Mission 4

83 11 2
                                    

                                                         Mission 4

Kaycee's POV

I don't know what happened to Paulina, hindi ko alam kung bakit ganun na lang siya umiwas sa akin. Hindi naman ata niya siguro nahalata 'yung ginawa ko diba? Its just a mission para mapaglapit ko sila, kung mamasamain naman ni Pau 'yun. Sige, okay lang sa akin. Ako naman ang may pakana ng lahat so kailangan tanggapin ko 'yun.

           Nahalata rin kaya ni Flunter? Sana hindi.

           I'm making up with the restaurant manager. I'll do the next step for the mission, make them have a secret date. Nagpadala na ako ng email sa kanilang dalawa, anonymous ang pagpapakilala ko para hindi nila ako malaman na ako ang nagpadala n'un. Nagreply pa si Paulina na baka manloloko daw ako, sinabi ko naman na hindi.

           "Sige po," I nodded. "Kapag po dumating na si Paulina. Piringan niyo po gaya din ng kay Flunter then sabihan niyo po sila na wag magsalita hangga't wala silang naririnig na senyales." Aniko sa Manager.

           "Sure," He smiled. "So the time is 8 o'clock?" Tumango naman ako. "Thank you, Miss Kaycee."

           Lumabas na rin naman ako ng restaurant. Mabuti na lang at kakilala ko ang Manager ng restaurant kaya madali lang sa akin na mag-pareserve. Mamayang gabi na gagawin ang so called secret-date nilang dalawa. That's a part of my mission kaya sana hindi ako mag fail dito, kasi kapag mas lalong napaglapit sila sa isa't isa magagawa ko na rin ang second to the last step sa mission ko.

           So they will fall for each other. Para sa akin, 'yun ang mas mahirap sa mga steps. Hindi ko alam kung paano gagawin 'yun kasi nasa kanilang dalawa na 'yun eh. Hindi ko hawak ang damdamin nila para ma-fall sa isa't isa.

           Pupunta muna ako sa mall ngayon habang wala pa naman ang oras naa sinabi ko. Mamamasyal muna ako, it takes one ride pa para makapunta sa mal dito. Wonder why, I don't like Flunter.

           Because I've waited for someone who will fall for me. Gaya nga ng iba, mahirap mapansin ng taong gusto mo. Kung pwede ko lang gawin ang Mission Magnet sa aming dalawa ay ginawa ko na. Imposible kasi, pero pwede din naman oo kasi gumawa ka ng paraan para maging kayo at hindi umaasa sa tadhana.

           Finn is his name, and love is the space between us. Single siya, single rin ako. Pwede na diba? Kaso hindi niya naman ako gusto, sana may mission din, Mission: Make Him Fall. Ang taray siguro nang ganun, pero mahirap kapag ganun. I don't think so, if it will works.

           Pagkadating ko sa mall ay dumiretsyo ako sa accesories at bumili ng loom bands. In daw kasi 'to ngayon at like na like ko naman siya, ikaw mismo gagawa ng gusto mong design.

           Pagkalabas ko ng store ay dumaan sa harap ko si Finn. As in, humangin pa ng dumaan siya sa akin. Natulala lang ako ng makita ko siya, I don't know what happened. Basta bumilis na lang ang tibok ng kaliwang dibdib ko. Iba kasi ang tama ko sa kanya.

           He's the one I want to fall for me.

           Napansin kong huminto siya sa paglalakad at biglang humarap sa akin. Napatalikod agad ako sa kanya at naglakad pero tinawag niya ang pangalan ko kaya lumingon ako sa kanya. Nakangiwi pa akong humarap kasi nahihiya ako.

           "Nice to see you, Kaycee." Bati niya sa akin. Kahit kailan talaga, attracted ako sa mga lalaking may dimples.

           "Ikaw rin, Finn." Nakangiti kong tugon sa kanya.

           "Sige na, mauna na ako." Tumango na lamang ako at umalis na siya sa harap ko. Parang dinaanan lang ako ng kilig, walangya!

           Dahil nakabili na rin naman ako ng loom bands ay tatambay na lang muna ako sa restaurant para malaman ko rin ang pagdating nang dalawa.

                                                                --MM--

Paulina's POV

Hindi ko alam kung sino 'yung nag email sa akin kanina na anonymous. Sinabi naman niya na hindi naman daw siya nanloloko kaya I grabbed the chance na. Dinner din naman 'yun.

           Nakadress ako na kulay purple. Nakarating din naman agad ako sa restaurant na tinutukoy nung anonymous na 'yun. Papasok na sana ako sa loob ng harangin ako nang bodyguard.

           "Miss Paulina?" Pagtatanong nito sa akin. Nagulat naman ako kasi alam niya ang pangalan ko. May mga ilan na waiters ang lumapit sa akin at bigla akong piniringan.

           "Saan niyo po ba ako dadalhin." Pagtatanong ko sa kanila. Inaalalayan lang nila ako maglakad. Hindi naman nila sinagot ang tanong ko kaya napatahimik na rin ako.

           Ilang saglit lang din ay pinaupo na ako. Hindi pa rin inaalis sa akin ang piring sa mata ko dahil sabi nito ay magsesensyas na lang daw sila kapag tatanggalin ko na ang piring ko.

           Nagmumukhang tanga lang ako na nakapiring at nakaupo dito at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Namintig ang tenga ko na makarinig ako ng mga boses, kinabahan ako bigla. Alam ko naman na sa restaurant ako nagpunta diba? Hindi naman sana ito modus ng mga kidnapper. Hindi nga sana. Ayokong mabenta ang mga lamang loob ko.

           Kasabay nito ang mga urong ng upuan. Kinapa ko naman ang nasa harapan ko at may lamesa nga.

           Ilang saglit lang din ay nakarinig na ako ng ilang tunog. Sabi ng nagdala sa akin dito ay tanggalin lang ang piring kapag may narinig na akong senyales, so baka 'yun an 'yun. Inalis ko rin naman agad ang piring sa mata ko, nang maalis ko na ay naaninag ko kaagad ang pulang interior ng paligid. Natigil naman ako sa paglilinga linga ng mapagtanto ko kung sino kaharap ko ngayon.

           "Bakit ka nandito?!" Pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga nangyayari. So ibigsabihin, siya yung nag email sa akin kanina na anonymous?

           "Ikaw, bakit ka nandito?" Ibalik daw ba ang tanong sa akin.

           "Ikaw ba nag send sa akin ng email?" Pagtatanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin. "So ikaw nga?"

           "Hindi." Seryoso nitong sagot. "Akalain mo 'yun. Nagawa pang ipagdate tayo." Iling iling nitong sabi.

           "Uuwi na lang ako." Tatayo na sana ao ng pigilan niya.

           "Maupo ka lang diyan, wag kang uuwi. Nandito na tayo." Nakatingin pa siya sa mukha ko. Nailang naman agad ako sa kanya. Mas nagpalinga linga ako sa paligid nang makita ko si Kaycee sa labas at tumatawa pa.

           Bakit siya nandito?

           Dumating ang pagkain dala dala ng waiter. Pagkalapag na pagkalapag ng waiter ng tray ay natakam agad ako sa pagkain pero nahiya ako bigla nang nasa harap ko pala si Flunter.

           Kumain rin naman kami. Wala pa rin kaming kibuan at wala kaming alam kung sino ang nagplano ng kaek ekan na 'to.

           "Uuwi na 'ko." Aniko saka ako tumayo sa kinauupuan.

           "Wag muna." Pigil niya sa akin.

           "I want to know you more, Pau," his husky voice. "I'm starting to fall for you."

           Napa-ah na lamang ako sa tinugon niya sa akin at wala akong masabi sa sinabi niya. Ang seryoso niya at titig nito sa mata.

           Is he serious? Langya!

Mission Magnet ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon