"Mukhang kailangan ko pang utuin to ah" bulong ni Jeonghan sakanyang sarili "bukod tangi kasi yang kagwapuhan mo kaya kapansin-pansin ka talaga"

Napa-kurap si Jun sa sinabi ni Jeonghan "talaga?"

"Oo naman!"

"Sabagay kahit sobrang daming tao ako pa rin ang unang mapapansin dahil sa kagwapuhan ko" naka-ngising sabi ni Jun

"Aba syempre kaya nga ikaw ang visual eh" - Jeonghan

"Tsk tsk hindi mo na kailangang ipaalala sakin yan hyung, matagal ko ng alam na visual ako. Sige hyung gisingin ko na sila Wonwoo" sabi ni Jun sabay tapik kay Jeonghan

Pag alis ni Junhui sa living room makikita ang ngiting demonyo ni Jeonghan, papunta na sana siyang kusina nang maka-salubong niya si Jihoon "gising ka na pala"

"Yang ngiti mo, may ginawa kang masama no" poker face na sabi ni Jihoon

"Grabe ka! Napaka-judge mental mo!" - Jeonghan

"Hindi mo ko maloloko hyung kilala na kita. Ganyan din yung ngiti mo nun nung pinagtripan niyo si Minghao" - Jihoon

"Ang sama mo sakin" - Jeonghan

"Syempre mana sayo" sabi ni Jihoon sabay nagwalk-out.


Pag pasok ni Junhui sa kwarto nung dalawa nakita nitong nasa lapag na yung kumot at naka-pulupot ang braso't binti ni Mingyu kay Wonwoo "aba matinde kayong dalawa ah gising na kaming lahat kayo tulog na tulog pa rin. Bangon!"

Unti-unti ng gumigising si Wonwoo pero si Mingyu mukhang di man lang narinig ang sigaw ni Jun "hoy gumising na kayo, ako ang mapapagalitan ni Jeonghan pag di pa kayo bumangon. Woo gising na"

Effective yung pag tawag ni Jun kay Wonwoo kasi nagising na ito "ano ba to?" Tumingon siya sa buong katawan niya at nakitang halos daganan na siya ni Mingyu

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now