano'n naman talaga ako at naging gano'n ako dahil sa 'yo. Dahil diyan sa pagiging paasa mo. Naalala ko pa ang last message mo sa akin noon nang malaman kong may gf ka na. You said, "Hindi ko na yata matutuloy." At sapat na 'yon para malamang pinaasa mo lang ako.

March na at malapit na ang graduation. 'Di ba't sinabi mo noon na liligawan mo na ako 'pag dumating 'yong araw na 'to?

And yes, you did. Niligawan mo nga ako. Tinotoo mo ang sinabi mo sa 'kin. Nagalit sa 'yo ang mga kaibigan mong ginamit ko pero pinagpatuloy mo lang at 'di ka nagpatinag. At kahit alam kong rebound lang ako, nagpaloko pa rin ako sa 'yo.

Gano'n ako katanga sa 'yo noon.

It was already April nang sagutin kita at kahit alam kong bawal pa sa 'kin 'yon ay ginawa ko pa rin kasi nga masaya ako sa 'yo. Hindi kita pinakilala sa mga magulang ko dahil alam kong magagalit sila. Kaya ang nangyari, ako na lang ang pinakilala mo sa family mo.

Naging okay naman ang limang buwan nating pagsasama. I was so happy and always inspired. Actually, sinisipag nga akong pumasok sa university na pinasukan ko kahit wala ka naman do'n. Pero dumating 'yong pang-anim na buwan na parang pinipilit ko na lang na okay tayo which was hindi naman talaga totoo. Napapadalas ang away natin hanggang sa dumating ulit ang January, wala na 'kong gana sa 'yo. Tinamad ako na makipag-text at makipagkita sa 'yo dahil na rin siguro sa dami ng school works ko. Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na isiping maaayos din natin 'to.

Naalala ko pa noon nang sabihin sa 'tin ng adviser natin no'ng 4th year na hanggang 10 months lang tayo. Pinagtawanan ko 'yon at hindi pinaniwalaan.

Dumating ang February at 10 months na nga tayo. Habang tumatagal tayo, tumatagal na rin ang reply mo sa mga text ko. Hindi ko inisip na may ka-text kang iba dahil nangako ka. Naniniwala kasi ako sa 'yo noon sa lahat nang sasabihin mo. May tiwala kasi ako sa 'yo. Pero dumating na sa puntong, you were comparing me to the other girls. You even told me na try ko ring mag-ayos ng sarili ko tulad ng ayos ng koreanang nakita mo. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Nainsulto ako. Ako 'yong girlfriend mo pero ibang babae ang nasa isip mo.

Simula no'n, lalong naging cold ako sa 'yo. Hindi ko na ni-re-reply-an ang bawat text mo dahil natatakot akong ipagkumpara mo na naman ako sa iba. Hindi ko rin magawang makipagkita sa 'yo dahil alam kong 'pag nangyayari 'yon, mawawala na lang bigla ang galit ko sa 'yo. Nakakainis dahil sumasabay pa ang thesis sa problema ko.

Naalala ko na naman ang sinabi nang adviser natin na hanggang 10 months lang tayo. Kinabahan ako dahil baka magka-totoo.

It was March 5 no'ng umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. I didn't know why pero ang sama ng pakiramdam ko then you texted me. "Punta ka rito."

Literal na napataas ang kilay ko. How dare you? Ikaw dapat ang pumunta rito at hindi ako. I replied, "I'm tired. Next time na lang."

Hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng lakas ng loob para magalit sa 'kin no'ng mga oras na 'yon. Dahil lang hindi ako makakapunta, magagalit ka na? Then naalala ko na naman ang hula ng adviser natin. Oras na nga siguro para tapusin ko 'to.

March 8, my classmates greeted me but I answered them, "for what?" That was it. As simple as that. Inaamin ko, naging madali ang lahat sa 'kin. Nakapag-move on ako agad dahil na rin siguro sa tulong ng Wattpad.

Nakalimutan kita. Nagkaroon ako ng panibagong atensyon. Nanahimik ako dahil busy ako sa paggawa ng mga kuwento.

Dumating ang birthday ko, at yeah, umasa akong babatiin mo ako pero ni isang text, wala akong natanggap. Dumating ang birthday mo, quits na tayo.

Limot na kita at pinatawad na rin. Huwag ka na sanang mag-text sa 'kin dahil nasasayang lang ang load mo. Hindi sa bitter ako, wala lang talaga akong load at kung mag-load man ako, Wattpad ang diretso ng cellphone ko.

Nakakatuwa dahil sa pagkakaalala ko, ikaw ang nagdala sa 'kin sa Wattpad pero tingnan mo nga naman ngayon, nagawan na kita ng story. Hindi nga lang maganda ang ending at lalong hindi maganda ang beginning. Tanga lang talaga ako noon kaya naniwala ako sa "Luv u!" mo na mali naman ang spelling.

Ibig-sabihin...

Wrong spelling is WRONG!

THE END

AUTHOR'S NOTE:

Isinulat ko ito taong 2013. Sorry for my bad grammar. Hindi ko na in-edit at baka mas dumami ang mali. LOL. Thanks for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EpifaniaWhere stories live. Discover now