Mission 5

80 10 0
                                    

                                                         Mission 5

Kaycee's POV

Last night was an epic. Hindi ko alam kung bakit pero parang naging successful naman ang mission ko. Muntikan pa nga ako makita ni Paulina at mabuti na lang dahil nakaiwas agad ako sa kanya. Salamat rin dahil sa naging kakuntsaba ko ang Manager ng restaurant at naging successful ang step 3. Syempre after that steps hindi ko na hawak o magagawa pa, sila na ang bahala na magtuloy.

              I don't have the right to hold their destiny.

              Sinunggaban ko lang ang mission na 'to kasi alam kong bagay naman sila sa isa't isa. Maraming nagagawa ang pagmamahal, kaya imposible rin na hindi sila mahulog sa isa't isa. Madali ko lang nagawa ang mission kasi iniiwasan ko na rin naman si Flunter, it does sense para mapalapit pa siya kay Paulina.

              Hinihintay ko si Pau ngayon kasi sinabihan ko siya na pupunta kami sa mini-stop para makapag bonding kaming dalawa at syempre malaman ko ang tunay na pakay ko sa kanya, if nagsuccess nga ako sa mission ko.

              "Kaycee!" May tumawag ng pangalan ko kaya napalingon naman ako. Nakita ko naman ang nakangiti mukha ni Pau na palapit sa akin. Ewan ko ba pero feeling ko may maganda siyang ibabalita sa akin. "Tara na!" Aniya nang makalapit sa akin.

              Naglakad naman din kaming dalawa patungo sa mini stop.

              "Bakit parang blooming ka Pau?" Pagtatanong ko sa kanya. Nagulat pa siya sa sinabi ko.

              "Hindi ah." Tanggi nito.

              "Weh?" Pang-aasar ko. "Eh san ka galing kagabi?"

              "Ha? Wala!" Natatawa na lang ako kay Paulina. Kung makatanggi na wala siyang pinuntahan. "Hoy, ikaw san ka naman galing? Bakit parang nakita?"

              "So, umalis ka nga?" She rolled her eyes. Natawa na lang ako sa kanya.

              "Oo na." Buntong hininga niya. "Wag ka magagalit ha? I'm with Flunter last night."

              "No, that's okay!" Galak na sabi ko sa kanya. "Flunter is just a friend to me."

              "Okay..."

              "So anong nangyari?" Excited akong malaman ang kabuuan ng date nila. Nakita ko naman kasi pinanood ko silang dalawa sa cctv, wala nga lang boses. May napanood ako kagabi na parang pinigilan ni Flunter si Paulina na umalis. I woder what happened.

              "May nag-date sa aming dalawa." Aniya nang makapasok na kami sa loob ng mini stop.

              "So what happened?"

              "Bakit parang interasado ka naman? Wala lang naman 'yun, sabi niya lang he starting to fall for me."

              Napahinto ako sa paglalakad nang banggitin ni Paulina ang mga salitang 'yun. Napalingon naman siya agad sa akin at hindi naman ako nagpahalata na nagsuccess ang step number 4 ko sa mission.

              "So, bakit niya sinabi 'yun?" Mas naging interesado ako na malamang kung bakit nangyari 'yun. I feel relieved na hindi ko inaasahan magwowork out ang step 4 sa mission magnet.

              "Ewan ko nga eh, tapos he ask me kung pwede niya daw ba akong ligawan..."

              "So what did you say?" Napalingon siya sa akin.

              "Mas mabuti nang isalalay ko ang friendship natin, Kaycee. Hindi ko papayagan." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. So she didn't take all of that seriously? Akala niya biro lang ang lahat.

              "No Paulina, were just friends. I'm not entertaining him or whatsoever. I have mine, alam ko naman Pau na gusto mo rin siya. Diba totoo naman?"

              Napakagat labi siya sa sinabi ko saka siya tumango.

              "So, I'll give him a chance ba?" Tumango ako.

              "Syempre naman, go grabe him! Kung na-fall na siya sayo. Wag mo nang ibahin pa ang direksyon n'un Pau. May dahilan naman kasi kung bakit nangyari 'yun diba?"

              "Yes, kasi lagi daw kaming magkasama. Lalo niya raw akong nakikilala, mas lalo daw siyang nahuhulog sa akin."

              Niyakap ko bigla si Paulina. Nalulungkot siya kasi baka magalit ako na inagawa niya sa akin si Flunter. Wala naman sa akin si Flunter, as I said meron akong hinihintay na tao at siya si Finn.

              "Paulina, give your life a love. Wag kang mag stick for being a nerd. Like him, love him and never lose the chance." Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

              "Thank you," she said. "I'm okay na, hindi ka magagalit diba?" Tumango muli ako. "Sure?"

              "Oo nga." Galak kong sabi.

              Ewan ko pero ang saya na malaman ko na okay pala silang dalawa. Sabi ko na nga ba, hindi malabong mangyari ang inaasahan ko. Opposites do attract nga kumbaga.

              "Ahh, may tanong lang ako Kaycee?"

              "Ano 'yun?"

              "Kilala mo ba 'yung gumawa ng mga ganito sa amin. I mean na-trap kami sa stock room, may nag plano ng date?"

              Nagkibit balikat na lang ako. "Nope, I don't have any idea." Nakangiti ko pang tugon sa kanya. "Well kapag nalaman mo ba magagalita ka sa kanya?"

              "Hindi, matutuwa kasi gumawa siya ng paraan para mapaglapit kami ni Flunter." Aniya na kinikilig ng todo.

              Napangiti na lang ako sa kanya. What if she know that anonymous is also me? I don't know what wil happened. Basta ang nangyari, natapos ko an ang step 4 sa mission magnet.

Mission Magnet ✔Where stories live. Discover now