"Anong meron dito?" Sigaw ko sa kanilang dalawa na nagulat dahil hindi nila akalain na nandun ako sa likuran nila.

"Angela? What are you doing here?" Gulat na sagot ng boyfriend ko, hindi naman nakapagsalita si ate dahil alam kong kinakabahan sya.

"E kayo? Anong ginawa nyo dito?" Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero sa oras na yon, nangibabaw ang pagmamahal ko sa kapatid ko.
Ayokong masira yung relasyon namin ni ate bilang magkapatid kaya ako na ang nagparaya.

"Angela, I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka" sagot ng boyfriend ko.
Teka? Ayaw nya akong saktan? Pero bakit ginawa nya sa'ken to?

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya kahit mahal ko sya, papakawalan ko sya.
"Wag ka magpaliwanag, hindi ko yun kailangan. alam ko na hindi mo na ako mahal, matagal ko nang ramdam yon kasi ang cold mo sa'ken at talagang nagbago ka na. Pero dahil mahal kita, hahayaan kitang maging masaya. "

Alam kong tama ang desisyon ko ng mga oras na yun, mahal ko sya pero alam kong may mahal syang iba. Gusto ko syang maging masaya at alam kong ang palayain sya ang magpapasaya sa kanya. Hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko at tanggap ko na ang nangyari.

"Hoy Angela. Bakit nag eemote ka jan?" Natauhan ako ng biglang magsalita si Dianne, hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko habang inaalala yung past ko.

"Ako dapat yung nag eemote e kasi ako yung broken" dagdag pa nya. Pero hindi ko na lang yun pinansin. Masyado kasi matanong si Dianne e kaya hindi na lang ako nagsalita. Baka kasi itanong pa nya yung nangyari sa akin. Ayoko na maalala ulit yun dahil nasasaktan lang ako.

"Tara na nga! 5pm na oh" reklamo nya sa'kin dahil parang wala pa akong balak na umuwi hahaha

"Mamaya na tayo umuwi, mga 10pm" sagot ko sa kanya na ikinagulat nya. Strict kasi papa nya e, kaya dapat 6pm pa lang nasa bahay na sya.

"Charot lang! Hahahaha baka mapag tripan pa tayo jan sa daan, ang gaganda kasi natin" sabay bawi ng sinabi kong 10pm kami uuwi. Natawa naman sya at hinampas ako.

"Ikaw talaga Angela! Baliw ka talaga!" Sigaw nya habang tumatawa. Masaya ako dahil papaano e napapasaya ko sya. Totoo nga yung sinabi nila na, kung sino pa yung taong palaging nakangiti, sila pa yung may mas mabibigat na problema. Nasasaktan sila pero ayaw nila ipakita yun sa mga tao at idinadaan na lang sa ngiti.

"Bye Angela! Text mo na lang ako pag nakauwi ka na ha! Ingat ka" sigaw ni Dianne.
Nakasakay na pala sya sa jeep ng hindi ko namamalayan, haha nawala na naman ako sa sarili. Hays!

"Sige! Ingat ka din! Tandaan mo ha! Maganda tayo. Maaaagaaaandaaaa taaaayoooooo! Mwaaaa! Mwaaaa! Mwaaaa!" Sigaw ko sa kanya at natawa naman yung ibang pasahero ng jeep. Haha minsan talaga napapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ang taas ng self confidence ko hahahaha feelingera ko talaga e 'noh?

By the way, I'm Angela Santiago, nineteen years old, at 4rth year Psychology student. Pasukan na bukas pero hindi pa din ako nakakapag enroll. Hahahaha sobrang hate ko talaga ang school, lalong lalo na pag may subject na about sa history. Ewan ko ba, pero ako lang ba? Ako lang ba yung may ayaw sa history? Hays. Hindi ko alam kung bakit pero ang daming tanong sa isipan ko, para saan ba yang history na yan? Oo, mahalaga na malaman ang paghihirap ng mga Pilipino para lang makalaya sa Kastila, Amerikano at Hapones, pero bakit yung iba detalyadong detalyado? Diba past is past na nga? Hays.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now