Barkada

1.1K 9 0
                                    

Pasulyap sulyap at patawa-tawa,
Iyan ang ginagawa ko
Sa tuwing kasama ang barkada
Nagkukuwentuhan na parang
Wala nang bukas
At kung magturingan
Ay para nang isang pamilya

Nag-aasaran at nagkukulitan
Ang kadalasang ginagawa
Ng ating barkada

Ako nga ay parating
Bumibitaw ng biro,
Upang masilayan ang
Iyong singkit na mata

Isa ka sa aking mga barkada
At hindi ko inasahan
Na ang turing ko sa'yo
Na bilang kapatid ay mauwi
Sa pagkagusto ko sa'yo
Hindi ko alam kung
Saan nagsimula
Hindi ko rin alam
Kung magwawakas pa ba

Itong pagtingin ko sa'yo,
Aking kaibigan,
Isang paghanga nga lang ba
O pagmamahal na?
Ako'y nalilito sa mga ideya
Na nandito sa aking isipan
Ang tanging alam ko ay
Masaya ako kapag kapiling ka

Kung ikaw ay aking kasama,
Araw ko ay tila ba'y sumisigla
Ang puso ay umiindak sa tuwa
Kapag ikaw naman ay nakita kong nakatawa

Pasulyap sulyap at patawa tawa,
Iyan ang ginagawa ko sa tuwing kasama ang barkada
Kahit ang puso ko ay nabibiyak na
Dahil kabarkada kita at kabarkada ko rin ang iyong sinisinta

Written PoetryWhere stories live. Discover now