Chapter 10.1

4.5K 100 4
                                    

Ahsley's POV
*ashley's ringtone* napamulat ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Tamad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. Si Ice pala

"Honey the party will start at exactly 7:00. I contacted some hairstylist they will be there at 1:00" sabi ni Ice

"Uhm ok"

"Did you eat already?" tanong niya

"Uhm hindi pa" sabi ko

"Manang should be preparing your meal. Eat well honey. I'll see you tonight" sabi niya at ibinaba na niya ang kanyang cellphone

Mabait naman din pala siya. Sana nga magtuloy tuloy na to, ayokong ma meet ko ulit yung demonyong side ni Ice. Tumayo na ako sa higaan at nag ayos ng sarili. Pagkatapos bumaba na ako, nakita kong nagprepare si manang Selia tumungo ako sa kanya at tinulungan ko ito

"Hello po manang, tutulungan ko na po kayo" sabi ko sa kanya. Siya ang close ko dito kaysa sa iba. Nalaman ko na matagal ng inalagaan ni Manang Selia si Ice magmula noong bata pa siya

"Nako wag na hija, maupo ka nalang diyan at ako na ang bahala sa lahat" sabi niya saakin

Umupo na lang ako at tinitignan siyang maghanda ng kakainin ko

"Hija, alam mo bang napakaganda mong bata ang bait bait mo pa. Kaya masasabi kong mahuhulog din siya sayo" makahulugang sabi ni manang

"Po? Sino pong mahuhulog saakin?" tanong ko sa kanya

"Hahaha malalaman mo din, nga pala hija diba pumapasok kana sa Kolehiyo?"

"Opo manang"

"Ano pala kinuha mong kurso?"

"Ahh Business Admin po" sabi ko sa kanya

"Ay ganun kapag nakapagtapos kana gusto mo din mamahala ng kompanya katulad ni Ashton?" tanong niya saakin

"Ahh, hindi naman po sa katunayan nga po ay hilig ko pong magluto"

"Kung hilig mong magluto bakit iyon ang kinuha mong kurso?"

"Kasi po uhm-" hindi ko masagot ang tanong ni manang. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso may pumipigil saakin

"Nako ayos lang kung hindi mo sagutin. Alam mo bang si Ashton mahilig gumuhit yan, sabi nga niya saakin dati gusto niyang maging isang engineer dahil gusto daw ito makapagtayo ng mga bahay at mahilig itong gumuhit o dumisenyo ng bahay. Kaso ang lolo ni Ashton pinilit siyang kumuha ng kursong may kinalaman sa negosyo. Dahil siya ang susunod na magmamana ng kanilang negosyo" kwento ni manang saakin

Kung ganun mas mahilig siyang magpinta kaysa mamahala ng negosyo, pareho pala kami pero ang pagkakaiba lang siya pinili na iyon ang kunin, ako naman ay mismong kumuha ng kursong iyon para kay dad

"Hija, kumain kana" sabi saakin ni manang

"Ah sige po manang" sinimulan ko ng kumain

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang kwento ni manang, oo nga pala bigla kong naalala yung article na nabasa ko tungkol sa pagkamatay ng magulang ni Ice, gusto ko sanang tanungin dito si manang kaso baka ayaw din niya itong pagusapan. Kailangan ko ng magmadali baka mahuli pa ako sa klase

                            ♥️♥️♥️
Kasalukuyang nandito ako sa A.Academy inaayos ang preparasyon para sa gaganaping Acquaintance Party sa susunod na biyernes

"Sis!" sigaw ni Steph

"Oh bakit Steph?" tanong ko sa kanya

"Nandito si Renzo ngayon" sabi ni Steph, agad kaming pumunta sa kinaroroonan ni Renzo

My Ruthless Husband Where stories live. Discover now