"I had to do it. I am working for her Dad" sagot niya at natawa ako.

He is also working for my Dad! Ibig niyang sabihin ganoon niya tratuhin lahat ng mga anak na babae ng mga pinagtatrabahuhan niya? Kanino pa ba siya nagtatrabaho?

"You are also working for my Dad, Clicko! Lahat yata ng babae na anak ng mga pinagtatrabahuhan mo ay ginaganito mo!" sigaw ko sa kanya para hindi siya makalapit sa akin.

For God's sake wala na akong matakbuhan kapag lalapit pa siya sa akin. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"That's different. I volunteered to work for your Dad. Hindi tulad ng ama ni Kiana na kinuha talaga ako," paliwanag niya sa akin.

Napa-angat siya ng tingin sa akin at nagkatinginan kami. Shit. Isip Heanndra.

"Then why would you give that rose to Kiana kung hindi naman pala kayo?! Why did you rejected me when I confessed to you?!" sigaw ko na naman. Why would he do that?

He rejected me kahit hindi naman talaga sila ni Kiana. So, ibig sabihin he rejected me because he didn't really like me? That is even more painful!

His jaw clenched habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng nilagay niya ang isang kamay sa dingding habang nilalapit sa akin ang sarili. He's cornering me!

"Wha--what are you doing?" mahina kong tanong. Nararamdaman ko na ang paghinga niya sa mukha ko. Binaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko pero sinusundan niya rin iyon.

"Are you jelous? Hmmm?" he asked at halos matunaw ako sa boses na narinig.

I tried to escape sa kabilang side dahil nasa kabila lang naman ang kamay niya. But I was wrong, he trapped me at kinulong na ako gamit ang dalawang kamay. My breathing just stop for a minute.

Why would he asked that I'm jealous?! Hindi ba alam niya na na gusto ko siya kaya bakit pa siya nagtatanong?! He's killing me already!

"Are you done asking? It's my turn," matigas na sabi niya habang nakatutok sa akin ang kulay asul at lubog niyang mga mata.

"Why did you let Dio kissed your neck?" tanong niya. Parang lawin ang kanyang mga mata na binabantayan ang kanyang nahuli at baka may kumuha dito.

I looked away at napalunok. Natutunaw ako tuwing matagal na titingin sa kanyang mga mata.

"Ang sabi sa dala mong signage, halik lang sa pisngi. Bakit ka nagpahalik sa leeg mo?" may bahid na galit na tanong niya habang sinundan pa rin ang tingin ko sa tuwing iiwas ako.

Why is he asking me this questions?

"Because he asked for it," wala sa sarili na sabi ko dahil sa kaba.

He muttered a curse and laugh a little habang mas lalo pang nilapit ang sarli sa akin. He thinks this is funny?

"So if I asked for it now would you give it to me?" seryoso niyang tanong kaya nanlaki ang mga mata ko.

He licked his lips at kinalas ang dalawang kamay nakahawak sa dingding. He looked at me with so much pain in his eyes at saka tumango tango.

"You can't.." deklara niya at suminghap.

Tumayo ako ng maayos at inayos ang sarili.

"Do you still have feelings for me?" he suddenly asked kaya napatingin ako sa kanya.

What? Nagbibiro ba siya? I just confessed to him last time! Ni hindi pa nga nag-iisang linggo iyon nangyari tapos itatanong niya sa akin kung gusto ko pa siya? Ano iyon? Magic lang na biglang mawawala dahil ni-reject niya ako?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now