Saya

12 0 0
                                    

Paano ba kita mapapasaya
Puro sakit nalang ang nadudulot ko sayo
Kailan ba kita mapapasaya
Kalungkutan lang ba talaga ang dala ko

May ngiti sa iyong mga labi
Pero may roong hindi masabi
Itinatago mo lang sa iyong sarili 
At iniiyak mo lang ito tuwing gabi

Nalulungkot ako sa tuwing ikay malungkot
Pag nakikita kang malungkot di maiwasan sumimangot
Minsan ay talagang nakakatakot
Pag lumayo kana'y malulungkot at makakaramdan ng kilabot

Kung kalimutan ako ay ang paraan
Upang kasiyahan ay iyong makamtan
Ako ay iyo nang kalimutan
Upang ika'y sumaya naman


Kung kalungkutan lang ang aking dala
Ikaw ay aking lalayuan na
Dahil masakit makita na malungkot ka
Mas gusto kong makita kang masaya


Kahit hindi ako ang iyong kasama
Basta ikaw ay masaya
Kahit na masaktan ako
Basta masaya ka masaya din ako

Nagsimula noong ikaapat na baitangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon