ARAW

7 0 0
                                    

Ikaw ang araw ko
At ako ang mundo na umiikot dito
Na alam ko na kakalas
pagdating ng wakas

Wakas na kung saan magugunaw lahat
Sa panahon na hindi pa sapat 
Ang mga oras na nakasama ka
Pero aalis na 

Malapit na ang wakas
Kung saan maghihiwalay na ng landas
Kung saan papatak na ang huling katas
Kung saan mananaig ang batas

Batas na walang may gusto
Pero kailangang sundin ito
Sa ngayon ay binabalewala ko ito
Sana'y pahalagahan mo

Hayaan mong masaktan ako
Kaya ko pa namang tiisin to
Alagaan mo ang sarili mo
Para bumuti ang pakiramdam mo

Minsan naiisip ko
Sa hinaharap kayay kilala mo pa'ko
Sa hinaharap ay pansinin mo pa'ko
Sa hinaharap ay may silbe pako sayo

Kung wala na ayos lang
Gawin mo kung kailangan mong humakbang
Gawin mo kung kailangan mo'kong kalimutan
Kung iyan ang iyong kagustuhan

Palapit na ang paglubog ng araw
Kailan kaya ito muling lilitaw
Kailan ka kaya muling babalik
Akoy talagang nasasabik

Sa iyong pagbalik ay pwede paba?
Sa iyong pagbalik ay may gusto kapa?
Sa iyong pagbalik ay wala na?
O baka sa iyong pagbalik ay may iba na





Nagsimula noong ikaapat na baitangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon