Mission 3

89 11 1
                                    

                                                             Mission 3

Kaycee's POV

Iniwan ko silang dalawa para naman makilala pa nila ang isa't isa sa simpleng kwentuhan. I know sa ginawa kong 'yun may posibleng mangyari. If mag success man ang mission kong ito, siguro ikatutuwa ko na. Masaya na naman ako habang ako ang gumagawa ng paraan para sa dalawang tao na magkaiba ang interes at personalidad.

             Pinaabot ko lang sa isang babaeng kaklase ko ang mga binili ko na pagkain for them. Pinasabi ko lang na nag-cr ako pero ang tunay ay nandito ako sa stock room. Gagawin ko na ang second mission, siguro naman ay nakapag-usap usap naman silang dalawa.

             Nag-vibrate ang phone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag and I saw Paulina's name. Sinagot ko naman agad ito, naghanap agad ng madadahilan sa kanya.

             "Kaycee? Nasaan ka ba?!" Tanong nito sa kabilang linya.

             "Ha?!"

             "Sabi ko nasaan ka? Wala ka naman sa cr."

             "Ah, mabuti at tumawag ka. Pumunta kayong dalawa ngayon ni Flunter sa Stock Room may pinapahanap kasi sa akin. Hindi ko naman makita." Pagdadahilan ko.

             Sana maging effective yung dahilan ko. Sabi kasi sa mission magnet, ang mission number 2 ay make them trap in a room. So sa stock room ang napag-isipan ko.

             "Sige, papunta na kami." Saka nito binaba ang telepono.

             Hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa mga mangyayari. Gusto ko kasi makita ang reaksyon nilang dalawa mamaya. I wanna make this mission, possible. Gusto ko magkagustuhan silang dalawa.

             Nagtago na ako, medyo malapit lang naman sa stock room. Gagawin ko, if nakapasok na silang dalawa sa loob ay turn ko na para saraduhan silang dalawa. I won't open the door, bahala na kung may pumunta man dito at 'yun ang magbubukas.

             Nakita ko na silang dalawa, nag-uusap naman silang dalawa at parang nagka gaanan na sila nang loob. Good for them, halos itago ko na ang buong sarili ko sa mala-iskinitang sikip para ang hindi nila ako makita. Ngayon, pansin na pansin ko talaga na may gusto si Pau kay Flunter. Kung hindi mo man makita sa mga kinikilos ay mararamdaman mo naman.

             Pumasok na rin silang dalawa sa loob. Dali dali ko naman ginawa ang mission ko. Sinarado ko ang pinto at nilock. Natatawa na lang ako sa ginagawa ko pero alam ko na may magandang reason ang lahat, pati ang notebook na napulot ko with the mission.

             "Buksan niyo!" I heard Paulina's voice. Siguro pinipilit niyang binubuksan ang pinto. Hindi ako ang magbubukas, bahala na kung sino. Ang gusto ko lang ay may madevelop sa kanilang dalawa.

             Umalis na rin naman ako at bumalik sa canteen, marami naman dumadaan din dun so imposible na magtagal sila doon.

Paulina's POV

Napaupo na lang ako sa tapat ng pinto at walang magawa kasi sarado ang pinto. Hindi naman ata plinano ni Kaycee 'to diba? Sabi niya nasa stock room siya pero nadatnan naman namin na walang tao. Hindi kaya pinagloloko niya kami?

             "Maghintay na lang tayo ng may dumating." Ani Flunter. Hindi ko alam pero nakakapagpigil hininga dahi katabi ko siya ngayon na nakaupo at hindi ko rin alam kung kakayanin ba ng puso ko 'to. Walang malisya, wala talaga.

             Nakailang buntong hininga na ako dahil in half of an hour, balik klase na muli.

             "You sighed 11 times." Flunter said. Napatingin ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakahawak pala ang kamay nito sa kamay ko. Iniwas ko naman agad ang kamay ko, mainit ang kamay niya at ang sarap siguro hawakan. "Why?" Kunot noo niyang sabi sa akin.

             Napangiwi ako. "W-wala!" Aniko.

             Bakit ba ako nauutal? Kanina naman hindi ako ganito, kausap ko siya sa canteen at hindi naman kami nagkaka ilangan pero dito, ramdam ko at dalawa pa talaga kami ha.

             "I heard so much about you." Napatingin ako sa kanya.

             "Ako?!" Matawa tawa ko pang sabi sa kanya.

             "Yes, the nerdy one." He said straightforward. I sighed. "12 times." Ngisi pa niya.

             Ewan ko ba kung bakit, iba ang dating sa akin ni Flunter. Alam ko naman na si Kaycee ang gusto niya at malabong mangyari na magkagusto siya sa akin. Oo aaminin ko, gusto ko si Flunter. Yun nga lang naging mahirap sa akin na mapalapit sa kanya, sikat siya pero isnabero. Maraming nalilink sa kanya tulad ng ibang sikat sa school, isa na diyan si Kaycee na ang totoo ay gusto ni Flunter. Hindi ko. Alam kung bakit pakipot pa si Kaycee at hindi pa sinasagot si Flunter, ang vain naman kasi.

             "What's with the smile?" Taas kilay na tanong sa akin ni Flunter. Umiling naman ako sa kanya.

             "Wala. Alam mo Flunter, gwapo ka, sikat ka, maraming nagkakagusto sayo, kaso isnabero ka." Sabi ko. Narinig kong ngumisi naman siya sa akin "Stop, being such an annoying person."

             "I'm not annoying." Seryosong tono ng boses nito. Napayuko ako sa sinabi niya, nahiya tuloy ako bigla sa mga pinagsasabi ko. "Magkaiba tayo, babae ka at lalake ako. Sikat ako, nobody ka. No offensement ha? Ganun naman talaga eh. Magkaiba tayo sa pananaw at interes natin, mas lalo na sa personalidad. Kay Paulina, don't ever estimate some people, baka nga ikaw pa ang nakakaasar diyan." Ngisi pa nito.

             Hindi na ako kumibo sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng maattract ang magkaibang tao? I mean babae ako at lalaki siya.

             May posibilad naman na magkagustuhan kaming dalawa diba?

             Natahimik ako. Sana may magbukas na ng pintuan, kung sino man nagsara ng pinto. Mas nakakaasar siya.

             Ilang minuto ang nakalipas ng bumukas ang pintuan. Tumayo naman kaming dalawa ni Flunter, sa hindi sinasadyang pangyayari ay biglang nagtama ang mga labi namin na iniwas naman agad namin. Nakakahiya sobra.

             Pagkabukas ng pinto ay bumungad ang janitor. "Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong nito pero hindi ko siya pinansin kundi tumakbo ako sa makakaya ko. Iniwan ko siya.

             Dumiretsyo ako ng cr, nakita ko pa si Kaycee pero hindi ko siya pinansin. Hinawakan ko ang labi ko, parang mayy naramdaman akong kuryente na magtama ang labi namin.

             "Mali ang nangyari. Hindi dapat ako mahulog sa kanya, hindi. Magkaiba kaming dalawa, hindi pwedeng mahulog ang isang katulad ko sa isang katulad niya." Hinugasan ko agad ang labi ko pagkadating ko sa cr ko.

             May gusto man ako sa kanya, hanggan dun na lang yun. Imposible kasing mangyari ang bagay bagay.

Mission Magnet ✔Where stories live. Discover now