Chapter 21

2.2K 51 2
                                    

Ashley's POV
Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking paa basta ang gusto ko lang ay hindi siya makita. Bakit ba palagi nalang ganito ang nangyayari saakin? Lagi nalang ako nasasaktan, ano ba talaga ako kay Ice? Mahal ba niya ako? Minahal ba niya ako kahit konti lang?, kaya ayokong nagmamahal dahil masasaktan lang ako sa huli alam ko naman na wala siyang nararamdaman saakin pero bakit ko pa hinayaan ang sarili ko mahulog sa kanya. Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Ice, hindi ko nalang ito sinagot dahil ayoko muna siya makausap

Nandito ako ngayon sa isang park kung saan wala medyo katao-tao rito, nasa akin pa rin yung binili kong regalo para kay Ice iniisip kung paano ko ito ibibigay siguro hindi na niya ito kailangan. Sobrang pait ng ngiti ko ngayon dahil iniisip ko pa rin yung nangyari, wala akong karapatan na magalit o magselos dahil kasal lang kami sa papel. Atsaka hindi naman niya ako mahal, hay nako para akong tanga dito kinakausap ang sarili ko

"Hey Ashley ikaw ba yan" may biglang nagsalita sa likod ko at laking gulat ko si Raven

Bigla ko agad pinunasan luha ko at tumingin sa kanya

"Oh Raven ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Ah may binili lang ako tapos naisipan ko na pumunta dito, hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad dito pero mukhang alam ko na" sabi nito saakin

"Ano naman iyon?"

"Dahil nandito ka, nga pala bakit ka pala nandito?" tanong niya saakin

"Ahh, wala lang gusto ko lang pumasyal hehe" pagsisinungaling ko

"Pumasyal? Pero bakit namumula mata mo? Umiyak kaba" bigla siyang umupo sa tabi ko

"Ahh hindi hehe napuwing lang ako" pagsisinungaling ko ulit sa kanya

"Halatang umiyak ka, wag mo ng takpan. Bakit? Bakit ka umiiyak?" tanong pa nito ulit saakin

"Wala lang ito Raven" umiwas ako agad ng tingin sa kanya

"Sige pero always remember na nandito ako para magsilbing balikat na pwede mong iiyak. Pwede mo namang ilabas yan Ashley eh, mas maganda nga na naiilabas mo at nasasabi mo kaysa naman na dinadaramdam mo mag isa yan. Kaibigan mo ako Ashley wag kang mahiyang magsabi saakin" sabi nito saakin

Napakabait talaga ni Raven, hindi ko alam pero sa oras na nalulungkot ako habang wala si Steph ay nandiyan siya sa tabi. Matagal ko ng naging kaklase si Raven simula elementary palang kami at naging close ko siya pero hindi kami palagi magkasama hindi tulad ni Steph dahil lagi itong umuuwi agad kaya hindi namin ito nakakalaro minsan at noong tumungtong kami ng highschool ay bigla nalang siya pumunta ng Australia dahil lumipat na sila ng pamilya niya at nang mag college na kami ay bigla na itong umuwi ay dito nalang nanirahan sa pilipinas at meron daw itong rason kaya siya umuwi ay dahil daw sa babae. Nasagap ko lang yang impormasyon na yan dahil kay Steph. Wala naman sigurong masama kung maglalabas ako ng sakit diba? Hindi ko na din kaya mag isa na damdamin ito. Tao din ako nasasaktan at naghahanap ng pwede kong masandalan

Bigla nalang tumulo ang luha ko at yumakap sa kanya

"Raven bakit ganito? Bakit ganito nalang ang nangyayari sa buhay ko ang sakit" sabi ko at patuloy lang umaagos ang luha ko

"Hindi ko din alam Ashley pero siguro may rason iyon kung bakit mo napapagdaanan ang mga ganong bagay. Minsan kasi may mga pagsubok o problema tayo na nahihirapan tayong harapin eto pero pag naharap natin ito mas lalo tayong lumalakas at nagiging aral ito saatin. Isipin mo nalang na ginagawa ito ng Diyos para mas maging matatag tayo at mas tumibay ang paniniwala natin sa kanya, tandaan mo Ashley may mga rason kung bakit ito nangyayari saatin. Tutulungan naman tayo ni God para masolve natin ito. Kaya tumahan kana" mahabang sabi ni Raven saakin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Raven, siguro nga may rason kung bakit ko ito napagdadaanan basta matibay lang ang paniniwala ko kay God at malalagpasan ko rin ito

My Ruthless Husband Where stories live. Discover now