Chapter 2

7K 167 2
                                    

Ashley's POV
*kkrriinnggg* (tunog ng alarm clock sa cp ni Ashley)

Pinatay ko na yung alarm clock at dali-daling bumangon. Time check 8:30 am, buti nalang walang pasok ngayon. Oo nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala simula nung Chapter 1, ako nga pala si Ashley Kaye Flores 18 years old, nag aaral sa A. Academy 4th year na ako at kinuha kong course ay business admin. Alam niyo naman diba? Wala na akong kasama sa bahay bukod sa mga maid at butler

Nabanggit ko naman din sa Chapter 1 anyways, naligo na ako at nag ayos-ayos. Pinag isipan ko ng mabuti ang sinabi ni Atty. Castillo kahapon until now hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na pala ako, ano kaya itsura? Sabi daw kasi si Mr. Anderson ang isa sa pinakamayamang tao dito sa pilipina ang kompanya niya ay pangatlo sa pinakamayaman na kompanya

(A/N: since ang Maxwell ang una, Villanueva naman ang pangalawa ang Anderson naman ang pangatlo)

Pero ni minsan hindi pa nakikita ang mukha niya kahit nga mag interview ayaw magpakita, yung sekretarya niya ang humaharap sa press. at interview

*tok* *tok* *tok*

"Ma'am Ashley nasa baba po si Atty. Castillo" sabi ng maid ko

"Oh sige pababa na ako, maghanda ka ng meryanda para sa bisita" utos ko sa kanya

Bumaba na ako at nakita si Atty. Castillo na umiinom ng juice

"Good morning po Atty. Castillo" bati ko sa kanya

"Good morning din Ms. Flores" bati niya saakin

"So what can I do for you?" tanong ko sa kanya

"Baka nakakalimutan mo na ngayon na ang araw na sasabihin mo ang desisyon mo" seryosong sabi niya

"Ay oo nga po pala sorry po" sabi ko sa kanya

"So ano na desisyon mo?" tanong niya

"Opo papayag na po ako since wala naman akong perang pangbayad" kahit labag man sa kalooban ay ginawa ko pa din

Wala naman akong pera pangbayad sa utang ni daddy. Nakita kong ngumiti di Atty

"Magaling buti hindi ko naisipan na tumakas dahil kung sakali man mahahanap ka pa din" sabi niya

"Naisip ko po yan pero hindi ko na po tinuloy" at may inilabas na papel si atty

"Oh eto pirmahan mo yan para makasigurong hindi ka tatakas" sabi niya at iniabot sa akin

Hindi na ako nag alinlangan na basahin pa basta pinirmahan ko nalang

"Sige Ms- ay este Mrs. Anderson ihanda mo na yung gamit mo at aalis na tayo" bigla akong kinilabutan sa tinawag saakin ni atty

"Ngayon na po Atty. pwede po bang bukas na lang" sabi ko sa kanya

Hindi ko naman pwedeng iwanan itong bahay dahil dito na ako lumaki simula noong bata pa ako, kahit na walang happy memories dito sa bahay na to ay hindi ko pa din pwedeng iwan dahil ito ang pangarap na bahay ni mommy. Kahit na wala na siya pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya

"Hindi pwede Mrs. Anderson, kailangan niyo na po umalis dito hinihintay ka na ni Mr. Anderson" sabi ni Atty.

Ayoko muna sana pero wala na akong magagawa. Atat naman kasi si Atty eh! Makikita ko din naman asawa- ay este si Mr. Anderson. Umakyat na ako sa aking kwarto at inimpake na ang gamit ko, kinuha ko sa aparador ang isang locket na binigay saakin ni nanay Coring (malapit kong yaya) noong nag 16 ako. Galing yan kay mommy, sabi daw ni nanay na ingatan ko ito at pangalagaan dahil itong locket na to ang isa sa pinakamahalaga kay mommy ang unang babae daw na anak niya ay ipapamana niya daw, so since ako lang ang nag iisang anak nilang babae saakin pinamana

My Ruthless Husband Where stories live. Discover now