"Oo nga, napansin ko rin na hindi na masyado lumalapit si Clicko kay Kiana nitong mga nakaraan.." nagtataka na sabi naman ni Kazandra.

Napatikhim ako at uminom ng tubig. Why am I suddenly so tensed?

"Speaking of her..." bulong ni Felly at napatingin sa labas ng resto kaya napatingin din kaming lahat doon.
Kiana and her friends are here. Kakababa lang nilang lima sa isang itim na sasakyan at dumiretso papasok sa resto ng Uncle ni Dexter.

"Shit dito pa talaga sila papasok ha? Ang ganda naman ng timing!" bulong ni Sarah pero dinig na dinig naming lahat kaya tinapunan ko siya ng tissue.

Napatigil si Kiana sa paglalakad nang dumapo ang tingin niya sa table namin. She scanned each and every one of us on the table at tumigil ang mata niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. I thought she would roll her eyes on me or do something bitchy pero she just looked away and started walking again sa kabilang table sa dulo kasama ng mga kaibigan niya.

Akala ko naman magkaka-part two ang nangyari sa aming apat nina Lyrra at Catherine. Aawayin niya ako? Ano sasabihin niya? Na inagaw ko si Clicko sa kanya? Hindi naman naging sila, eh.

"Hoy!" napasulyap ako kay Sarah nang tapunan niya ako ng kinakain na chichirya. Natigil ako sa pag-iisip at sinamaan siya ng tingin.

"Stop throwing the food!" saway ni Nad sa kanya kaya ngumiwi siya at tumigil.

"Eh kasi ito eh! Kanina ko pa tinatanong kung bakit ganoon makatingin sa kanya si Kiana!" sigaw niya kaya sinaway siya ulit ni Noel.

"Bakit ka pa nagtataka? Hindi ba nagkasabunutan nga sila noong nakaraan?" natatawa na sabi ni Kaz habang tumitipa na sa laptop na nasa harap nilang dalawa ni Dexter.

"Alam mo napapansin ko na ha? Nitong mga nakaraang araw mas lalo kang gumaganda. Tapos pumupula palagi ang pisngi mo..." nanliliit ang mga mata ni Sarah sa akin habang sinusuri ang mukha ko.

Naiilang ako na napayuko. Shit. Ganito ba talaga ang epekto ni Clicko sa akin? Hindi naman ako naglalagay ng blush on, bakit pumupula ang pisngi ko?

"Hindi ka naman naglalagay ng blush on.." pagpapatuloy niya na parang binabasa ang iniisip ko habang tumatango.

"Tumitira ka ba?" biglang tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko. What the hell is she talking about?

"Sarah!" saway ni Noel na natigil sa pagbabasa ng libro at matalim siyang tinitigan.

"OMG! OMG! Nakipag-sex ka ba?" bulong niya kaya tuluyan ng naibagsak ni Noel ang libro sa mesa. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko.

Minsan talaga gusto kong lagyan ng filter ang bibig ni Sarah. She doesn't know how to control her mouth at hindi na nakakatuwa iyon minsan.

"Sarah Margaret Diaz! What the fuck are you saying?" galit na sigaw ni Nad kaya napatigil si Sarah.

"Sorry naman. Ano ba kasi ang meron ha, Heanndra? Alam ko may nangyayari sa'yo na hindi ko alam eh. Kilala kita eh," hirit niya pa ulit kaya napatigil ako sa pagtipa sa laptop at huminga ng malalim.

How the hell did she noticed that? Wala namang may nagbago sa ginagawa ko araw-araw. Paano niya na sasabi na may nangyayari na hindi niya alam? May ginagawa ba ako ngayon na hindi ko usually ginagawa?

Okay. She wants to hear it? I'll say it.

"Something is going on between me and Clicko," mahina na sabi ko at napatigil silang lahat sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa akin.

Kumunot ang noo ni Nad sa sinabi ko.

"Shit. What!?" sigaw ni Sarah kaya napatingin ang lahat sa amin kahit na sina Kiana na nasa kabila at kumakain na.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now