Teaser

16.8K 354 77
                                    

"I'm breaking up with you." seryosong ani Alison. Mataman itong nakatitig sa babaeng ngayo'y nasa kanya na ang atensiyon. Bumakas sa mukha nito ang pagkabigla sa kanyang sinabi. Marahil ay nagtataka ito sa biglaang pagsasabi niya.

Kasalukuyan silang kumakain sa isang Chinese restaurant sa Clark. Ayaw mang lumayo pa ni Alison ay wala siyang nagawa dahil dito gustong kumain ng kasintahan niyang hindi niya sigurado kung ano ang pangalan.

Kung siya ang pipili ay mas gusto niyang sa Angeles nalang magpunta para deretso na siya sa mall pagkatapos.

"Wag kang magbiro ng ganyan." nagpakawala pa ito ng isang hilaw na tawa.

"Look, Hera. Hindi na ako nag eenjoy sa company mo. I just don't see any future with you. Naawa lang ako say----" peste. Hindi pa natatapos ang sinasabi niya ay natigilan na siya sa pagdampi ng mag asawang sampal sa kanyang mukha. Ang lakas. Pakiramdam niya ay bumakas sa magkabila niyang pisngi ang palad nito. Leche, ang sakit!


"Gago! A-akala mo naman kung...k-kung sino kang m-maganda!" naluluhang sabi nito. Nagmamadali itong tumayo at naglakad palabas.


"Haze, yung share mo sa pagbabayad oyy!" sigaw ni Alison. Ang dami pa man din nitong inorder. Baka maubos ang pera niya dito.


Ilang segundo lang ay bumalik ito. Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman. Ayokong magbayad. Konti lang ang kinain ko.


Napatayo siya nang bigla nitong isaboy ang isang baso ng wine sa kanya. Shit. Wine pa talaga. Pwede namang yung tubig nalang sana. White long sleeved polo pa man din ang suot niya.

Talagang hindi pa ito nakontento, hinampas pa niya ng dala niyang bag si Alison. Tumama yon sa kaliwang braso nito.


Nanggigigil na tumingin ito sa kanya.


"Gago! Raven ang pangalan ko!" at iniwan siya nito. Napamura si Alison sa loob loob niya. Pasimple siyang luminga sa paligid. Ang daming nakatingin.



"Pambihira."

-------
7/11/19

NOTE: Ito po yung kwentong in-unpublish ko last year. Nakalimutan ko na yung dating title niya.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon