"Tss ang korni mo Clicks! Halikan mo na nga yan nang makaalis na kami dito!" naasar na sabi ni Aro kaya tumawa kaming dalawa ni Clicko.

Why is he so grumpy? May dalawa ba siya ngayon?

"I have to go. Mamaya dadating na yung teacher namin" pagpapaalam ko sa kanya kaya sumimangot siya at bumagsak ang balikat na tumatango.

"Bye, baby" he said kaya natawa ako.

Where the hell did he get that call sign? Habang tumatagal ay napapansin ko na ang pagiging clingy ni Clicko. It's like ayaw niyang mahiwalay sa akin. Everytime na magkikita kami niyayakap niya agad ako or di naman kaya ay hinahawakan ang kamay ko. Ibang-iba siya sa Clicko na nakikita ko kapag hindi ko siya kasama. Seryoso palagi, hindi nakangiti at parang may kasalanan ka sa kanya kung makatingin siya sa'yo.

"What the fuck? Naiihi ako sa inyong dalawa" nandidiri na sabi ni Aro kaya inirapan ko siya.

"Goodbye, baby. See you later.." malambing kong sinabi kay Clicko para mas lalo pang maasar si Aro at tama nga ako. His face is so full of disgust na para bang nakakita siya ng nakakasuka na bagay. I laughed while waving at them at agad ding pumasok sa classroom.

Dumating iyong teacher namin at nagsimula na kami sa klase. Bago ko pa matago ang cellphone ko sa bag ay tumunog ulit iyon kaya binuksan ko ulit.

Clicko:

You didn't kiss me. Kiss mo ako mamaya.

"What the.." napakagat ako sa labi ko sa nabasa at agad na itinapon ang cellphone sa bag. Napapikit ako at hindi alam ang iisipin.

Why is he like this? Hindi ako sanay sa ganito. Mas sanay ako na mukhang siyang snobbish at suplado na masungit. Basta iyong ganoon! Mababaliw yata ako kapag tumagal pa na ganito siya.

"Are you okay?" tanong ni Nad sa akin kaya napamulat ako. Umayos ako sa pagkakaupo at tumango sa kanya. The teacher said something kaya natahimik na kami at nakinig.

Nang matapos ang klase ay naisipan nila Kazandra na sa Centro na lang kami kakain para naman makapag-usap na rin sa gagawin naming presentation next week. Malapit na ang midterm kaya naman dapat ay maipasa namin ito habang maaga.

Nagtrisikel kami papunta sa Centro at tumigil sa isang magandang kainan na pagmamay-ari pala ng Uncle ni Dexter kaya naman hindi na kami pinabayad.

"Break na ba si Clicko at Kiana?" basag ni Felly sa katahimikan habang nag-uusap tungkol sa presentation.

Natigil ako sa pagtipa sa laptop at napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Relax Heanndra. Ano naman ngayon kung malaman nila ang totoo na may something kayo ni Clicko? Kung mahuli, edi magsabi ng totoo. Hindi mo naman siya inagaw kay Kiana kasi ang sabi ni Clicko hindi naman sila di ba? Wala kayong ginagawa na masama.

Nagpaalam si Clicko sa akin kanina sa text na may practical quiz sila mamaya kaya kailangan niyang mag-aral. Hindi daw siya makakapag-aral ng maayos kung kasama niya ako dahil baka daw ako lang ang papansinin niya at hindi ang mga aaralin niya. Naiintindihan ko naman iyon dahil nasa dean's list siya at may scholarship na inaalagaan. Medyo masungit siya at suplado pero takot din daw siya na malaglag sa dean's list o matanggalan ng scholarship. Nakakabawas daw ng pogi points iyon.

"Kaya siguro nagwala siya last time sa Ground Forest. Ang sabi ni Gino sa akin lasing na lasing daw iyang si Kiana at umiiyak. Mabuti na lang daw at dumating iyong pinsan mong si James.." kwento ni Sarah at tinuro ako kaya napaayos ako ng upo at nakinig.

I know James was there pero hindi namin siya nakasabay ni Kuya papunta at hindi ko rin siya nakita buong oras na nasa loob pa ako ng bar. Hindi pa rin pala siya tapos kay Kiana.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now