Bagong taon

19 0 0
                                    

Dumating na ang bagong taon
Di parin ako nagkakasya sa kahon
Dumating na ang bagong taon
Mahal parin kita at di nagbabago yon

Ang cute mo pag tinatawag kita
Sabay ngingiti ka nalang bigla
Pangalan mo lang ang aking sinabi
Ikaw agad ay nakangiti

Ngiti mong napaka ganda
Nakaka-inlove talaga
Napapangiti din tuloy ako
Oo! napapasaya mo'ko

Wag ka na malungkot
Wag ka na sumimangot
Mas maganda ka pag naka-ngiti
Maniwala ka ako na nagsasabi

Simulan natin ang bagong taon ng masaya
Wag natin problemahin ang iba
Mamahalin nalang kita
Oops mahal na pala kita

Ansarap pakinggan ng boses mo
Parang nasa langit na ako
Parang boses ng anghel
Kinikilig naman talaga ako mahal

Bagong taon na
Buklatin na ang susunod na pahina
Pero tayong dalawa parin ang bida
Tayo lang wala nang iba

Dadating ang mga pagsubok
pero itataboy lang ito parang alikabok
Mamahalik ka parin
Kahit ako na'y maging hangin

Napaka daming ala-ala
Ang ibinigay mo sa akin
Himdi man kasing dami ng buhangin
Ito parin ay aaalahanin 

Mamahalin ka hanggang sa pagtanda
Kung tayo man ay di na muling magkita
Buhok man ay maputi na
Aalalahanin parin kita

Ikaw ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko
Ikaw ang nag pasaya,nag palungkot, nag pakilig sa sexy na'to
Ispesyal ka para sa akin tinataboy ka man nila
Mamahalin at mamahalin parin kita

May dadating na bagong tao sa buhay mo
Kung ayaw nila sayo
ayawan mo din sila
Kase nga mahal kita

Lagi mo lang tatandaan na mahal kita
Wag mong kakalimutan na ikaw lang talaga
Ikaw lang ang mamahalin


I love you so much Hash









Nagsimula noong ikaapat na baitangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon