Chapter 13

3.6K 83 6
                                    

Ashley's POV
Nandito na ako sa mansyon ni Ice dahil bigla niya akong inuwi, hindi ko din alam kung bakit, ang alam ko next week pa ako uuwi pero nang bumalik si Ice sa kwarto bigla niyang inayos ang mga gamit ko at sinabing uuwi na daw kami. Kasalukuyan akong nagluluto sa kusina ng paborito kong ulam ay adobo. Pinipigilan nga ako ni manang Selia noong una pero dahil mapilit ako ay pumayag na din siya

Pagkatapos kong lutuin ang paborito kong adobo, nagluto naman ako ng paborito ni Ice gratitude ko na ito sa kanya, nalaman ko kay Manang Selia na mahilig si Ice sa sinigang na bangus kaya iyon ang niluto ko. Pagkatapos naghanda ako sa lamesa at hinintay si Ice para sabay na kami kumain

Nakita kong pababa na si Ice kaya niyaya ko itong kumain

"Ice, kain kana" sabi ko sa kanya

Lumapit siya sa lamesa at umupo, sinandukan ko siya ng kanin at nilagyan ng sinigang na bangus. Kinuha niya ang kutsara at tinikman ang ulam ko. Kinabahan ako dahil baka hindi niya magustuhan pero mukhang gusto nga niya dahil paulit ulit niya itong kinakain

Kumakain lang kaming dalawa ng tahimik hanggang sa tumigil si Ice

"I don't want you to be near with Raven Jimenez" seryosong nakatingin ito saakin

"Uhm Ice if this was about yesterday I'm so-"

"I need to go now bye. Manong will bringing you to the school" pagkatapos umalis na siya

Hindi ko laam pero pakiramdam ko nalulungkot ako dahil sa inakto ni Ice saakin, alam kong ganyan na ang inaakto niya saakin pero iba ngayon. Hindi nga niya naubos ang iniluto ko sa kanyang ulam

"Hija ayos ka lang ba?" biglang tanong ni manang Selia

"Opo manang" sabi ko sa kanya

"Parang ang lungkot mo dahil ba hindi inubos ni Ashton ang ulam niya? Ganyan talaga siya hija pag may prinoproblema pero pag wala tyak na uubusin niya yan" tinulungan niya akong ligpitin ang pinagkainan namin ni Ice

"Sige po manang papasok na po ako. Bye po" paalam ko kay manang at pumunta na sa eskwelahan

                      ♥️♥️♥️

"Sis! I miss you" niyakap ako bigla ni Steph

"Miss you too" sabi ko sa kanya

"Kamusta ang pakiramdam mo sis, ayos ka na ba?" pagaalalang tanong ni Steph saakin

"Yes ayos na ako"

"Hays buti naman tara pasok na tayo sa klase" pumasok na kaming dalawa sa klase buti nalang ay wala pa yung prof namin

Mga ilang minuto nandiyan na ang sumunod naming prof, kasalukuyang nagtuturo siya ako lutang dahil sa kakaisip kay Ice. Ano kayang nangyari? Bakit kaya ganun ang inakto niya, nung mga nakalipas na araw ayos naman siya nakakausap naman niya ako ng maayos yung hindi cold. Napabuntong hininga nalang ako

"Mrs. Anderson!" nagulat ako sa narinig ko, nakita kong lahat ng kaklase ko ay nakatingin saakin at nakita ko naman si prof galit na nakatingin saakin

"Psst sis kanina ka pa tinatawag ni Ms. Castro" bulong ni Steph saakin

Napatayo ako agad. Strikto pa naman si Ms. Castro lalo na sa mga hindi nakikinig wala siyang pake kung anak mayaman ka kung hindi ka lang makikinig sa kanya ay papahiyain ka talaga niya

"Mrs. Anderson why are you not listening. Diba sinabi ko na sainyo na MAKINIG KAYO. Ayokong walang nakikinig saakin. At ikaw Mrs. Anderson ikaw pa ang nangunguna sa klase tapos hindi ka makikinig, hindi porke matalino kana hindi kana makikinig saakin. I'm warning you Mrs. Anderson kapag hindi kapa nakinig saakin ipapaoffice kita wala akong pake kung asawa ka pa ni Mr. Anderson, tuturuan kita ng leksyoj kapag hindi ka pa nakinig saakin. Sit down at makinig ka. Turn your textbook on page 254" ibinuklat namin ang mga libro namin

My Ruthless Husband Where stories live. Discover now