Mission 2

125 11 3
                                    

                                                      Mission 2

Madali akong pumunta ng school para gawin ang mission ko. Hindi ko pa rin alam kung kaninong notebook ang napulot ko, pero siguro hindi ko muna siya ibabalik kasi mukhang makakatulong ito sa akin na paglapitin ang dalawang tao. Kung sino man siya, maraming salamat kasi nagbigay daan siya sa magiging mission ko.

             Dinala ako ng mga paa ko diretsyo sa room namin. Hindi ko alam kung anong gagawin kong first move, pa'no ko naman gagawin magkakilala silang dalawa, eh magkakase na ng sila diba? So bakit pa? Pero kailangan gawin, I'l do my best.

             Nakita ko naman si Paulina na naglalakad na rin papasok sa room, hinabol ko naman siya at pagkalapit ko sa kanya ay hinawakan ko siya sa braso at agad naman itong harap sa akin.

             Ewan ko rin ba kung anong naging kaartehan nito kahapon ay iniwan na lang ako mag isa. Moody rin kami minsan. May swings lang siguro siya kahapon at ewan, bahala na dun.

             "Bakit mo 'ko iniwan kahapon?" Aniko. Pansin ko rin sa kanya na medyo blooming siya ngayon.

             "Wala lang." Iwas nito sa akin. Halata ko naman sa kanya na kinikilig siya, so kanino naman kaya diba?

             "Samahan mo 'ko mamaya ah? Lunch tayo." Yaya ko sa kanya. I have my plan.

             Napakunot noo naman sa akin si Pau at tumango na lang din naman siya sa akin at tuluyan na rin naman kaming pumasok sa loob ng room namin. Ilang saglit lang din ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin kasama na doon si Flunter. Agad nagtama ang mga mata namin pero iniwas ko kaagad. Hindi ko alam kung bakit siya nagkagusto sa akin. Wala akong idea.

             Bumuntong hininga naman ako at nilakasan ko na ang loob ko. Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya. Poker face ang mukha nito na nakatingin sa akin.

             "Flunter, lunch tayo mamaya." I said to him. I winked and he smirk. Hindi ko na naman siyang hinintay pang sumagot kundi bumalik na ako sa kinauupuan ko.

             Sa lunch, sa oras na 'yun gagawin oo ang first mission ko which is to make themselves know each other. Magkakilala na naman silang dalawa kasi magkaklase na naman kami, so ang problema ko na lang ay kung paano gagawin 'yun?

             Sa kakaisip ko kung paano ko magagawa ay hindi na ako nakakaapaagconcentrate sa lessons namin. So how do I do? Paano ko ba sisimulan?

             Dumaan ang oras at lunch break na. Kinakabahan din ako sa mangyayari, what if magalit silang dalawa sa akin. Natatakot din ako sa mangyayari baka kasi ako pa ang maging dahilan para mas hindi sila magkaigihaan.

             Una ko ng hinigit si Flunter papunta sa canteen. Wala naman kaalam alam si Flunter sa magiging balak ko.

             "Ano ba gagawin natin, lunch date?" Ngisi pa ni Flunter. Hindi ko naman siya sinagot sa tanong niya. Kahit kailan talaga ang hangin ng isang 'to, mabuti na lang hindi aako 'yung taong mabilis ma-fall.

             Umupo kami sa may malapit lang na upuan. Nagkatitigan pa kaming dalawa. Hindi naman awkward sa akin ang nagaganap ngayon. Walang sparks na kumukonekta sa amin. Kahit kailan naman hinding hindi ako mahuhulog sa kanya. Kahit na may gusto siya sa akin, hinding hindi maging vice versa ang nararamdaman namin.

             Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Saglit lang ha!" Pagpapaalam ko sa kanya na agad naman niyang tinanguhan.

             Mabilis rin naman akong umalis kanya at tinunton naman kung nasaan si Paulina. Good to fnd out na naglalakad lang din siya at patungo sa canteen. Dali ko naman siyang nilapitan at hinigit papunta sa canteen.

             "Madapa naman tayo." Angal ni Pau sa akin.

             Nang makarating naman kami sa canteen at palapit kay Flunter ay agad pumiglas sa akin si Pau. Hindi ko alam, pero siguro nakita niya kasi si Flunter. Muli kong hinigit ang kamay niya at hinahatak siyang papunta sa upuan kung nasaan ang lalaki. Wala naman ng nagawa si Pau kundi magpahatak na lang.

             "Sasabay si Paulina sa atin." Sabi ko kay Flunter. Tiningnan naman ni Flunter si Pau pero agad din naman nitong binawi ang tingin at sa akin naman napunta.

             Umupo na naman kaming dalawa ni Pau at silang dalawa ang pinagharap ko. Nagboluntaryo ako na bibili na nang pagkain namin, hindi naman nagpaawat si Flunter pero nagpumilit rin naman ako kaya wala na silang nagawa.

             Hahayaan ko na lang muna silang dalawa na mag-usap. Sana nga lang at maging successful ang mission ko, tumungon na rin naman ako sa bilihan at iniwan silang dalawa.

Paulina's POV

Ewan ko ba kay Kaycee kung anong punto niya at nagawa pang isama ako sa lunch nilang dalawa. Parang third wheel lang ako. Alam ko naman na may something sa kanilang dalawa, I have my reasons naman kung bakit lumalayo ako kapag magkasama sila.

             Una nga nagiging third wheel ako. Pangalawa, nakakapagselos. Nothing to talk about with that.

             "So, how are you?" Nagpintig ang tenga ko na marinig ang boses niya. Hindi ako sanay sa kanya kaya hindi rin ako komportable.

             "Ah," Bigla akong kinabahan na ewan. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. "Maayos naman ako." Nakayuko ko pang tugon sa kanya. Nakakahiya kasi na siya 'yung kausap ko. "I-Ikaw?!" Shit! Bakit ako nauutal?

             "I'm also good. Having fun," ngisi pa niya. Wala akong balak makipag-usap sa kanya. Bakit ba naman kasi ang tagal ni Vain? "Meron ka ng boyfriend?" Napaangat ang ulo ko at napatitig sa mukha niya.

             Napailing na lang ako bilang tugon.

             "So, Kaycee Is friend of yours per bakit hindi kita masyadong kilala?" He said.

             Napakawala ako ng buntong hininga.

             "H-Hindi ko alam sayo. Hindi mo naman ako kailangan kilalanin." Sagot ko pa.

             "Ilang taon ka na ba?"

             "Hindi naman ata nasa interview ako diba? You don't need to know me."

             "Kailangan," Sabi niya. "Kaibigan ka ni Kaycee kaya dapat kilala rin kita." Hindi ko alam pero sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Kaycee ay naiirita ako.

             "Wag na." Sagot ko.

             "Hi Flunter!" Napatingin din ako sa babaeng nagsalita, may inabot itong pagkain kay Flunter na agad naman niyang tinanggap. "Nag-cr si Kaycee kaya pinabigay na niya." Napakunot noo na lamang ako sa naging ginawa ng babae kay Flunter. Umalis din naman ito na kinikilig.

             "Paano mo nagagawang pakiligin ang mga babae, sa no expression face mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

             "Isn't it a talk show, right?" Ngisi pa nito. I rolled my eyes to him. Mayabang pala talaga ang isang 'to. He handed over me the sandwich and the bottle of c2.

             Kinain ko rin naman agad. Hindi na ako kumibo kay Flunter.

             "Nasaan na si Kaycee?" He asked me.

             Napakibit balikat naman ako sa sinabi niya. Sabi nga diba, nasa cr? Naubos ko naman ang pagkain ko at tumayo na ako.

             "Saan ka pupunta?" Pagtanong niya sa akin.

             "Sa cr, pupuntahan si Kaycee?"

             "Sama ako." Saka siya tumayo.

             Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ata ako nito titigilan, alam ko si Kaycee ang pakay niya pero sa cr ng girls susundan din? Di ko na keri.

Mission Magnet ✔Where stories live. Discover now