Sunny Vs Seatbelts

59 3 3
                                    


Cyle's POV

*alarm ringing*

"urghhh..." napabangon ako sa tunog ng alarm ko, 6:30 na pala.

"Ni hindi man lang ako nakatulog" para akong zombie na pumasok sa banyo. Kung tatanungin niyo kasi kung bat ako hindi na katulog, dahil lang naman yon sa weird na babaeng yon. Dahil sa mga pinagsasabi niya saakin kahapon eto ako ngayon walang tulog.

Pinuno ko ng tubig ang bathtub ko habang nagsisipilyo. Pinagmasdan ko pa ang napaka gwapo kong mukha bago ko inilubog ang katawan ko sa bathtub.Napapikit ako pero napamulat din kaagad.

"Lintik! Pati ba naman sa pagligo hindi niya ako tatantanan?!" maktol ko habang paalis sa bathtub. I gave myself a shower at umalis na sa banyo.

"Pucha talaga ang babaeng yon sana pala hindi ko na lang siya sinundan kahapon. Pucha edi sana hindi ko nararanasan to!"

Pagkatapos kong magsuot ng damit kinuha ko na ang susi ko at lumabas na ng condo. its 7 in the morning. Masyado pang maaga para pumasok.

Pagkababa ko sa parking lot. Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa bahay ng babaeng yon.

At this point nagsisisi ako kung bat ako pumayag sa bet. Kaya ko naman siyang bawiin with my own will and power pero para ankong tangang pumayag sa kagaguhan nila. It was never been my intent na may madamay dahil sa isang bagay na gusto kong makuha. Yes, gago ako pero may conscience parin naman ako.

Pero iba si Sunny, she made me want to crush her into pieces. Tignan lang natin kung sino ang mawawagi sa aming dalawa.

Sunny's POV

Huh? Anong ginagawa ni 'boyfriend' sa harap ng bahay namin? Tanaw ko kasi yung kotse niya na naka harang sa harapan ng bahay nina Auntie.

"Kain na!" sigaw ko. Kakatapos ko lang maghanda ng agahan. Pumasok si Carrie sa kusina kasama si Jamie habang nagdadaldalan.

Si Carrie Ramos ang panganay na anak ni Auntie. Mas matanda siya ng isang taon saakin pero hindi ko siya tinatawag na ate. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang ate, kesyo hindi naman daw niya ako kapatid at mas lalong hindi niya daw ako tanggap bilang pinsan. Hindi naman siya ganto saakin nung mga bata pa kami. When in fact sobrang close namin sa isa't isa noon.

Si Jamie naman ang bunso ni Auntie, 12 pa lang siya pero may attitude na. Di tulad ni Carrie hindi na niya ako gusto simula pa lang. She hate me so much from unknown reason.

"Boyfriend mo ba yung nasa labas Sunny?" tanong ni Auntie sa akin. Nabigla ako kaya hindi ko siya agad nasagot.

"Po?"

"Mommy are you serious? Si Sunny magkakaboyfriend ng ganon ka gwapo? Like mamamatay muna ako bago yon mangyari" maarteng sabi ni Jamie habang iniirapan ako. Minsan sarap tanggalan ng mata ang batang to. Napaka niya.

"Jamie!" suway ni Auntie pero hindi parin nagpapatinag si Jamie. Suwail na bata.

"What? I'm just stating the truth."

"Jamie wag ka ngang ganyan kay Sunny" sabat naman ni Carrie "Wag mo ng ipamukha sa kanya na walang magkakagusto sa kanya."

"HAHAHAHAHAHA!" I knew it. Hays, ano pa nga bang aasahan ko sa isang Carrie Ramos kundi ang kademonyohan neto.

"Carrie! Jamie!" suway ni Auntie sa dalawa niyang anak pero hindi parin sila nagpapatinag.

Kumuha ako ng dalawang tinapay at ininom na ang gatas ko saka ako umalis sa kusina. Nawalan na ako ng ganang kumain —teka palagi pala akong walang gana. Tsk!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playboy Meets Badgirl (On-going)Where stories live. Discover now