The Playboy

81 4 0
                                    


Failure.

Messed up.

Bad girl.


Eto yung 3 major description nila sakin.
Kumbaga sa Google pag tinype mo ang salitang failure sa search tab ako agad lilitaw sa related searches.

"Sunny!"

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway papunta sa classroom ko at eto na naman ang lalaking to, ayaw talagang tumigil.

Hindi ko siya liningon. Alam ko na naman na sasabihin niya.

"Kelan mo ba kasi ako sasagutin?"



"Kelan mo ba kasi ako sasagutin?"


See?Psh!

Two weeks na niya akong kinukulit at kanina pa nya ako kinakausap simula sa labas hanggang dito. Puro siya kelan mo ako sasagutin ganto ganyan. Ewan ko ba diyan at ako ang napagtripan.

Hindi ko naman siya inaano. Ni hindi ko nga siya kilala. I mean hindi ko siya lubusang kilala. Basta one day pumasok siya sa room at hinahanap ako. Syempre ako wala akong pake. Nagpakilala siya at sinabing gusto niya daw akong maging girlfriend.
Then ayon halos araw-araw na niya akong sinusundan asking me kelan daw ko siya sasagutin.

Napaka-blunt niya. Alam ko na sa simula e hindi siya sincere. Syempre sino ba naman ako diba?

I'm a nobody. Wala may pake sa isang tulad ko. Syempre, hindi ako kasing yaman nila. Hindi ako maganda katulad ng iba. Nakapasok lang ako dito sa elite na paaralang ito dahil sa sipag ko sa pagpapart time. Hindi rin naman din ako katalinuhan.

Kaya nakakapagtaka na ang isang gwapong Cyle ay kakausapin at quote liligawan unquote daw ako.

Sa hindi ko malaman na kadahilanan na kahit siguro gupitan ko ng gupitan ang bangs ko ay mahirap sagutin kung bakit 'trip' ako ng gwapong Cyle.

Nag bago ata ang ihip ng hangin at eto siya't napansin at kinausap ang isang tulad ko. Hello, sikat kaya siya... As in sobra.

Cyle Kim is his name. And he's really popular. Pati sa ibang Universities na nagkalat dito sa lugar namin ay kilala siya.

Gwapo eh. Tapos mayaman pa.
Idagdag mo din na anak siya ng artista.

Pero hindi lang din iyon ang dahilan kung bakit kilala siya sa lugar namin.

Pano ba naman kasi e plano niya atang jowain lahat ng babae na nagaaral dito sa Montgomery- minus me kasi I'm not pretty.

"Sunnyko, pansinin mo naman ako" he said in a sing-song voice.

"Lakad lang Sunny, wag mong pansinin yang kupal na yan." Paulit ulit kong bulong sa sarili.


"Uyyy ano na?"

Ugh! Kairita ah. Ang dami ng nakatingin samin, di ba siya aware?


"Sunnnnnnnnyyyyyy"

Ayoko sa madaming tao. Ayokong napapansin ako. Feeling ko hinuhusgahan at binabalatan nila akong bukay!



"Sagutin mo na kasi ako"

Sagutin? Tae ba siya, ni hindi nga namin personal na kilala ang isa't isa e. I only know his name and his reputation sa school na ito- courtesy sa mga fan girls niyang nagkalat sa campus. And I bet ganon din siya, na pangalan ko lang ang alam niya. Ano bang nahithit ng playboy na ito at ako ang kinukulit?


Playboy Meets Badgirl (On-going)Where stories live. Discover now